Meeting My Ex Mother In Law

9.1K 188 2
                                    

Gandang hapon guys finally one more day then rest day ko na excited na ako hehehe pero bago iyon ay pipilitin kong magdraft para mas masaya hehehe

Song is Hero by Enrique Iglesias

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 22

-=Miranda's POV=-

Around six nang gumising ako para makapaghanda, well you know girls we still want to look good kahit na medyo down kami and I'm not an exception kaya naman ng matimplahan ko ng lavender oil ang bathtub ay dali dali akong lumusob doon ay inenjoy ang paliligo doon, halos isang oras din ako sa bathtub bago tuluyang umahon.

Nang nasa harapan na ng salamin ay sinimulan ko na ang pagpapahid nang manipis na make up sa mukha ko, simpleng foundation and lipstick lang ang ginamit ko at matapos non ay sinunod ko naman ang buhok ko.

Saktong nasuot ko na ang damit na nabili ko gayon din ang terno ng sapatos nang marinig ko ang mahihinang katok sa pintuan ng unit ko, na sinundan naman ng boses ni Ram.

"Beautiful." narinig kong sinabi ni Ram nang mapagbuksan ko ito ng pinto, imbes na sagutin ang sinabi nito ay isang simpleng ngiti lang ang tinugon ko dito.

Sabay na kaming dumiretso sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan nito at ilang sandali nga lang ay nagdadrive na ito patungo sa venue na nasa Bonifacio Global City.

"How's Atilla?" tanong ko nang ilang minuto na ang katahimikan na sa pagitan namin.

"Still not feeling good mukhang medyo nahihirapan pa siya sa pagbubuntis niya." nag-aalala nitong sagot.

"Don't worry Ram, Atilla is a fighter and so is your baby kaya makakayanan nilang pareho to." ang nakangiti kong sinabi dito.

Matapos ang maikling pag-uusap naming iyon ay wala nang salitang namagitan sa amin hanggang makarating na kami sa naturang venue.

The place is already packed with people from all around the globe mga sikat at bigating mga tao mula sa showbiz, business and political sections.

"Ram!" narinig kong may tumawag sa pangalan ng binata kaya naman agad ko iyong tinignan at nakita ko nga ang nakangiting mukha ni Henry Cervantes one of the richest businessmen and happened to be his brother in law.

"Good evening Henry." ang bati nito sa bilyonaryo ng makalapit na ito, noon pa man alam ko nang kapatid nito si Atilla ng nasa US pa lang kami pero since hindi ko naman business iyon ay hindi ko na masyado iyong binigyan atensyon.

"Don't be like that masyado kang stiff Ram, we're family now." ang nakangiti nitong sinabi sa binata at ilang sandali lang ay agad na nito akong napansin.

"And you must be Miranda?" baling naman nito sa akin, sa totoo lang hindi ko maiwasang hindi mailang, biruin mo kaharap ko lang naman ang isa sa pinakamayamang tao sa Asya.

"Nice meeting you Mr. Cervantes." ang magalang kong sinabi dito.

"The pleasure is all mine Miranda but please just call me Henry mas nararamdaman kong masyado na akong matanda." ang natatawa nitong sinabi, well kahit na may edad na ito ay hindi pa din maitatago ang guwapong itsura nito, pinilit kong tignan kung meron itong pagkakahawig kay Atilla ngunit wala akong makita.

"Age is just a number Henry, kalabaw lang tumatanda." ang natatawa naman na sinabi ni Ram dito.

Magkasama na ang dalawa hanggang makapasok sa mismong loob ng venue habang kami naman ng asawa nito ay nakasunod sa dalawa.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon