Let Him Go

8.6K 162 5
                                    

Maulang gabi guys ingat ingat may bagyo, ang lakas ng ulan dito sa Cavite mabuti na lang sandali lang namatay ang ilaw, nga pala sorry kung hindi ko nagawang tapusin last sunday mahirap din palang magfocus kung nasa bahay lalo na't isang araw lang ang rest day hehehe.

Song is Sa Muling Pagtatagpo by Daryl Leong

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 25

-=Miranda's POV=-

Kita ko ang labis na pagkagulat na nagregister sa mukha ni Ang ng marinig ang hiling ko para dito gulat na sinundan ng labis na sakit na lalong nagpapahirap ng nasa loob ko.

"Ganoon na ba talaga kalaki ang galit mo na gusto mo na talaga ako tuluyang lumayo sayo?" puno ng pait na tanong nito sa akin, I tried to fight the urge to cry sa nakikita kong paghihirap dito dahil kailangan ko itong gawin, ayokong dumating sa araw na marealized nitong hindi naman pala talaga ako nito mahal na tanging guilt lang ang nararamdaman nito.

"Nagkakamali ka Ang........ ginagawa ko ito para sayo dahil alam ko kung gaano mo pinaghirapan ang inaalok sayo ni Ang at maliban doon ay gusto kong masigurado mo ang nararamdaman mo sa akin at kung sakaling pareho pa din ang nararamdaman mo sa akin matapos ang dalawang taon ay nandito ako." sobrang lungkot ko isipin pa lang na mawawala ito sa akin pero alam kong ito ang kailangan mangyari, we need to sort out both of our feelings.

Kitang kita ko ang paghihirap sa kalooban nito ng bagay na hinihiling ko dito, labis ang pagpipigil kong sabihin dito na kalimutan na ang hiling ko dito na mahal na mahal ko siya at magsimula uli na siyang sinisigaw ng puso ko ngunit ni isang salita ay walang namutawi sa mga labi ko.

"Hindi ko ata kaya Miranda, para mo na ding sinabi sa akin na tapusin ko na lang ang buhay ko dahil mismong iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito." maemosyonal nitong sinabi sa akin, kitang kita ko kung paano mamula ang magkabila nitong mga mata habang nakatingin sa akin ng diretso.

"If you really love me gagawin mo ito, hanggang hindi ko nasisiguradong hindi lang guilt ang nararamdaman mo ay hinding hindi ko matatanggap ng buong buo ang pagmamahal na inaalok mo Ang." desidido kong sinabi dito, alam kong wala ng atrasan ito at kita ko ang pang-unawa sa mga mata ng binata ng muli itong tumingin sa akin.

"Hanggang kailan?" malungkot nitong tanong sakin.

"Two years from now mula sa pag-alis mo ng bansa." pinal kong sinabi dito at hindi na din ito nagtagal at agad na nagpaalam.

Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay saka naman malayang dumaloy ang mga luha sa magkabila kong mga mata, alam kong maari kong pagsisihan ang desisyon kong ito kapag narealized na ni Ang ang totoong nararamdaman nito pero ayoko lang maging unfair sa kanya at sa sarili ko.

Hindi na din ako nagtagal at agad na akong bumalik sa tinitirhan ko, pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ay nahahapo akong napahiga sa kama ko kasabay ng patuloy na pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko.

Lumipas ang mga araw na hindi na nagpakita sa akin si Ang, hanggang isang araw ay dalawin ko ang mag-asawa.

"Ikaw pala yan Miranda, pasok ka nasa taas si Ram." ang nakangiting bungad sa akin ni Atilla ng tawagin ito ng kasambahay nito, napagdesisyunan ko kasing dumalaw sa mga ito lalo na't ayoko namang magkulong sa bahay.

"You look so beautiful Atilla." ang nakangiti kong sinabi dito, dahil bagay dito ang pagbubuntis nito mas lalo pa nga ata itong gumanda.

"Maraming salamat Miranda, ganito talaga siguro kapag masaya ka." ang nakangiti naman nitong sinabi, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaunting inggit na agad ko naman binura sa isip ko lalo na't alam ko kung gaanong paghihirap ang pinagdaanan nilang dalawa bago sila tuluyang naging masaya.

Tahimik lang ako habang nakasunod dito, kahit na nahihirapan ay kitang kita ko ang hindi matatawarang saya sa mukha nito, hindi ko tuloy naiwasang hindi humawak sa tiyan ko, sa totoo lang hindi pa ako nagpapacheck up, pero delay ako kaya malakas ang kutob ko nag nagdadalang tao ako.

Naabutan namin si Ram na nasa study room at seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito, nalaman ko sa secretary nito na hindi ito pumasok para samahan ang asawa sa check up nito, hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na magiging ganito kadedicated ang best friend kong ito, iba talaga kapag ang pag-ibig na ang kumilos na kahit ang taong hindi naniniwala sa pag-ibig ay mapapasunod.

"Ok, I will just call you back later." ang sinabi nito ng finally ay mapansin na kami nito, at ilang sandali lang ay hinarap na kami nito.

"How are you Miranda?" nag-aalala nitong tanong sa akin na pinagkunot ng noo ko.

"Of course I'm good." naiiling kong sinabi dito, hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa concern na nakikita ko dito.

"Seryoso, kamusta ka na, ngayong aalis na si Ang pabalik ng Australia?" tanong nito.

Para naman sa pandinig ko ang sinabi nito dahil wala akong kaalam-alam na pumayag na pala ang binata kahit na nga ba ako na mismo ang nagtulak dito.

"I guess hindi mo pa alam, pero noong nakaraang linggo lang ay kinausap ni Ang si Henry at pumayag na itong pamahalaan ang lahat ng negosyo ni Henry sa Australia at mamayang mga alas tres ang flight niya pabalik ng Australia." paliwanag nito.

Parang may malaking bagay ang nakabara sa lalamunan ko sa nalaman ko, pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak sa nalaman ngunit traydor ang mga mata ko na walang pakundangan na basta na lang umiyak.

"Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo Miranda gayong alam naman natin na mahal ka ni Ang at ganoon din sa kanya, bakit kailangan mong pakawalan ang isang taong siyang magbibigay sayo ng labis na kaligayahan?" tanong ni Ram, hindi ko na nagawang sagutin ang bagay na iyon ng kusang kumilos ang mga paa ko paalis sa bahay ng mag-asawa.

"Ang......" ang tanging namutawi sa mga labi ko habang sakay sakay ng taxi na sakto naman na pumara sa kabilang bahay.

I checked my watch at nakita kong kulang kulang dalawang oras na lang ay flight na ng binata.

Mahigit isang oras ng makarating ako sa airport at nang marinig ko ang pagtawag sa mga pasahero na patungo ng Sydney Australia ay agad akong nagtungo sa naturang lugar at sakto naman na nakapila na ang binata ngunit base sa itsura nito ay masasabi kong para bang meron itong hinihintay.

Agad akong nagtago ng mapansin kong titingin ito sa puwesto ko, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang hawak hawak ko ang dibdib ko.

Ilang sandali lang ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at kita kong tuluyan nang pumasok ang binata, my heart wants to run to him at pigilan ito kahit na nga ba ako na mismo ang humiling na bumalik ito ng Australia pero mas nanaig ang sinisigaw ng isip ko at kahit masakit sa loob ko ay pinagmasdan ko na lang ito hanggang makapasok na nito at ilang sandali nga lang ay lumipad na ang sinasakyan nitong eroplano.

"Hanggang sa muling pagkikita Ang." ang namutawi sa mga labi ko habang nakatingin sa papalipad na eroplano not really sure kung makalipas ba ang dalawang ay babalik ba ito na may pagmamahal pa din ito sa akin o baka after two years ay marealized nitong guilt lang talaga ang naramdaman nito.

Isang mapait na ngiti ang namutawi sa mga labi ko habang tahimik na pinunasan ang luhang nakatakas sa mga mata ko.


His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon