Sinner or Saint

12.2K 190 4
                                    

Magandang madaling araw guys kahit may pasok pa bukas ay naisipan kong mag update ng story na to hehehe sana magustuhan ninyo :)

Song is Nanghihinayang by Jeremiah

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 14

-=Ang's POV=-

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula dahil wala naman talaga akong alam sa buhay ni Miranda.

"And yet you judge her na para bang siguradong sigurado ka na sa tunay na pagkatao niya." mas lalo akong nagiguilty kapag naiisip ko ang mga pinakita ko dito simula pa lang na para bang siya na ang pinakamasamang tao, ni hindi ko man lang inalam ang tunay na si Miranda.

"Nakikita mo naman talaga na mabuti siyang tao ngunit nabulag ka nang galit mo dahil akala mo pera lang ang habol niya sa kapatid mo." sagot nang kabilang bahagi ng isip ko, hindi pa din masagot sagot sa isip ko kung paano itong naging virgin samantalang ilang beses na itong nagpakasal at isa pa sa mga kinatatakot ko ay kapag nagising na si Anthony at malaman nito ang ginawa ko sa asawa nito, ngunit sa ngayon ang importante ay mahanap ko si Miranda at humingi ng tawad dito, kung kinakailangan kong lumuhod sa harap nito ay gagawin ko para lang mapatawad ako nito.

"Napakalaki mong gago!" galit na galit kong sinabi sa sarili ko kasabay ng malayang pagdaloy ng luha sa magkabila kong mga mata.

Mahigit isang oras na ako nagdadrive ngunit wala pa din akong maisip na lugar kung saan ito pupunta hanggang maalala ko si Ram at Atilla kaya naman dali dali akong nagdrive patungo sa bahay nila Henry baka sakali kasing nandoon ang mag-asawa.

Laking gulat ni Henry nang maabutan ako nitong naghihintay sa sala ng bahay nito kasunod ng asawa nito.

"This is quite a surprise, how can I help you?" ang nakangiting tanong ni Henry nang maabutan ako nito sa sala ngunit agad din naman iyong nawala nang tuluyan na nitong makita ang itsura ko, I must be looking like hell sa nakikita kong dismaya sa itsura ni Henry, kilala kasi nito ako bilang isang organize na tao.

"Is your sister here?" ang agad kong tanong dito habang nililibot ko ang tingin ko sa paligid hoping to see Atilla.

"Masaya na si Atilla Ang, kailangan mo nang magmove....." ngunit bago pa man nito matapos ang kung anumang sasabihin nito ay agad ko na iyong pinutol.

"Matagal na akong nakapagmove on kay Atilla kailangan ko siyang makausap dahil kailangan kong makausap si Ram." ang nagmamadali kong sinabi dito dahil sa bawat minutong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong makita si Miranda, ang babaeng mahal ko.

"Linawin mo ang pakay mo Ang, anong kailangan mo kay Ram?" naguguluhan nitong tanong na tuluyan nang napaupo sa bakanteng sofa, at agad namang tumabi ang asawa nitong si Ellaine.

"I need to talk to Ram, baka kasi alam niya kung saan ko makikita si Miranda." sagot ko naman dito, kahit naman naguguluhan ay binigay na din nito sa akin ang address nang mag-asawa at matapos magpasalamat ay agad din akong umalis sa bahay ng mga ito.

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa binigay sa aking address ni Henry na sa Wack Wack Village sa San Juan.

Inabot din siguro ako ng mahigit isang oras bago ako tuluyang makarating sa bahay nila Atilla, sakto naman na si Atilla ang sumalubong sa akin kasunod ni Ram na seryosong seryoso ang mukha na para bang nakahanda itong ipagtanggol ang babaeng pinakamamahal na para bang may balak akong agawin ito sa kanya.

"Henry already told me that you're looking for Miranda, may nangyari bang masama?" nag-aalalang tanong ni Atilla sa akin.

Hindi agad ako nakaimik dahil hanggang ngayon ay ginagambala pa din ako ng guilt sa dibdib ko ng dahil sa ginawa ko kay Miranda.

"Sorry Atilla, I don't have time to explain right now kailangan kong makausap ang asawa mo." ang paliwanag ko dito, kung noon hirap na hirap akong sabihan na asawa nito si Ram ngunit ngayon ay parang wala na sa akin ang bagay na iyon at malaki ang pakiramdam ko na dahil iyon kay Miranda.

"Sasagutin ko lang ang tanong mo kung sasabihin mo kung anong nangyari kay Miranda?" seryosong seryosong tanong ni Ram, sandali kaming nagsukatan ng tingin hanggang sa ako na mismo ang unang sumuko dahil kung gusto kong mahanap si Miranda ay kakailanganin ko ang tulong ni Ram.

"I seduce her para mahiwalay na siya sa kapatid ko.......... ginawa ko iyon sa pag-aakala kong masama siyang babae." sobrang sakit nang nararamdaman ko ng sinabi ko ang bagay na iyon.

Hindi na din ako nagulat nang bigla akong sugurin ni Ram at pinaulanan nang sunod sunod na suntok, ni hindi ko iniwasan ang mga suntok na binitawan nito dahil alam kong mas higit pa sa mga suntok ni Ram ang nararapat sa nagawa ko.

Tumigil lang ito nang galit na magsalita si Atilla dito at marahil dahil sa takot na may mangyaring masama sa anak ay agad itong tumigil, pero kitang kita ko ang pagbaba taas ng dibdib nito marahil sa pinaghalong galit at pagod sa ginawa nito.

"Bakit mo nagawa iyon Ang, kilala kita, ikaw ang klase ng taong may malawak na pang-unawa, Miranda and I might not be that close pero alam kong mabuti siyang babae." ang malumanay na sinabi ni Atilla sa akin habang nagpupuyos pa din sa galit si Ram na walang magawa kung hindi ang titigan ako ng masama.

"I don't know pagdating sa kanya parang lagi akong nagagalit, ang buong akala ko kasi pera lang ang habol niya sa kapatid ko kaya nagpakasal siya kay Anthony but after what happened ay hindi ko na alam." gulong gulo kong sinabi dito, pakiramdam ko ako na ang pinakawalang kuwentang tao sa buong mundo ng mga oras na iyon.

"Malayong malayo sa sinabi mo ang ugali ni Miranda Ang." nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Ram and surprisingly malumanay na ito sa pagsasalita na para bang kanina lang ay hindi nito ako gustong baldahin.

"I know that pero hindi mo maalis sa akin na isipin ang bagay na iyon dahil ilang beses nang nakasal si Miranda." pagtatanggol ko sa sarili.

Isang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ni Ram bago ito tuluyang magsalita. "Maski ako Ang hindi ko alam kung bakit nagawa ni Miranda ang bagay na iyon dahil kahit ilang beses ko siyang kulitin ay hindi niya sinasabi sa akin ang dahilan at tungkol naman sa pera ang habol ni Miranda sa kapatid mo ay hindi totoo iyon, kung natatandaan mo namatay ang isa sa mga naging asawa ni Miranda kaya naman napunta sa kanya ang yaman ng taong iyon, kung pera lang ang habol niya hindi niya gagawin na ibalik sa pamilya nito ang yaman ng asawa niya sa kundisyon na bahagi ng kikitain ng mga negosyo nila ay mapupunta sa charity." paliwanag ni Ram sa akin, mas lalong naging malinaw sa akin ang lahat hindi sinner si Miranda kung hindi saint.

"I'm such a complete idiot, am I not?" tanong ko sa mga ito na sinabayan ko pa ng pagak na pagtawa dahil pakiramdam napakawalang kuwenta kong tao.

"Huwag mong masyadong idown ang sarili mo Ang, lahat ng tao ay nagkakamali." nag-aalalang sinabi sa akin ni Atilla na nilapitan pa ako, kitang kita ko ang pang-unawa sa mga mata nito.

"I love her pero hinayaan ko siyang masaktan, kailangan kong malaman kung saan ko siya matatagpuan." determinado kong sinabi sa mga ito.

"There is only one place that I can think na maaring puntahan si Miranda at iyon ay ang bahay ampunan kung saan lumaki si Miranda." ang narinig kong sinabi ni Ram.

Labis na gulat ang naramdaman ko sa nalaman ko sa dalaga at mas lalo akong nakonsensya sa nalaman ko.


His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon