Lost Without Your Love

8.9K 170 4
                                    

Good evening guys just waiting for PBA Ginebra day!!!! hehehe wala lang, nga pala maraming salamat sa walang sawang naghihintay ng update nito pasensya na talaga kung sobrang tagal ko kung makapag update at nararamdaman kong kailangan ng matapos ng story na to dahil long overdue na kasi nito ^^

This is just a short update guys sorry babawi na lang ako sa mga next chapters ko baka nga hanggang 25 chapters lang to bahala na sa itatakbo ng story :)

Song is Pusong Ligaw by Jericho Rosales

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 20

-=Ang's POV=-

Ilang linggo na din ang lumipas ng subukan kong kausapin ito nang magpunta ako sa bahay ampunan kung saan ito lumaki at ngayon nga ay tumutuloy, sa bawat araw na lumilipas na hindi ko ito nakikita ay napakalaking parusa para sa akin, dahil walang oras na hindi ko naalala ang dalaga, ang babaeng tunay kong minamahal at sinaktan ng dahil sa mga paratang ko dito, gustuhin ko man na puntahan siya sa oras na iyon ay pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko siyang bigyan ng space at time para makapag-isip.

"Stay away from me." ang naalala kong huling sinabi nito sa akin, isang kahilingan na kahit kailan ay hinding hindi ko mapagbibigyan, paano mo ba magagawang tuluyang layuan ang taong nilalaman ng puso mo na alam mong magiging kasiyahan ng puso mo.

Naputol ang pag-iisip kong iyon ng makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kuwarto ko na sinundan naman ng pagtawag ng isa sa mga kasambahay namin.

"Sir Ang dumating na po sila Anthony." narinig kong sinabi nito na agad naman na naging dahilan para dali dali akong lumabas ng kuwarto at sakto ngang umaakyat ang dalawa, si Anthony buhat buhat ng nobyo nitong si George.

Kahit nalaman ko ang tunay na pagkatao ng pinakamamahal kong kapatid ay hindi nagbago ang pagtingin ko dito.

"Kamusta na siya?" agad kong tanong dito nang makaupo na ito sa wheelchair na ginagamit nito dahil kinakailangan pa din itong dumaan sa ilang series of therapy.

"She could be worse." he answered nonchalant na nagdulot sa akin ng labis na alalahanin.

"Ano ba naman Anthony!" naiinis na sinabi ni George sa kapatid ko na sinuklian lang naman nito ng ismid.

"Maayos naman ang naging kalagayan ni Miranda pero kahit ganoon ay halatang malungkot pa din siya." paliwanag ni George at parang may isang malaking kamayn na pumiga ng puso ko sa narinig ko.

"Babalik ako sa lugar na iyon." siguradong sigurado kong sinabi ngunit agad kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Anthony.

"Don't bother Ang." narinig kong sinabi ni Anthony.

"Bakit naman?" tanong ko dito sa mapanganib na tono.

"Malamang sa malamang pabalik na siya ng Manila kaya hindi mo na siya maabutan." paliwanag nito ng marahil ay naramdaman nito ang biglaan pagbabago ko ng mood.

Hindi na ako nagsalita bagkus ay dali dali akong bumalik sa kuwarto ko para maghanda para puntahan ito.

"And where do you think you are going?" tanong sa akin ni Anthony na mukhang hindi pa din umaalis sa kung saan ko ito naiwan kasama ng nobyo nito.

"I want to see her!" sigaw sagot ko dito na hindi man lang huminto sa mabilis na paglalakad palabas ng mansion.

"But she doesn't want to see you!" narinig ko pang sinabi nito.

"I don't care I just want to see her, I just want to know that she's alright!" ang huling nasabi ko bago ako makasakay sa kotse ko na agad kong pinaharurot palabas sa mansion patungo sa tinutuluyan ng dalaga, not even sure kung nandoon na nga ba ito.

Punong puno nang pangungulila ang puso ko para sa dalaga at wala naman akong planong magpakita dito ang gusto ko lang ay makitang maayos ito, ang muli kong makita ang babaeng pinakamamahal ko.

Inabot din ng mahigit isang oras ang naging pagdadrive ko bago ako tuluyan nakarating sa condo unit ng dalaga, hindi ako sigurado kung dapat ba akong pumasok sa loob ng building lalo na't hindi ko naman sigurado kung nandoon na nga ang dalaga kaya naman nagdecide akong maghintay.

I waited for more than an hour hanggang finally ay makita ko itong bumama ng taxi, kahit medyo malayo ang distansya sa pagitan namin ay hinding hindi ako magkakamali sa kung sino ang tinitignan ko ng mga oras na iyon, paano ba akong magkakamali kung puso ko ang nakakakilala sa taong iyon.

Labis na pagpipigil ang ginawa ko para hindi lumapit dito, dahil gusto kong bigyan ito ng space na kailangan nito ang gusto ko lang ay ang makita at alalayan ito kung kinakailangan nito.

Pakiramdam ko may malaking kamay ang dumakot sa puso ko sa nakikita kong itsura nito, sobrang ganda pa din nito no doubt about that pero ang nagpapasakit ng dibdib ko ay ang nakikita kong lungkot sa mga mata nito kahit na nga ba pinipilit nitong ngumiti sa mga nakakasalubong nito at ang mas masakit ay ang kaalaman kong ako ang dahilan kung bakit ito nasaktan ng sobra sobra.

Nakatingin lang ako dito hanggang tuluyan na itong makapasok ng building, nasa loob kasi ako ng kotse ko at dahil tinted ang salamin ng sasakyan ko ay hindi ako nito nakita.

Nanatili lang akong nakatingin sa pinasukan nito at kung hindi pa sa paninita sa akin ng security guard ng building ay baka nanatili lang ako sa lugar na iyon.

Mabigat man sa loob ko ay kinakailangan kong panandalian na iwanan si Miranda pero isang pangako ang nabuo sa akin.

Babantayan ko siya, call me a stalker or what pero gusto kong siguraduhin na nasa mabuti itong kalagayan.


His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon