Her Side of the Story

10.1K 179 2
                                    

Hi guys nagdecide akong medyo baguhin ung story kasi parang medyo OA naman kung lima na naging asawa ni Miranda gawin na lang natin mga tatlo kasama si Anthony hehehe

Song is Why by Avril Lavigne

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 18

-=Miranda's POV=-

Tuluyang humulagpos ang luhang kanina ko pa pinipigilan, akala ko kakayanin ko ang sakit pero mali pala ako, napatunayan ko iyon nang makita ko ang taong naging dahilan kung bakit ka nasasaktan, ang taong napamahal sayo kahit anong pigil mo sa sarili mong huwag siyang mahalin.

Labis na gulat talaga ang naramdaman ko nang makita ito kasi akala ko nang pinirmahan ko ang divorce paper ay titigilan na ako nito ngunit mali pala ako.

Muling nanariwa sa akin ang sakit nang maalala ko ang ginawa nito sa akin, nang gabing ibinigay ko ang sarili ko dito.

Gulong gulo ang isip ko nang mga panahon na iyon dahil nahahati ang damdamin ko sa kung ano ba ang dapat kong gawin, dahil nangako ako kay Anthony na mananatili akong asawa nito hanggang sa handa na itong ipagtapat ang totoo sa pamilya nito.

Nagpakasal kami hindi dahil sa pag-ibig kung hindi dahil gusto ko itong tulungan, sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto ang ginagawa kong ito, nagsimula ito nang kinailangan kong magpakasal sa isang kaibigan ko, kahit labag sa loob kong magpakasal ay minabuti kong gawin ang bagay na iyon, I can see desperation kasi sa kanya ng mga panahon na iyon, ayoko lang kasing maulit ang nangyari sa isa sa mga naging kaibigan ko ng nasa US pa ako.

"Arnold." bigla kong naisip si Arnold, hindi ko mapigilan ang guilt na biglang bumalot sa dibdib ko nang maalala ko ang kaibigan kong iyon, he took his own life nang dahil sa pressure na nakukuha nito sa sarili nitong pamilya dahil hindi nito maipagtapat ang totoong damdamin nito.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala ang huli naming pag-uusap ilang taon na din ang nakakalipas.

Nasa tinutuluyan akong apartment dahil wala naman pasok ng puntahan ako ng kaibigan kong si Arnold.

"Anong kailangan mo Arnold?" nakangiti kong tanong dito nang mapagbuksan ko ito ng pinto at ngayon nga ay magkaharap na kami sa maliit na sala ng tinutuluyan ko.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang maamo at guwapo nitong mukha, sa totoo lang sa una nagkacrush ako dito ngunit ng malaman ko ang preference nito at agad din iyong nawala dahil hindi naman ako ang klase ng babae na pipilitin na magbago ang isang lalaki.

Arnold is gay at nalaman ko lang iyon ng minsan makita ko itong may kahalikan sa theater na pinuntahan ko ng minsang mabato ako at kitang kita ko ang gulat at takot sa mukha nito nang makilala ako, maliit lang din kasi ang circle of friends namin, naisipan pa nga nitong bayaran ako para manahimik lang pero hindi ko iyon tinanggap at pinangako kong hindi ko ipagsasabi ang nakita ko and besides hindi naman ako ganoong tao, at mula nga noon ay naging close friend na kami ng binata, ako ang nagiging confidante niya kapag may pinagdadaanan siya lalong lalo na ang problema niya sa pamilya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din alam ng mga parents nito ang totoong pagkatao ng binata at base sa mga kinukuwento nito ay hindi matatanggap ng mga magulang nito ang totoo nitong pagkatao lalo na't lahat ng mga kapatid nito ay mga lalaki din.

"Miranda, I badly needed your help." nakikiusap nitong sinabi sa akin, I decided to remain quiet habang hinihintay itong magpatuloy.

"I need you to............................" halatang hirap na hirap itong sabihin ang tulong na hinihingi nito kaya naman napagtanto kong mukhang mahirap talaga ang hihingin nito pero as long na makakaya ko ang gusto nito ay gagawin ko iyon.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon