A Date With My Sister in Law

13K 201 1
                                    

Good evening guys finally rest day kaya naman pipilitin kong magdraft para naman makadami hehehe.

Song is With You by Chris Brown

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 9

-=Ang's POV=-

Saturday morning walang pasok kaya naman hindi ko kailangan gumising ng maaga ngunit kahit ganoon ay maaga pa din akong gumising para sa pagpapatuloy ko sa plano ko para mahulog ang loob sa akin ni Miranda.

"Miranda puwede ka bang makausap?" ang seryoso ko tanong dito ng maabutan ko itong palabas ng kuwarto ni Anthony ng umagang iyon.

"Sure." ang tipid nitong sagot sa akin, naisipan kong kausapin ito sa bandang hardin para hindi marinig nila Mommy ang pag-uusap naming iyon.

"Uhmmm kasi I need your help sana, I'm planning to surprise mom and Tito Andres." kunwaring nag-aalangan kong sinabi dito at kita ko naman ang pagkislap ng mga mata nito para bang naexcite ito sa narinig.

"Sure anong balak mo?" ang nakangiti nitong tanong sa akin, lihim naman akong napangiti sa naging reaksyon nito.

I started telling my her supposed "plan" at matiim naman itong nakikinig sa lahat ng mga sinasabi ko.

"I'm planning to have a family dinner later pero ang totoo ay para sa kanila ang dinner na iyon at aalis din tayo kapag nakapagsettle na sila at hahayaan natin silang mag-enjoy." ang nakangiti kong sinabi dito.

"Wow that's sweet pero nagagawa na naman nila iyon ah." ang sinabi naman nito at may back up plan ako para doon.

"Well that's not all, because that dinner date is in a yatch." ang nakangiti kong sinabi dito, at kita ko naman kung paano kumislap ang mga mata nito sa excitement, I already prepared everything for this plan.

Nagsimula na kami sa mga plano namin na kahit ba wala pa akong plano, kailangan kasing hindi nito mahalata na setup ang lahat ng ginagawa ko at ginagawa ko ang bagay na ito para sa pagpapatupad ng plano ko para mahulog ito sa akin, natigil lang kami ng biglang dumating si Mom kaya naman bigla kaming tumigil sa pag-uusap.

"Anong pinag-uusapan ninyo?' nagtatakang tanong ni Mom sa amin at bigla lang kaming nagkatinginan ni Miranda.

"Wala po may tinatanong lang ako kay Ang." ang sagot naman ni Miranda at hindi din nagtagal si Mom at agad nang dumiretso sa dining area matapos kami nitong sabihan na sumunod na din.

Muli kaming nagkatinginan ni Miranda at magkapanabay kaming nagkatawanan, and I must admit totoo ang naging tawa kong iyon ngunit bigla akong natigilan nang marealize ko kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha ko, at kita ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi nito nang makitang titig na titig ako dito.

"Si...sige Ang puntahan ko na muna si Anthony." ang sinabi nito at hindi ko naman maiwasang hindi ito sundan ng tingin.

Awtomatikong tumaas ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko dahil sa bilis ng kabog nito ngunit pilit kong pinapaalala sa sarili ko kung anong klaseng babae si Miranda, pilit kong winawaksi ang kung anumang damdamin na sumisibol sa dibdib ko dahil maling mali, maling pagkakataon, at sa maling babae.

After reminding myself of what kind of woman Miranda is ay nirepaso ko ang mga plano mamayang gabi, I want to make sure na walang pagkakamaling mangyayari para matapos na din ang kalokohan kong nararamdaman.

"The sooner Miranda gone in this family the better." sa loob loob ko, pilit kong iniignore ang parang boses na bumubulong sa akin na maling mali ang ginagawa ko, and I will regret it for the rest of my life.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon