Divorce Papers

12.6K 217 4
                                    

Good evening guys what's going to happen ngayon sa pagitan nila Miranda and Ang.... abangan.....

Song is Don't Let Me Stop You by Kelly Clarkson

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 7

-=Ang's POV=-

Nakauwi ako sa bahay na hindi masyadong siguro kung paano ako nakauwi ng maayos matapos kong bumati sa Mommy ko ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko, hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit nga ba tinatawag na ako para sa hapunan, hindi ko alam kung anong masasabi ko kapag nagkita kami ni Miranda which is not actually a case since nalaman ko kinabukasan na late na din pala umuwi si Miranda.

Maagang maaga palang ay naisipan ko nang umalis para masimulan ko na din ang pamamahala sa negosyo para sa pamilya ko, kaya naman laking gulat ni Tito Andres na maabutan ako sa opisina nito.

"Ang sana nagpaabiso ka, anong ginagawa mo dito?" nagtataka nitong tanong sa akin.

"I decided to take your offer na magtrabaho dito." ang seryoso kong sagot dito, kahit alam kong asawa na ito ni Mommy ay hindi ko pa din ito maturing na kapamilya.

"Well that's good, pero paano ang trabaho mo para kay Henry?" tanong nito sa akin.

"Well I already resigned at tinanggap na ni Henry ang resignation ko, so is the position for Vice President still available for me?" agad kong tanong dito.

"Yes it's still yours, let me introduce you first to our people." ang nakangiti nitong sinabi na hindi ko sinuklian ng ngiti.

At gaya nga ng sinabi nito ay pinakilala ako nito sa mga magiging tauhan ko ng araw na iyon, some people knew me already dahil minsan na din akong nagtrabaho sa kumpanya ng pamilya bago ako magdecide na pumunta ng Australia at magtrabaho para kay Henry.

Pagkatapos non ay agad akong dumiretso sa magiging opisina ko simula ng araw na iyon, ngunit bago ako magsimulang aralin ang pasikot sikot sa kumpanya ay minabuti kong tawagan ang kakilala kong lawyer na si Lucas.

"Lucas can you prepare a divorce paper for me?" tanong ko sa kaibigan ko sa kabilang linya.

"Of course pero hindi ko alam na nagpakasal ka na pala." ang naguguluhan nitong tanong.

"No it's not for me, it's for my brother Anthony, kung makakadaan ka na din para malaman ko ang mga kailangan kong malaman para matuloy ang paghihiwalay ng kapatid ko sa babaeng iyon, I want to make sure na wala siyang makukuhang kahit na ano sa pamilya namin." matigas kong sinabi dito at hindi na din ako nagtagal sa pakikipag-usap ko dito at agad kong inasikaso ang mga papeles sa mesa ko.

Sadyang sinubsob ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral ko sa mga dokumento na nasa mesa, hindi ko na nga inisip na maglunch kung hindi lang ako tinapik ni Tito Andres sa balikat para sabihin sa akin na lunch na.

"Sabayan mo na akong kumain." ang nakangiti nitong aya sa akin wala naman akong nagawa kung hindi samahan ito, kahit kasi ilang taon ng kasal ito sa Mommy ko ay hindi pa din ako nasasanay dito lalo na nang mangibang bansa ako.

"Kamusta naman ang unang araw mo?" nakangiti nitong tanong sa akin habang hinihintay namin ang order namin.

"Maayos naman po." ang tanging naging sagot ko dito.

Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko mula dito bago muli itong nagsalita.

"Hanggang ngayon ba Ang, hindi mo pa din ako tanggap sa pamilya mo?" malungkot nitong tanong na lalong nagparamdam sa akin ng discomfort.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon