Game Over

8.5K 167 2
                                    

Magandang tanghali guys mamaya maya papasok na naman isang araw tapos rest day uli hehehe, Happy New Year nga pala sa lahat hope naging masaya ang pagsalubong niyo sa taong 2016.

Song is Brokenhearted Girl by Beyonce

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 28

-=Miranda's POV=-

Nahahapo akong pumasok sa kuwarto ko ng tuluyan nang matapos ang naturang event sa totoo lang hindi ko din sigurado kung paano ko natapos ang event nang hindi nagbrebreakdown, ngunit ng mapag-isa na ako ay muli na namang bumalong ang mga luha sa mga mata ko, sobrang sakit nang nararamdaman ko na para bang hirap na hirap akong huminga.

"Ang......" muling nagbalik sa akin ang paraan ng pakikipag-usap sa akin ni Ang na para bang wala man lang itong naramdaman sa akin na kahit na anong pagmamahal noon.

Nang magkita kami ni Ang parang gustong kong makiusap na ako na lang uli, ako na lang uli ang mahalin niya pero alam ko namang malabong mangyari iyon.

Wala akong ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili ko, pero mabuti na siguro iyon at least nalaman nito ang totoong nararamdaman nito at hindi dumating sa punto na pinagsisihan nito kung sakaling maging kami, at makasal kami, but still hindi pa din maalis alis sa dibdib ko ang labis na sakit na para bang may malaking kamay na pumipiga doon.

Parang hindi maubos ubos ang luhang dumadaloy sa mga mata ko habang nakahiga sa kama ko, I pakiramdam ko nag-iisa sa mga oras na iyon.

"Mama?" narinig kong tawag sa akin ni Angelina kaya naman dali dali kong pinunasan ang mga luha mga mata ko.

"Hi Baby, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko dito na hindi ko mapigilan gumaralgal ang boses ko sa pinipigilan kong emosyon.

"I want to.. sleep beside you." ang bibo nitong sagot kaya naman dali dali akong umusog para makahiga ito.

Agad ko naman na niyakap ito ng mahigpit, sa pagdating ni Angeline ay kahit paano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko, ang nararamdaman kong pag-iisa, nakatulugan ko ang ganoong posisyon.

"Angeline......" naalimpungatan kong tawag sa bata ng makapa kong wala na ito sa tabi, sandali kong pinasadahan ng tingin ang orasan na nasa dingding ng kuwarto ko at saka ko lang narealized na alas nueve na pala ng umaga.

Sandali kong kinurap kurap ang mga mata ko para alisin ang antok na nararamdaman ko at ilang sandali nga lang ay bumangon na ako.

Narinig ko ang boses ni Angeline sa receiving area kaya naman doon ako nagtungo, bumungad sa akin ang batang nakaupo sa binti ng bagong dating, isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ko ng makita ko ang bagong dating.

"Good morning." ang naging bati ko sa mga ito at magkasabay naman na napatingin sakin si Angeline at gayon din ang magnobyo.

Dali dali naman tumakbo palapit sa akin ang naturang bata na agad ko namang kinarga, habang naglalakad palapit kay Anthony at sa nobyo nitong si George.

"What brings you here?" nakangiti kong tanong sa mga ito pero may hinala na din ako kung bakit ito napagawi sa lugar na ito.

"He's back." ang tanging sinabi nito na agad ko naman nakuha, he's back, Anthony's back.

Sandali kong tinawag si Ate Linda at binigay dito si Angeline na sa una ay ayaw na sumama at gusto lang kasama ako at kung hindi pa ako nangako na makikipaglaro dito mamaya ay hindi pa ito sasama kay Ate Linda.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon