A Request

10.9K 197 5
                                    

Good afternoon guys sorry kung sobrang tagal kung makapag update parang wala na talagang pumapasok sa isip ko hehe

Song is Let Me Go by Avril Lavigne ft. Chad Kroeger

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 17

-=Ang's POV=-

I left the house in a rush, sobrang bilis nang pintig ng puso ko mula sa adrenaline na nararamdaman ko dahil for the first time ay malaya na ako para mahalin si Miranda na hindi ako guguluhin ng guilt na maari kong maramdaman dahil si Miranda ay asawa ng kapatid ko.

Sa totoo lang medyo shock pa din ako sa nalaman ko kay Anthony, akala ko kilalang kilala ko na ang kapatid kong iyon pero nagkakamali pala ako, pero kahit nalaman kong bakla siya ay hindi pa din nagbago ang pagmamahal ko sa kanya at umaasa akong matatanggap din siya ng parents namin, sobrang tagal din niyang tinago ang tunay niyang pagkatao at alam kong mahirap sa part nito ang bagay na iyon, but in case na hindi ito matanggap ng parents namin ay ako ang gagawa ng paraan matanggap nila ang kapatid kong iyon.

"Damn!" bigla naman akong napamura kasabay ng pag-apak sa preno ng kotse ko, kasi ba naman may biglang tumawid sa kalsada mabuti na lang at maagap ako pagpreno, sandali akong napabuga nang hangin habang nakahinto ang sasakyan ko ngunit ilang sandali lang ay nagpatuloy na uli ako sa pagdadrive but this time mas naging focus na ako, ayoko ko kasing mangyari sa akin ang mga nangyari sa kapatid ko at kay Ram dahil hindi ako puwedeng mapahamak dahil kailangan ko pang bumawi kay Miranda.

Muli parang may isang malaking kamay ang pumipiga sa puso ko nang maisip ko si Miranda, napakalaki kong gago dahil sa masasamang bagay na nasabi at nagawa ko dito gayon ginawa lang pala nito ang bagay na iyon para tulungan ang kapatid ko na hindi pa handang ipagtapat ang totoo niyang pagkatao, but sometimes it made me wonder kung ganoon din ba ang case ng iba pang mga naging asawa nito ngunit sa ngayon ay hindi na mahalaga ang bagay na iyon at importante ay ang makahingi ako ng tawad dito at hindi ako titigil hanggang hindi ako nito mapatawad.

Nagpatuloy ako sa pagdadrive hanggang makarating ako na ako sa Nasugbo Batangas kung saan diumano nakatayo ang Bahay Lingap kung saan lumaki si Miranda, to be honest never in my wildest imagination na isipin na isa palang orphan si Miranda.

Sandali ko munang tinignan ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang address ng bahay ampunan at nang masiguradong nasa tamang lugar ako ay nagmamadali akong bumaba sa kotse ngunit nang nasa tapat na ako ng pinto ay bigla akong natigilan nang marealized ko kung anong oras na.

"Shit!" I cursed in between breath nang makita kong alas dos pasado na pala at malamang sa malamang ay tulog na ang mga tao sa lugar na iyon at ayoko naman maistorbo si Miranda sakaling tulog na ito at baka lalo itong magalit sa akin, kaya naman mabigat man sa dibdib ay minabuti kong bumalik na muna ng kotse ko at nagdesisyon na muna akong palipasin ang magdamag, I really don't have any plans on sleeping ngunit ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata ko at ilang sandali nga lang ay tuluyan na akong iginupo ng antok na ang magandang imahe ni Miranda ang huling nasa isip.

Nagising na lang ako nang makarinig ako ng mahihinang tap sa salamin ng kotse ko at magising ako sa mga nakangiting mukha ng ilang bata na nasa labas ng kotse ko.

Pupungas pungas akong umayos nang upo at sandali akong nag-inat inat bago tuluyang lumabas nang sasakyan ko.

"Magandang umaga." ang nakangiti ko sa mga ito na sandaling nag-alangan nang tuluyan akong makalabas ng kotse ko, marahil natakot sila dahil hindi naman ako taga doon.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon