Let Him Go

9.5K 182 5
                                    

Magandang umaga guys, papasok na naman sa trabaho pero kailangan eh, kailangan pambayad ng mga bills kaya naman pipilitin kong magdraft hehe.

Song is Butterfly by Mariah Carey

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 29

-=Miranda's POV=-

Kailan mo nga ba masasabing tama na, na game over na? Mahirap talagang maglet go dahil pinanghawakan mo ang posibilidad na maaring pareho pa din ang nararamdaman niya noon hanggang ngayon.

Gulong-gulo ang isip ko at durog na durog ang puso ko habang tila paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nakita ko sa parking lot kanina, sobrang sakit na makita mong ang taong mahal mo at hinintay mo nang ilan taon ay masaya na sa ibang tao.

Halos mahilam ang mga mata ko sa luha na walang tigil na dumadaloy sa mga mata ko, wala naman akong ibang sisihin kung hindi ang sarili ko at ngayon nga nawalan na ako ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kung anumang meron kami ni Ang noon, mananatili sa akin ang katanungan kung paano kaya kung pumayag na lang ako sa gusto ni Ang two years ago, mauuwi nga ba sa realization ni Ang na hindi naman talaga pagmamahal ang nararamdaman nito kung hindi guilt lang o baka naman kung guilt man ang naramdamanan nito noon ay mauwi iyon sa pagmamahal, pero kahit ilang beses ko man isipin ang bagay na iyon ay hinding hindi na iyon masasagot pa dahil tuluyan nang nawala sa akin ang taong pinakamamahal ko.

I kept driving without any destination in mind ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon, ilang beses din ba ako muntik-muntikanang mabangga dahil sa ang atensyon ko ay wala talaga sa pagmamaneho kaya nga himala na nakarating ako sa lugar na iyon nang ligtas.

Mas lalo atang lumakas ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko habang nakatingin sa puntod ng mga magulang.

"Kamusta na po kayo Nay Tay?" ang hindi ko mapigilang lumabas sa bibig ko, namatay kasi sila sa sunog kaya naiwan na lang akong mag-isa, nagpalaboy laboy ako hanggang may magdala sa akin sa bahay ampunan kung saan ako lumaki.

Mas lalo kong naramdaman na nag-iisa ako sa mundo, walang magulang na magsasabi sa akin na magiging maayos din ang lahat at wala ang taong pinakamamahal ko.

"Bakit ganoon Nay, sobrang sakit naman dito." ang sinabi ko sabay turo sa puso ko na hindi na ata mawawala pa ang sakit.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil patuloy lang ako sa pag-iyak ko, gusto kong maubos na ang lahat ng luha sa mga mata ko dahil gusto kong pagbalik ko sa bahay ampunan ay mawala na din ang nararamdaman ko pero alam ko naman malaking kalokohan iyon dahil hinding hindi mawawala ang nararamdaman ko kay Ang.

Papadilim na nang marealized ko ang oras kaya naman mabigat man sa loob kong iwan ang lugar na iyon ay wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa sasakyan ko at magdrive pabalik sa bahay ampunan.

Sa totoo lang kahit paano ay gumaan ang nararamdaman ko matapos ang tuloy tuloy na pag-iyak ko sa puntod ng mga magulang ko, umaasa na lang ako na sa mga susunod pang mga araw ay makayanan kong lagpasan ang sakit na mananatili sa puso ko ng matagal na panahon, kailangan ko nang tanggapin na tuluyan nang hindi magbabalik ang taong labis kong minahal.

Pagkababang-pagkababa ko pa lang sa kotse ko ay nakita ko nang tumatakbong pasalubong naman sa akin si Angeline, ang anghel na magpupuno sa kakulangan sa puso ko ng dahil sa pagkawala ni Ang.

"Why are you crying baby?" nag-aalala kong tanong dito nang makita kong basang basa ang mukha nito sa pag-iyak nito.

"Iniwan mo kasi ako....." patuloy ito sa pag-iyak habang mahigpit na nakayakap sa akin, hindi ko naman maiwasang hindi maguilty sa sinabi nito.

"Tahan ka na pangako hindi na kita iiwan." sinabi ko naman dito at kita ko ang sandaliang pag-aalangan sa mga mata nito ngunit ng makita marahil nito ang katapatan doon ay tumigil na din ito sa pag-iyak.

Marahil sa labis na pag-iyak ay nakatulog ito habang karga karga ko kaya naman minabuti ko nang dalhin ito sa kuwarto ko dahil pakiramdam ko hindi ko makakayanan kung mag-iisa na naman ako, bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay hinalikan ko pa ito sa noo nito.

"Mukhang hindi lang si Angeline ang umiyak ahh." narinig kong sinabi ni Ate Lita nang maabutan ko ito sa sala kung saan ito nagbabasa.

Isang mapait na ngiti lang ang sinagot ko dito bago ako tuluyang lumabas ng bahay, kung saan ako nito sinundan.

"Bakit kailangan mong magpakahirap Mira, bakit hindi mo siya puntahan?" pamimilit nito sa akin.

"I did Ate Lita kaya nga ako nagkakaganito dahil alam kong wala na akong dapat pang asahan." malungkot kong sinabi dito, pilit kong nilalabanan ang mga luhang nagbabanta na naman pumatak sa magkabila kong mga mata.

Masakit man balikan ang mga nalaman ko ay minabuti kong ikuwento dito ang dahilan kung bakit ako nagkakaganoon at nang matapos ako ay bigla na lang ako nitong niyakap na labis kong naappeciate, mali ako sa pag-iisip na nag-iisa ako dahil may mga tao pa ding nagmamahal sa akin, nandiyan si Angeline at si Ate Lita na mula noon hanggang ngayon ay totoong totoo ang pagmamahal sa akin.

Hindi na din ako nagtagal at nag-ayos na din ako sa pagtulog ko, mahigpit kong niyakap si Angeline na sandali lang napakislot ng dahil sa pag-ayos ko dito ngunit mabuti na lang at hindi ito nagising.

Surprisingly agad naman ako nakatulog marahil dahil na din sa pagod mula sa emotional at physical stress na naranasan ko.

"Hindi na kita mahal Miranda, sinayang mo lang ang pagmamahal ko at tama ka guilt lang ang nararamdaman ko." 

"Please Ang, please give me a change, mahal na mahal kita." pagmamakaawa ko dito.

"Huli na Miranda, goodbye." ang walang kaemosyon emosyon nitong sinabi, agad itong tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Kahit anong takbo ko ay hindi ko maabutan ito.

Nagising na lang ako na basang basa ang mukha mula sa pinaghalong luha at pawis ng dahil sa panaginip ko, agad kong  hinilamos ang kanang kamay ko sa mukha ko.

Maingat kong inangat ang ulo ni Angeline na nakaunan sa braso ko sa pag-aalalang magising ito ngunit mabuti na lang at malalim itong matulog kaya naman nalipat ko ito sa unan na katabi nito.

Isang malalim na paghinga ang lumabas sa bibig ko nang makita ko ang dalawang minuto bago mag alas dose pa lang, dali dali akong nagpunta sa kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko uhaw na uhaw ako ng mga oras na iyon.

Tanggap ko naman na hindi magiging madali ang pagkalimot ko sa kung anumang nararamdaman ko pero umaasa akong ngayong hindi na ako naghihintay ay mas mapapadali na sa akin ang bagay na iyon, kaya naman hindi nawala ang nararamdaman ko sa nakalipas na dalawang taon ay dahil sa umasa ako pero ngayong alam ko na ang katotohanan ay siguro mas matatanggap ko na sa sarili kong wala na akong dapat asahan pa.

Sandali akong natigilan nang may marinig akong nabasag na paso sa harapan ng ampunan, hindi ko maiwasang hindi maging alerto lalo na't mahirap ang sitwasyon namin dahil kaming dalawa lang ni Ate Lita ang matanda sa lugar na iyon at puro mga bata ang kasama namin, kaya naman lakas loob akong naglakad patungo sa may pintuan at maingat kong binuksan ang pinto ngunit bigla akong natulala ng makita ko kung sino ang nakabasag ng paso.

"Ang..........." gulong gulo ako na makita itong naroon, ngunit mas lalo akong naguluhan nang bigla na lang ako nitong hatakin at mariin nitong hinalikan ang mga labi ko.

Sandaling nablangko ang isip ko habang hinahayaan ito sa paghalik sa akin hanggang pumasok sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyayari.

"I'm just dreaming." sa loob loob ko dahil alam kong malabo naman na pumunta ito dito lalo na't alam kong meron na itong mahal but for some reason the kiss felt so real at unti-unti ay natatangay ako sa paghalik nito, kung panaginip lang ito ay hinding hindi ko na gustong matapos pa ang panaginip kong iyon.



His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon