The Outcome

8.8K 173 4
                                    

Merry Christmas sa lahat, nakakatuwa dahil nakapagcelebrate ako ng Noche Buena sa bahay kaya naman masaya lang hehe.

Song is Hello by Adele

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 27

-=Miranda's POV=-

Matapos namin makakuha ng confirmation na dadalo ang mag-asawang Cervantes ay agad naming pinaghandaan ang anniversary ng bahay ampunan, ito kasi ang unang beses na pumayag ang bilyonaryong si Henry Cervantes na tanggapin ang alok namin, para na din makapagpasalamat kami ng personal dito sa lahat ng tulong na binigay nito sa Gawad Kalinga.

We only have two weeks para maayos ng mabuti ang lahat ng preparations bago ang naturang araw, abala ang lahat sa pag-aayos gayon din ang mga batang gustong magperform para kay Henry.

"Makakaya ba natin to Mira?" tanong ni Ate Lita sa akin.

"Makakaya natin to." ang nakangiti kong sinabi nito, pero sa totoo lang ay hindi ako sigurado sa bagay na iyon lalo na't kulang kami ng taong tutulong sa amin, kaya naman labis na pagpapasalamat ko ng dumating si Ram kasama ang asawa nito para tumulong.

"Need some help?" nakangiting tanong sa akin ni Ram at laking gulat ko ng may mga iba pa pala itong mga kasama na mukhang binayaran nito kaya naman naging madali na mula noon ang paghahanda para sa anniversary ng ampunan.

"Yes of course, by the way where's the little angel?" tanong ko nang hindi ko mapansin na kasama nito ang anak.

"He's with his uncle and auntie, alam mo naman ang dalawang iyon sabik sa bata." ang nakangiti namang na sagot ni Atilla, at sa paglipas na dalawang taon ay mas lalo pa atang gumanda, motherhood really suited her.

Dahil sa mga taong inupahan ni Ram ay hindi ko na kailangan kumilos pa at tanging pagsusupervise na lang ang ginagawa ko.

"You're doing a great job running this orphanage Miranda." ang narinig kong sinabi ni Atilla ng lumapit ako sa kung saan ito nakaupo.

"Thank you, at dahil na din ito sa tulong ng kapatid mong si Henry." sagot ko naman dito.

"No Miranda, with or without Henry's help malaki ang naging pagbabago ng bahay ampunan ng dahil sayo, you have a genuine heart kahit na sinong tao ay makikita ang pagmamahal mo sa lugar na ito at sa mga taong naririto." naiiling nitong sinabi sa kin.

"This is where I grew up Atilla at dito na din ako nagkaisip, the people here are my family." nakangiti ko naman na paliwanag dito.

Matapos nga ang araw na iyon ay naging madali na ang naging paghahanda, at ng dumating nga ang araw ng pagdidiwang ay naging maayos na ang lahat, laking gulat ko na lang nang may mga nakita akong mga media na nagcocover ng naturang event, well hindi naman kataka taka lalo na't ang bisita ay ang bilyonaryong si Henry Cervantes.

"Wala pa ba sila Mira?" nag-aalalang tanong ni Ate Lita ng labasin ako kung saan ako naghihintay sa pagdating ng mag-asawang Cervantes.

"Padating na daw po." sagot ko naman dito, well iyon ang sinabi sa akin ni Atilla thirty minutes ago ng dumating ito kasama ng asawang si Ram ngunit hanggang ngayon nga ay wala pa ito kaya naman nag-aalala na ako.

Ilang minuto lang ay lumabas na naman si Ate Lita. "Mira, kailangan na nating magsimula." ang sinabi nito sa akin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod dito, umaasa na lang ako na dadating nga si Henry Cervantes gaya ng pinangako nito.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon