Kinuwento ko sa mga pinsan ko ang nangyari kanina. Grabe, puro hampas ang natamo ko sa kanila. Tinanong nila ako kung ano raw ang pangalan nito. Sabi ko hindi ko alam pero lagi ko kasing nakikita 'yong lalaki na 'yon. Ilang linggo na rin. Siguro'y bago 'yon dito. Nakatutuwa naman ang mga pinsan ko dahil aalamin daw nila ang pangalan nito.Habang nagku-kuwentuhan kami ay inutusan ang pinsan ko na bumili raw ng coke na 1.5. Tatlo ang bibilhin kaya pinapasama ako at ang isa ko pang pinsan. Dahil ang bilihan lang ay sa baba, nagtungo agad kami sa tindahan. Nakita ko ulit 'yong lalaking maganda ang ngiti at may pagka-chinito pala 'to.
Kinalabit ko 'yong dalawa kong pinsan at tinuro sa kanila 'yong lalaki. Bumibili ito sa tindahan sa baba kung saan kami bibili ng 1.5 na coke. Kinabahan naman ako dahil balak daw nilang tanungin ang pangalan ng lalaki kaya bilisan daw naming maglakad.
Hinihintay lang ng mga pinsan ko na makabili na siya dahil tatanungin na nila ang pangalan niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba ko nang nakabili na siya. Nag-presenta na lang ako na ako ang bibili ng coke.
Habang kinakausap nila ito, tinuro pa 'ko ng mga pinsan ko. Bigla siyang ngumiti nang magtama ang tingin naming dalawa. Lumaki ang mata ko saka agad binalik ang tingin sa tindahan. Tinawag ko na sila para bitbitin yung coke kaya umalis na rin iyong lalaki.
Dumiretso siya sa may maliit na gate. D'yan ka lang pala nakatira?
"Dito na lang ako palaging bibili sa baba."
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...