Special Chapter: Ocean Chen

24 6 0
                                    

 Napukaw ang atensiyon ko nang dumaan ako sa area ng mga laruan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napukaw ang atensiyon ko nang dumaan ako sa area ng mga laruan. Ilang minuto na siguro ako rito na tumitingin ng iba’t ibang laruan. Ang gaganda kasi ang mga benta nila sa hypermart. Makukulay ang mga ito at kayang i-heal nito ang inner child mo.

May batang babae na kanina pa rin ako tinititigan. Siguro limang taong gulang iyong bata base sa height. Tiningnan ko ang paligid kung may kasama ba ‘to pero walang nakasunod sa kaniya. Mukhang nawawala ‘yong bata kaya nilapitan ko. Tatanungin ko na sana ‘to nang bigla naman siyang nagsalita.

"Mommy!"

Nilingon ko kung sino ang itinuturo ng bata pero wala namang tao kundi kami lang. Napaturo tuloy ako sa sarili ko. Tumango ito pero wala pa naman akong anak. Galing ba ‘to sa future at pinuntahan ako? May ginawa ba akong masama sa future?

Maraming tanong sa isip ko pero natawa na lang ako sa ideyang ‘yon kasi hindi naman ‘yon mangyayari. Nakatitig pa rin sa'kin ang bata bago muling nagsalita.

"Up, up, up."

Tatlong beses niya itong binanggit. Habang binabanggit niya yung salitang “up” ay nakahanda na ang mga braso nito. Senyales na gusto niyang magpabuhat. Ayokong buhatin ‘yong bata at baka dumating ‘yong kasama nito at sabihin pang kidn@pper ako. Lumuhod ako para pumantay sa kaniya at tinanong kung nasaan ba ang mommy niya.

Imbis na masagot ako nito, tumango ‘yong bata habang tinuturo ako nito. Sinabi nito ulit ang sinabi niya kanina na “mommy up, up, up.” Tinignan ko ang ID nito. Mukhang nakasulat dito ang pangalan ng bata pero sana naroon din ang pangalan ng guardian.

“Name: Ocean Chen Hakusho”

“If child is lost please return to…”

Hakusho?

Parang pamilyar sa’kin ‘yong Hakusho. Tiningnan ko muli ang ID nito para makita ‘yong nasa likod. Nang makita ko ‘to ay napaisip pa ‘ko dahil sobrang pamilyar. Napaurong ako nang ma-realize ko na iisa ‘yong kakilala ko sa nakasulat sa ID ng bata. Tinanong ko ‘yong bata kung sino si “Phen Hakusho” na nakasulat sa likod ng ID niya.

Sinagot nito na daddy daw niya. Anak pala ‘to ni Phen. Napakapabaya naman niyang tatay. Mukhang magku-krus pa ang landas namin ni Phen dahil sa anak niya. Binuhat ko ‘to dahil kanina pa ‘ko kinukulit. Dumiretso kami ng customer service para ipatawag si Phen at nang masundo niya si Ocean.

Sabagay tatlong taon na rin naman ang nakalilipas kaya posibleng anak niya ‘to pero bakit ang second name nito ay Chen? Hindi kaya nagalit ang nanay ng bata? Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip dahil kung tatlong taon na ang nakalilipas, bakit ang estimasyon ko sa edad ng bata ay limang taon?

Para kay Phen Where stories live. Discover now