Hanggang ngayon naaalala ko pa rin 'yong mga nangyari noon. Napapaisip din kung sakali kayang hindi kita nilayuan, may pagkakataon pa kaya na maging tayo? Napatawa ako sa tanong ko. Tatlong taon na ang lumipas. Masiyado nang matagal para mag-isip ng ganito.
Hawak-hawak ko pa rin ang sticky notes na kinuha ko sa school supplies area ng hypermart. Napakunot ang noo ko dahil parang may nakalimutan ako. May tumapik sa balikat ko at ang kapatid ko lang pala. Hinihingal ito at hinahanap sa'kin ang nakababata naming kapatid na babae. Lumaki ang mata ko. Oo nga pala, kasama namin ito. Ito 'yong nakalimutan ko!
Kanina niya pa raw ito hinahanap. Sabi ko sa kaniya na magtanong kami sa guard. Dagdag pa niya na hahanapin niya sa second floor kasi baka raw nakabitaw noong nandoon sila. Pumunta na ang kapatid ko sa second floor at ako naman ang magtatanong sa guard. Bigla namang nag-announce ang customer service at binanggit nito ang pangalan ko at pangalan ng nakababata kong kapatid na babae na naroon daw sa may customer service area.
Pinuntahan ko ito at kinausap 'yong nag-du-duty sa customer service. Kinumpirma pa 'ko kung ako ba raw si Phen Hakusho kaya hiningan ako nito ng ID. Matapos makumpira ay itinuro nila kung nasaan ito. Nasa labas daw siya. Hindi na 'ko nagtanong pa kung bakit nasa labas ito. Basta dali-dali ko itong pinuntahan.
Hinanap ko kung nasaan siya banda saka ko ito nakita sa may upuan. Hindi 'to nag-iisa. May kasama itong babae. Tinungo ko sila. Nakayuko 'yong babae kaya hindi ko makita ang mukha. Nang malapit na ako ay magsasalita na dapat ako pero nilingon ako nito. Napaurong ako nang makita ko ang mukha niya. Kita rin sa mukha nito ang gulat.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Cerita PendekMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...