Chapter 7: Kaibigan lang pala

35 7 1
                                    

Napalundag ako sa’king kinauupuan nang biglang sumulpot ang mga pinsan ko. Tumawa silang dalawa at pati na rin ikaw dahil sa reaksiyon ko.  Kung anu-ano na ang naiisip ko.  Buti hindi ka nailang, Phen. Kanina pa pala ako nakatingin sa’yo at nakangiti pa.

Kinuha ng mga pinsan ko ang tsokolate nila. Yung isa kinakain niya na at yung isa naman mamaya raw ng madaling araw. Tumabi sa’yo ang pinsan ko na kinakain na ang tsokolate niya. Sa’kin naman tumabi yung isa ko pang pinsan.

Kinausap ka ng pinsan ko. Tinanong ka kung ano ba talaga tayo at kung liligawan mo ba ako. Biglang nagbago ang ngiti mo. Kahit ako ay nag-aabang sa sagot mo. Nailang ako at napayuko nang tinitigan mo ako na parang may pagdududa sa mata.

Bigla pang nagsalita itong pinsan ko at tinanong kung hanggang m.u. lang ba tayo. Inangat ko ang ulo ko sa pagkayuko para makita ang reaksiyon mo. Iniling mo ang ulo mo bilang tugon at nagsalita na magkaibigan lang tayo.

Upang mawala ang ilang nararamdaman ko, nginitian kita. Sabi ko'y mauuna na kami dahil hinahanap na siguro kami sa bahay. Nagpasalamat ako sa’yo sa tsokolateng binigay mo. Buti sumama sa’kin ang dalawa. Nahalata siguro nila.

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa’kin?

Para kay Phen Where stories live. Discover now