Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos mong sinabi na magkaibigan tayo, Phen. Gayunpaman, ito pa rin ako na umaasa sa'yo. Bakit ganoon 'yong epekto ng sinabi mo?
Masakit.
Umaasa ako pero ayoko nang ipilit. Hanggang kaibigan na lang talaga siguro tayo. Sobrang awkward naman kung kasama kita at alam mong may gusto ako sa'yo. Ayos lang naman iyong kaibigan kita pero hindi ka ba nahihirapan?
Inilayo ko ang sarili ko sa'yo. Pinasuyo ko na lang sa mga pinsan ko na huwag mo na akong sunduin. Pati na rin pala huwag nang hatiran ng pagkain. Hindi ka naman obligado roon. Pumayag ka naman pero sa kaloob-looban ko ay hiniling kong dapat hindi.
Ang manhid mo, Phen!
Nang minsa'y nakonsensiya ako kaya pinuntahan kita dahil uwian na namin at ganoon din sa inyo. Naghintay ako habang nakadungaw din sa may bintana. Hindi ka na naka-uniporme na pang-itaas nang lumabas ka ng room niyo. Sinabi mo pa ay may pupuntahan ka kaya hindi ka makasasabay. Napa-okay na lang ako at tumugon na mauna na 'ko.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...