Nang sabihin ni Phen ang katagang “I miss you” ay kumalas siya sa pagkakayakap sa’kin. Hindi na rin nagpaalam na babalik na ‘to sa room nila. Bigla na lamang siyang umalis na parang nawala ang existence ko. Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko at ang tanging nagbalik ng wisyo ko ay ang pagbitaw ko sa hawak kong cream-o.Dinampot ko ito sa sahig at tinignan ko ang sticky notes na narito. Hindi ko talaga makita ang nakasulat. Pumasok na ‘ko ng room at umupo ako sa pwesto ko. Maliwanag na kaya maaari ko nang basahin ang nakasulat sa sticky notes.
Chen,
Matagal na kitang gusto, Chen. Alam ko ring gusto mo ‘ko. Natutuwa ako nung nalaman kong gusto mo ‘ko pero hindi ko kayang maghintay ka sa wala. Nahihirapan ako. Sorry, Chen.
Palagi kang mag-iingat. Ayokong paglaruan ang nararamdaman mo kaya lalayo na rin ako.
Phen.
Pinilit ko ang sarili ko sa buong araw na makinig sa lessons, mag-take down notes, at kumain sa recess. Ang hirap ng ganito kasi pinipilit ko ang lahat. Ang hirap din magsalita o kumausap ng ibang tao. Iyong tipong naiinis na sila sa’kin dahil hindi ako nakikinig.
Nagtraysikel na rin ako noong uwian para makauwi agad. Baka maabutan ko pa si Phen kung maglalakad ako. Inisip ko na rin ang maaaring ibang rota na ang lalakarin ko para hindi ko na siya makita. Ayoko na.
Nakakulong lang ako sa’king kwarto. Punong-puno ng mga luha ang mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Basang-basa na rin ang unan ko sa kasasalo rito ngunit hindi ako tumigil sa pag-iyak hanggang sa napagod na ang mga mata ko.
Hindi ko magawang maitapon ang cream-o na binigay ni Phen kaya binigay ko na lang ‘to sa pinsan ko. Kinuha ko muna rito ang sticky notes na nakadikit. Ilang beses ko na rin itong paulit-ulit na binabasa baka sakaling magbago ang mga letra at salitang nakasulat.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...