Lunes na. Oras na naman para pumasok at hindi ko pa rin pinapansin 'yong dalawa dahil sa ginawa nila kahapon. Maaga akong naglakad patungo sa paaralan na siguro'y bandang alas-singko ng umaga. Magliliwanag na ito kaya ayos lang na maglakad ako. Nakita kitang naglalakad din. Nasa tawid ka nga lang. Mas singkit ang mata mo kapag ganito kaaga. Puyat ka siguro.
Palagi na 'kong maglalakad tuwing umaga para makita kita. Hindi man kita kasabay, at least nakikita kita. Naglakad lang ako nang tuloy-tuloy para makarating na sa paaralan. Sumulyap ulit ako sa may tawid pero wala ka na. Hindi ko maintindihan dahil nalungkot ako bigla. Ipokus ko na nga lang ang atensiyon ko sa daan.
Ilang saglit pa ay bigla mong hinatak ang beywang 'ko patungo sa'yo. Humampas nga ang mukha ko sa dibdib mo kaya napapikit ako.
May motorsiklo kasing humarurot.
Sinermunan mo ako na mag-focus sa daan dahil baka ako'y mahagip. Nagpo-pokus naman ako sa daan kaso hinahanap kita. Nagpasalamat ako rito pero parang may dalaw ito. Nag-aalala ka kaya sa'kin o naiinis?
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...