Ilang minuto siguro akong napatulala at nanigas sa kinatatayuan ko dahil sobrang gulat ko noong nakita ko si Chen. Natauhan ako nang yumuko siya na kaninang gulat din at ramdam ko agad ang awkwardness sa aming dalawa. Umupo ako sa tabi ni Ocean. Naramdaman siguro ni Ocean ‘yong presensiya ko kaya nagising ‘to.
Inangat nito ang kaniyang ulo saka ako tinawag na daddy. Sinilip ni Ocean si Chen at tinatanong kung bakit ito malungkot. Nginitian ‘to ni Chen at sinabing sumama na sa’kin. Inaakala siguro nito na anak ko si Ocean dahil tinawag ako nitong daddy. Hindi naman sana tinawag ni Ocean si Chen na mommy.
Noong nakaraang buwan kasi nakita ako nito na tinitignan ang picture ni Chen. Kinuha ko ‘yon sa album na pinakita ng mga pinsan niya. Noong nakita ni Ocean ‘yong larawan na ‘yon bigla niya ‘tong tinuro habang binabanggit ang salitang mommy. Tinuro rin ako nito at sinabing daddy.
“No, mommy.”
Bumalik ako sa katotohanan nang tawagin ni Ocean si Chen na mommy. Kinabahan ako rito at baka magalit si Chen. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya at ipinaliwanag ang sitwasyon para makaiwas sa maling akala. Napansin kong namula ‘to nang bahagya dahil sa paliwanag ko.
Binuhat ni Chen si Ocean at pinaliwanag niya kay Ocean na magkikita ulit sila sa susunod. Tumango naman si Ocean at sumunod sa sinabi ni Chen na sumama sa akin. Nang tatayo na si Chen ay hinawakan ko ang kamay nito. Tinitigan ako nito kaya binitawan ko ang kamay niya.
Napatanong ito sa’kin kung may problema ba raw. Umiling ako at binigay ko ang calling card ko. Habang hawak niya ang calling card ay kinuha niya ang kaniyang telepono. Tinipa niya ang numerong nakalagay sa calling card saka niya tinawagan para siguro makasigurado.
Sinagot ko ang nag-ri-ring kong telepono na nasa bulsa ng pantalon ko.
"Okay na. I-save mo ‘yang number ko."
Iyan ang huli niyang sinabi sa kabilang linya. Nginitian ako nito pagkatapos niyang sabihin iyon. Kumaway ito sa’min hudyat na aalis na ‘to.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...