Simula noong nangyari ang aksidente na 'yon, palagi mo na 'kong inaabangan sa may gate namin kahit hindi ko naman tinuro kung saan ako nakatira. In-obserbahan mo siguro ako. Binibitbit mo rin ang mga dala kong libro hanggang sa room. Tuwing umaga naman ay mga paulit-ulit na tanong ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Tinatanong nila kung boyfriend na raw ba kita. Umiiling na lang ako bilang tugon.Parang nobyo na nga kita pero hindi. Ano ba talaga tayo?
Walang label pero kung umakto ay parang kami. Hatid-sundo mo ako. Binibisita mo pa ako tuwing recess. Minsan naman ay nagpasusuyo ka sa mga kaibigan mo para hatiran ako ng pagkain dahil busy ka sa paggawa ng report niyo.
Lumipas ang mga buwan at paulit-ulit ang tanong sa utak ko. Hirap naman ng ganito dahil walang kasiguraduhan sa'yo. Gusto kitang tanungin pero nahihiya ako. Baka isipin mo na inuunahan kita sa nararamdaman mo.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...