Chapter 3: Pinsan

61 15 0
                                    

Nang makauwi'y dali-dali kong tinanong ang mga pinsan ko kung ano ang sinabi nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makauwi'y dali-dali kong tinanong ang mga pinsan ko kung ano ang sinabi nila. Sinimulan nila ang kwento. Inusisa pa nila siya at tinanong kung ilan silang magkakapatid. Buti na lang mabait siya at sinabing apat daw sila.

Siya ang panganay. Nakatutuwa naman dahil panganay din ako. Pwede bang magpa-baby sa'yo? Pangalan mo lang naman ang hangad ko pero mas mabuti na 'yong may alam din akong ibang detalye tungkol sa'yo.

Phen daw ang pangalan nito.

Phen at Chen. Paulit-ulit ko itong binubulong sa sarili. Napansin ng mga pinsan ko 'yung ngiti ko na parang nawawala sa katinuan. Tinanong ko rin sila kung bakit itinuro nila ako at bigla akong nginitian ni Phen.

Ayaw nilang magsalita pero pinilit ko pa rin hanggang sa umamin sila na sinabi nilang gusto ko siya. Hinampas ko nga sila sa balikat at binulyawan dahil pangalan lang sana ang itatanong pero bakit pa nila sinabi na gusto ko siya.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan sila. Medyo lang naman hindi pa ganoon kalala. Nginitian pa 'ko nung dalawa at tila nahihiya sa kalokohan nila.

Tatayo na sana ako para dumiretso sa kwarto nang bigla naman silang nagsalita. Tinanong daw nila kung gusto raw ba 'ko ni Phen. Nanigas ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa ginawa nila. Dagdag pa nila na hindi raw ito sumagot pero namula raw ang pisngi nito at biglang nautal.

Para kay Phen Where stories live. Discover now