Hindi ko talaga malilimutan na kinuntsaba ko pa ang mga kaibigan ko nang nakita kita sa tindahan ni Mang Anor. Bugnot na bugnot ka na noon. Kita kasi sa mukha mo at nagkukuyakoy. Kumakain ka pa ng pandesal habang panay ang tingin mo sa paligid at sa mga nagdadaanang traysikel. May inaabangan ka siguro.Sabi ko sa mga kaibigan ko na pumunta kami sa pwesto mo para sana magpapansin sa’yo. Kaso lumayo ka naman noon kaya nagkunwari na lang ako na akala ko kaibigan kita no’ng natapik ko ang kamay mo. Napansin mo naman siguro ako kahit papaano. Nakaputi kang damit noon. Pareho tayo.
Noong umalis ka na, tinapik ako nang dahan-dahan ng kaibigan ko dahil malungkot daw ako. Bigla akong napangiti noong tumawid ka lang. May inaabangan ka nga.
Mga limang minuto ang lumipas ay tumawid ka pabalik na may kasamang babae. Nilingon mo ang grupo namin at mukhang narinig mo ata na binanggit ang pangalan mo.
Chen daw ang pangalan mo. Ang cute nga eh at ang cute mo rin.
Naalala ko rin ‘yong dalawa mong pinsan na parang hinahalughog ang buong pagkatao ko. Umamin sila sa’kin na gusto mo raw ako. Grabe ‘yong tuwa ko noon. Hindi ko maipaliwanag pero tinanong nila ako kung gusto ba raw kita. Hindi ako sumagot at sinabi ko sa kanilang baka hinihintay mo na sila. Nauutal pa nga ako noon. Balita ko nagalit ka raw dahil sa ginawa nila. Ayos lang naman sa’kin dahil gusto ko rin naman na malaman mo.
Chen, ito ang isa sa pinag-aalala ko. Palagi kang tumingin sa daan at i-focus mo ang atensyon mo sa daan. Huwag masiyadong malalim ang iniisip. Buti noong panahon na nangyari ‘yong aksidente na ‘yon ay nakatawid na ‘ko at nahila ang beywang mo papalapit sa’kin. Ang ganda mo pala talaga sa malapitan.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...