Hapon ng Sabado ay lumabas ako para mag-meryenda kasama ang mga pinsan ko. Nagkaayos na rin kami kahit papaano dahil hindi ko naman sila matitiis.
Bumalik sila sa bahay kasi kinulang ang pera nila na pang-meryenda. Sa katagalan nga ng dalawa ay naubos ko na ang biscuits na binili ko. Umupo muna ako sa upuan na bato sa tindahan nila Aling Pasing. Bumili rin pala ako ng ice candy habang hinihintay sila.
Habang naghihintay, may humawak sa buhok kong nakatirintas. Napalingon ako at napatingin kung sino ‘yon. Ikaw lang pala, Phen. Parang lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla mo akong nginitian. Umupo ka sa kabilang upuang bato ni Aling pasing at ibinigay mo sa’kin yung tsokolate na kanina mo pa hawak.
Sa sobrang kuryosidad ay napatanong ako kung para saan ito. Sumagot ka naman sa tanong ko na para sa’kin ito. Binigyan mo ulit ako ng dalawa pang tsokolate na para sa dalawa kong pinsan.
Hindi lang pala ako sa maganda mong ngiti mahuhulog dahil pati na rin pala sa kabaitan mo. Sasaluhin mo kaya ako?
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...