Nakayuko ako sa arm chair. Balak ko sanang umidlip muna dahil wala pa namang klase. Masyado pa kasing maaga. Masyado na ‘kong napapaaga para maiwasan lang kita, Phen.
Kinuha ko ang pulang bag ko saka ito pinatong sa may arm chair. Kinuha ko rin ang aking telepono para ma-set ko ang alarm nang hindi magtuloy-tuloy ang idlip ko. Nang ma-set ko na sa oras, yumuko ako ulit at sinubukang umidlip.
Hindi pa nga ako gaanong nakaiidlip ay may tumatapik-tapik na sa’kin. Tinanong ko kung anong kailangan nito. May bisita raw ako na nasa labas at pinapatawag ako. Automatic akong napalingon kahit hindi ko naman makikita agad-agad dahil nasa may bandang dulo ako nakapwesto.
Nag-inat-inat pa ‘ko bago tumayo. Napahikab din ako. Grabe iyong antok ko. Bahagyang tinulak ko ang pinto para makalabas ako. Nagulat ako dahil ikaw pala ang bisita ko, Phen. Natulala pa ‘ko nang ilang segundo at ika’y nakatingin lang sa’kin. Dali-dali kong sinara ang pinto pero pinigilan mo ‘to gamit ang kamay mo.
Anong gagawin ko ngayong wala naman na akong takas?
Hindi ko na siya kayang harapin. Bigla naman akong tinulak ng kaklase ko at ‘wag ko na raw paghintayin ang bisita ko. Sa pagtulak nito ay nawalan ng balanse ang katawan ko kaya napapikit na lang ako at hinihintay na mahulog sa sahig.
Dumilat akong hindi man lang nasaktan. Sinalo mo na pala ako. Nagkatitigan tayo na sobrang lapit sa isa’t isa habang napakalakas naman ang tibok ng puso ko. Nang natauhan ako, umaklas ako sa pagkakasalo mo sa’kin.
Tinanong kita kung bakit ka naririto at ibinigay mo sa’kin ‘yung cream-o bilang tugon mo. Napataas na lang ang kilay ko sa ginawa mo saka ka biglang nagsalita. Sabi mong mayroong sticky notes itong kasama at basahin ko. In-obserbahan ko ito. Meron nga pero hindi ko makita ang nakasulat dito. Wala kasing ilaw at hindi pa ganoon kaliwanag ang kalangitan.
Hinatak mo ako papalapit sa’yo at niyakap mo rin ako. Hindi ako lumaban pero hindi rin ako yumakap pabalik. May kung anong pumasok ata sa mata ko kahit wala naman dahil naluluha ako. Parang ito na kasi ang huling pagkikita natin.
“I miss you.”
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...