Hinila ako ng kaibigan ko palabas ng room para panoorin daw namin ‘yong praktis ng mga grade 9 sa baba. Tumanggi ako sa gusto nito pero mapilit siya at sinuhulan pa ‘ko ng pagkain para sumama sa kaniya. Ewan ko pero hindi ako makatanggi kapag pagkain ang usapan.Mahaba pa naman ang oras ng breaktime kaya makanonood pa kami. Hindi talaga ako interesado sa mga ganito pero itong kaibigan ko ay may sinisilayan lang ata. Kanina pa nga ako hinahampas dahil praktis palang daw ay ang angas na agad ng mga estudyante sa grade 9 level.
Kanina ay nakatuon ang pansin ko sa pagkain na binigay ng kaibigan ko pero ngayon ay sa mga sumasayaw na may kapares. Parang mayroon silang choreography na isa-isa silang tatayo kasama ang partner nila at magpapakitang-gilas. Nagulat ako nang unang tumayo ay si Phen. Hawak nito ang kamay ng partner niya sa sayaw. Siguro’y nakita na rin ako nito pero hindi ko lang napansin dahil sa pagkain.
Ang tagal na rin pala dahil halos limang buwan na. Limang buwan na nag-move on sa hindi naging tayo. Napatawa na lang ako. Salamat sa mga aktibidad at pagsali ko sa art club dahil halos nakalimutan na kita. Oo, halos malimot na talaga kita na para bang hindi ko na naaalala ang pangalan mo.
Naalala ko pa ‘yung huling kita natin. Ang awkward kasi kung humalakhak ako sa daan dahil dinig na dinig sa kabilang kanto na sana hindi mo marinig. Nang tatawid na ako sa may pedestrian lane ay bigla tayong nagtagpo. Nagkatinginan pa nga tayo pero nilihis mo ang iyong tingin. Ang pinakamalala pa ay noong minsang nagkasalubong tayo. Dadaan sana ako sa bandang kaliwa mo pero kumanan ka kaya muntik na tayong magbungguan. Para lang tayong nagpatintero sa daan noon.
Hindi na kita tatanungin kung kumusta ka dahil mukhang masaya ka naman na. Ang tanging masasabi ko na lang ay mag-iingat ka palagi, Phen.
YOU ARE READING
Para kay Phen
Short StoryMaaaring sa pagtapik-tapik ay puwede kang magtaka o mabugnot. Ang hindi sinasadyang marahang dampi ng palad ay siyang maging daan para kay Phen at Chen. Ngunit ang lahat ba ng daang 'yon ay mayroong patutunguhan o sadyang nadaanan lang? [Under revi...