*Chapter 15
-The Turning Down
~~~~Claire's POV~~~~
Tingin sa ibabaw ng kisame— ipikit ang mata.
Tingin ulit—pikit na naman.
Ano na ba ang nangyayari sa akin?
Ang gulo naman.
>_<
Tinakpan ko nalang yung mukha ko ng unan.
Bigla akong napaupo sa naisip ko.
Bakit kaya sinuntok ni Travis si Nathan? Ba't nagiging weird rin si Jonathan lately? Pati na rin sina Jenny at Clark medyo weird. Ano kaya ang nangyayari sa kanila? Baka naman ako lang pala ang nagiging weird?
Pero hindi eh. Ay baka totoo ngang ako yung may topak— matino ba yung kinakausap ko ang sarili ko?
Haay inaantok na yata ako. Mabuti pa matulog muna ako baka pagod lang ang nararamdaman ko.
"Claire?"
"Travis? Ba't ka nandito? Anong kailangan mo?"
"Kasi Claire—"
"Chums! Chums! Nandiyan ka lang pala."
"Nathan? Nandito ka rin?"
"Claire please hear me out first. Matagal ko na kasing gustong sabihin sa'yo eh na—"
"Na ano Travis?"
"Na—"
"Chums halika na. Kanina pa kita hinahanap eh. Samahan mo naman ako please."
"Teka may sasabihin pa kasi si Travis."
"Halika na Chums. Kailangan kita. Samahan mo na ako please."
Bigla akong hinila ni Jonathan papalayo sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi si Nathan kundi si Travis.
"Teka Nathan hindi pa natatapos si Travis magsalita."
Hindi kami tumigil sa paglalakad ni Nathan. Hindi niya ako pinakinggan.
"Travis! Travis!"
O_O
"Travis!"
Napatingin ako sa paligid. Walang Travis. Walang Nathan. Teka. Panaginip lang pala yun. Anong oras na ba?
2:42 a.m.
Ang aga pa. Ipagpapatuloy ko na muna ang pagtulog ko.
———————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————
~~~~Travis' POV~~~~
Papunta na ako sa eskwelahan ngayon. Hindi ko pa rin alam kung paano ko pa haharapin si Jonathan. Pagkatapos ng nangyari kahapon, wala na akong mukhang maiihaharap sa kanya. Bakit ko pa kasi siya sinuntok. Hindi malayo sa nilalakaran ko nakita ko si Jonathan.
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomanceHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...