*Chapter 26
-That Day
~~~~Travis' POV~~~~
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipagkita sa kanya. Well, she asked me at naisip ko na wala namang masama kung kakausapin ko siya.
"Hey Arrianne."
"Travis dumating ka."
Kitang-kita ko na nasiyahan siyang makita ako. But I don't feel the same.
"Eh kasi Arrianne pwede bang madaliin natin ang ating pag-uusap? Magkikita pa kasi kami nila Claire at yung iba pa naming mga kaibigan."
"Claire? So totoo pala yung sinasabi nila na kayo na?"
"Ha?! Teka hindi. Sino ba yung nagsabi sa'yo niyan? Huwag mong imisinterpret. Bukas na kasi yung graduation namin kaya naisipan naming magkita- kita magkakaibigan to bond. Hindi na kasi namin yun magagawa bukas."
"Bakit naman hindi?"
"Magiging busy na kasi kami sa aming kanya-kanyang celebration."
"I see."
"So anong pag-uusapan natin?"
"Gusto ko lang magsorry sa lahat. Sorry Travis."
"Okay lang yun Arrianne. Sa totoo lang, ako dapat ang humingi ng tawad. Patawarin mo ko't napaglaruan ko yung feelings mo."
"Okay lang. Travis gusto ko lang rin hingin ang inyong kapatawaran yung araw na natapilok si Claire. Ako kasi ang may gawa nun. Sorry. Nagalit kasi ako na hiniwalayan mo ako. Sorry."
Mas naiintindihan ko na ngayon. Kung tutuusin nga ako ang dapat sisihin.
"Sorry Arrianne for causing too much trouble."
Umiyak siya. Naku po! Ba't ba ang iyakin ng babae?
"Tahan na Arrianne. Bukas na yung graduation ko. Ginagawa mo pang malungkot ang last day ko dito.Huwag ka namang ganyan.hehe"
"Sorry Travis. Pwede naman tayong maging magkaibigan diba?"
"Oo naman! Hindi ko ipagdadamot sa'yo ang chance na 'yan."
"Talaga Travis? Salamat naman. Yan ang dahilan kung bakit kita nagustuhan. Pero Travis may tanong ako."
"Ano yun?"
"Alam kong magkaibigan lang kayo ni Claire. Pero may gusto ka pa ba sa kanya?"
"Hindi naman nawala yun Arrianne. At hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maging kami sa hinaharap. Sa totoo lang gusto nga siyang tanungin bukas, pagkatapos ng graduation."
"Good luck Travis. And congratulations."
"Thank you. Sige alis na ako Arrianne."
Bigla niya akong niyakap. Kakalasin ko na sana ngunit hindi ko tinuloy. Pagkatapos ng mga nangyari ay hinatid ko na siya sa room niya at bumalik na rin ako sa mga kaibigan ko. Lumabas kami ngunit maaga palang umuwi si Claire. Excited siguro yun. Umuwi na rin ako. Hindi na ako makapaghintay bukas. Next school year nasa kolehiyo na ako.
A/N: to be continued.
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomanceHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...