The Break-Up

3 0 0
                                    

*Chapter 18

-The Break-Up 

~~~~Travis' POV~~~~

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung natapos ang intramurals. Masaya ang mga araw na yun pwera nalang noong di ko nailigtas si Claire. Nakakainis lang at sa lahat ng tao si Jonathan pa ang nagligtas sa kanya. Si Jonathan na kaibigan ko na may gusto sa gusto ko. Kahit hindi naman niya sabihin halata naman. Yung tingin niya kay Claire na parang siya ang mundo niya. Bagay rin naman sila. Pero talaga bang okay lang sa akin na ligawan si Claire ng matalik kong kaibigan? Ang problema kasi ay di ko magawang masabi ang tunay na nararamdaman ko. Torpe siguro kung tawagin. Pero ano bang dapat kong gawin?

Ipaglalaban ko pa ba ang nararamdaman ko para kay Claire kahit alam ko masasaktan ko si Jon? O ipapaubaya ko nalang kay Jonathan kay Claire kahit labag sa loob ko?

At may isa pa akong problema, si Arrianne. Kahit ano ang mangyari mali pa rin na paasahin ko siya. Sa simula palang ay mali na ginawa ko siya panakip-butas. Siguro panahon na upang tigilan ko na ang kabaliwan na ito. Dapat ko siyang kausapin. Hindi kami dapat mabuhay sa pagkukunwari.

Teka anong oras na ba?

O_O

>_<

Five minutes before ang time at nandito pa ako sa bahay. Sus! Buti nalang at tapos na akong maghanda. May pag-asa pang hindi ako mahuhuli sa klase.


Dali dali kong tinakbo ang paaralan. Sana hindi nalang ako tumakbo late din naman ang bagsak ko. Nakahilera na ang mga latecomers sa labas ng gate. Wow! Congrats sa mabilis kong takbo. Muntikan ko nang inakala na pangit ang araw na ito sa akin pero nakita ko lang si Claire, nagbago na ang lahat. Late rin pala siya. Tumitingin- tingin siya sa paligid wari bang naghahanap ng kakilala. At tinaasan niya ako ng kilay nung makita niya akong nakatingin sa kanya. Ningitian ko siya pero as usual hindi niya ako binalkan ng ngiti. At eto anak lang naman ng tokwa, hindi ko mapigilang humalakhak. Kasalanan ko ba at kinilig ako?

"Mr. Perez pwede mo bang ipaliwanag sa buong mag-aaral bakit ka tumatawa sa gitna ng linya mo?" biglang pagtatanong ng Disciplinarian ng school.

Patay! Hindi ko naman pwedeng sabihin na kinikilig ako kay Claire.Magmumukha lang akong ewan sa harap ng marami. Nakatingin na ang lahat sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad.

"Mr. Perez kung sa tingin mo nakakatawa ang paglinya mo dito—"

"Sorry po sir. May naalala lang po kasi akong joke. Hindi ko namalayan na napalakas ang tawa ko. Hindi na po mauulit."

"Dapat lang."

Noong pabalik na kami sa room ay nauna si Claire sa akin. Habang paakyat siya ng hagdan ay nahulog ang clip ng buhok niya. Nakiusap siya para dito. Kahit wala siyang inaddress na pangalan alam ko na si Troy sinasabihan niya. Si Troy lang naman kasi ang pinakamalapit sa clip. Wala rin namang ginawa si Troy kaya ako nalang ang pumulot at nag-abot sa kanya. 

"Salamat."

Bago ko siya masagot ay tinalikuran niya naman ako. Ganun naman talaga..

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~~Clark's POV~~~~

Iba ang aura ni Travis ngayon. Sa tingin ko may gagawin na naman siya ngayon. Pero ano naman kaya?

"Bro. Anong plano mo ngayon pagkatapos ng klase? Net? Basket? o Canteen?"

"Maganda sanang ideya ang mga ideya na yan Clark lalo na ang canteen para sa'yo pero wala sa kanila eh. Napagdesisyonan ko na wala munang gawin sa ngayon."

"Bago yan ah. Nagbagong buhay ka na dude?"

"Bagong buhay agad? Pwede rin. Sige alis muna ako sandali Clark. May kailangan lang akong puntahan."

"Teka Travis! Ay ganun walk out agad. Di man lang ako pinatapos magsalita."

Saan naman kaya siya papunta ngayon?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~~Travis' POV~~~~

Nung lumapit si Clark sa akin, alam ko na kukulitin niya ako. Kaya minabuti ko na paikliin ang aming usapan at umalis muna. Mas mabuti kasing wala muna siyang alam sa gagawin ko ngayon. Baka mabago pa niya ang isip ko. Pupuntahan ko nalang si Arrianne upang ayusin ang mga bagay. Kinakabahan ako pero iba ito sa tuwing kasama ko si Claire. Natatakot akong may masaktan ngunit alam ko naman na mali na umatras pa ako sa napagdesisyonan ko. Ito lang ang paraan upsng maisaayos ko ang lahat.

Hindi ko pa nga tinatawag si Arrianne ay napansin na niya ako. Mas lalo pa akong kinakabahan sa paglapit niya.

"Travis naparito ka?"

"Arrianne kailangan nating mag-usap."

"Nag-uusap na naman tayo diba? May problema ba?"

"Sa tingin ko hindi ito ang tamang lugar sa ating pag-uusap. Pwede ba tayong pumunta sa bench na iyon?"

"Sige."

Hindi kp alam kung papaano ko sisimulan magsalita. Kalmado siyang umupo sa bench. Ito ba ang babaeng nagawa kong paglaruan? 

"Arrianne."

"Ano yun Travis?"

Nakatingin siya sa akin this time ngunit hindi ko magawang tingnan siya ng diretso.

"I'm sorry."

Mangiyak-ngiyak na siya this time.

"Bakit?"

"I'm sorry Arrianne pero unfair na sa'yo kung ipagpapatuloy ko pa ang pakikipagrelasyon ko sa'yo. Akala ko kasi kaya ko."

"Hindi Travis. Magagawan pa natin ito ng paraan."

"I'm sorry Arrianne pero ayaw na kitang lokohin. Ayaw kong mabuhay tayo sa kasinungalingan."

"How could you think that this is all a lie?!"

"Kasi hindi kita mahal. Sorry."

"Sorry? Sorry lang ba ang masasabi mo. Bakit mo pa ako niligawan kung iiwan mo rin pala ako. Alam mo masakit lang kasi sobra na kitang mahal."

"Kaya nga humihingi ako ng patawad. Sana mapatawad mo ako balang araw."

Aalis na sana ako ngunit bigla siyang nagsalita.

"Si Claire ba?"

"Ba't naman nasali si Claire sa usapan na ito?"

"Oh come' on Travis. Maglolokohan pa ba tayo? Gusto mo siya diba? Bakit mo ba pilit na ipinagsisisikan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto? At may Jonathan na yung babaeng iyon."

"Tumigil ka na nga Arrianne. Huwag mo siyang isali sa usapang ito. Kung ganun ang tingin mo ang ginagawa ko, hindi lang ba tayo magkatulad? Kung pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa kung sinuman, hindi ba ganyan tin ang ginagawa mo?"

"Fine. Bahala ka. But don't expect me to be here for you sa oras na sinaktan ka niya. She's not even worth anyone's time."

Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ko na nakayanan pang itimpi ang galit ko. Hinawakan kp amg magkabilang braso niya ng mahigpit.

"Aray! Ano ba Travis?! Nasasaktan ako!"

"Don't you ever say that she's not worth anyone's time. And even if she's not, I won't even think twice to waste my time just to be with her. At siya lang ang gagawan ko ng ganun."

Natahimik siya. Tanging mga luha na lang sa mukha niya ang nagsalita. Medyo natauhan ako sa ginawa ko at nakaramdam ako ng pagsisi. Agad- agad ko siyang binitawan at umalis papunta sa klase ko.

A/N: Salamat sa mga patuloy na bumabasa sa kwento na ito. Sana huwag kayong magsawa na sundan pa ang istorya nila Travis at Claire. :)

To be continued. :D

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon