A Friend Who Cares

4 0 0
                                    

*Chapter 9

-A Friend Who Cares

~~~Jonathan's POV~~~

Pabalik ako sa room dahil naiwan ko kasi ang notebook ko. Pagpasok na pagpasok ko ay bumulagtad sa aking mga mata ang isang babaeng nakatingin sa labas ng bintana. Si Chums...

"Chums! Wala ka bang planong umuwi???"

Natawa ako dahil nagulat siya sa akin. 

"Aie Nathan! Nathan naman ehhhhh...... para kang multo. Huwag ka kasing manggulat. "

"Okay Chums sabi mo ehhh.... Hindi ka pa ba uuwi?"

"Mukhang hindi pa kasi naiwan ko.... ahhh hinihintay ko palang tumina ang ulan."

"Ang ibig mo bang sabihin naiwan mo yung payong mo? ahahahahah tsk3 malas mo naman Chums. Pero ngayon nandito na ako. Hatid na kita."

"Huh? Hatid? As in i-ihahatid mo ako sa sa a...a..amin?"

"hahaha Ano bang pinagsasabi mo diyan Chums? Hindi noh! Sasamahan kita sa sakayan hanggang makasakay ka...Kaw Chums hah....."

"Huwag na. Nakakahiya ehh..."

"May payong naman ako. Chums I really insist."

"Wag na Nathan ehh..."

Ang tigas naman ng ulo ng Chums na ito.Tingnan natin kung may magagawa pa siya. kinuha ko ang payong ko at dali-dali kong kinuha ang gamit ko at gamit ni Chums. At dali-dali ko ring binuhat si Chums.

"Chums. Tayo na. hehehe"

"Hoy Nathan! Ibaba mo ako.

"Too late Chums... Too late."

"Wow! Chums ang gaan mo pala."

That was a sarcasm. Ang bigat kaya niya. Ilan kayang plato ng bigas ang maubos nito.

"Nathan ibaba mo na ako please."

"Chums wag muna, ang mabuti pa ikaw na ang humawak nitong mga gamit mo."

Kinuha niya ang mga ito. Maraming mata ng mga mag-aaral na aming nadadaanan ang nakatingin sa amin. Ang iba niya ay sumisigaw ng ayyyiiieeee, at ang sweet. Ang iba naman ay nagsasabi ng "Ang bagay bagay nila." Binalewala ko nalang sila. Paglabas namin sa gate ay binaba ko si Chums. Binuksan ko ang payong ko.

"Rinig mo yun Chums? Bagay daw tayo....hehe. Akalain mo?"

Wala siyang sinabi. Nagulat ako nang makita ko siya na naktingin sa lupa at umiiyak.

"Chums okay ka lang?"

Ngunit di siya sumagot. Binitawan ko ang payong ko at niyakap ko si Claire. 

"Tahan na Chums. Galit ka ba sa akin dahil pinasan kita kanina? I'm so sorry Chums."

Ramdam ko ang kalungkutan niya hindi galit.... Ako ba talaga ang dahilan o iba? Kumalas siya sa pagkakayakap ko.

"Ano ka ba naman Nathan. Of course okay lang ako. Niyakap mo pa ako. Hoy! at tingnan mo basa na tayo. Binitawan mo pa kasi ang payong! Dali kunin mo! Dalian mo bago tayo mabasa nang tuluyan dito."

Pinulot ko ang payong at kitang-kita ko kahit nakangiti siya ay iba ang sinasabi ng kanyang mga mata.

"Tara Chums."

Pinasakay ko siya at saka umuwi na rin ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon