*Chapter 2
-The Expression Upon Encounter
~~~~Travis' POV~~~~
Maaga akong dumating sa paaralan pero bakit wala pa si Claire. Siguro paparating na iyon. Bumaba muna ako upang puntahan sila Clark. Bigla akong natigilan nang magkatagpo kami ni Claire sa aking paglalakad. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nung magkatitigan kaming dalawa. Tila ba huminto ang mundo ko sa pag-ikot na para bang kami nalang dalawa sa mundo. Nabalik ako sa mundo ko at umarte akong wala siya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nagpatuloy rin ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~~Claire's POV~~~~
Wala akong nagawa. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso. Pero bakit ganun? Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi ako pinansin. Hmp! Bahala na nga! Bahala ka na Travis...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~~Travis' POV~~~~
Patuloy ako sa paglalakad patungo kay Clark.
"Yow! Travis! Anong atin ngayon pare?"
Hindi ko masyadong narinig si Clark. Hindi maalis sa isip ko si Claire.
"Pare? Travis? Uiee! Hellooow?!!"
"Ahh pare pasensya na.. may iniisip lang ako. Hehehe may sinasabi ka?"
"Nevermind pre. Hulaan ko si Claire na naman?"
"Huh? Anong si Claire?"
"Ang iniisip mo pre. Dude ang obvious kaya! Hindi pa pala nawawala yang nararamdaman mo, ba't di mo siya ligawan ulit?"
Ligawan ulit? Natigilan ako habang naalala ko na naman ang mga nangyari noon.
♦♦♦FLASHBACK♦♦♦
Ang lakas naman ng tama ni kupido sa puso ko para kay Claire.
"Uhm Mr. Perez, please get your things and sit beside Ms. Villanueva. And Mr. Mendez, please sit on the third row on the last column and as for you Mr. Daños, please sit between the seats of Mr. Mendez and Ms. Villanueva. Let's start our class but first here are your requirements......." sabi ni Ms. Montenegro, adviser namin.
Patuloy si Ms. Montenegro sa pagsasalita habang ako naman ay nakatitig lang kay Claire. Di ko pa siya masyadong close ngunit pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko na siya. Ang ganda ng mgqa mata niya; maitim, kasing itim ng kanyang buhok na natural na bumabagsak. Pero tila mas mayroon akong nakita sa kanya ngunit hindi ko matukoy.
"Mr. Perez would you like to explain to us what I just discussed a while ago."
Tinig yun ni Ms. Montenegro ahh... Teka, nakatingin ang buong klase sa akin. Napatayo ako.
"Ms. I'm sorry. I was.... distracted."
"It's fine Mr. Perez now take your seat."
Nakakahiya naman! Unang araw ng klase tinawag pa ang atensyon ko. Biglang tumunog ang bell na nagpapahiwatig na tapos na ang 1st period ng klase namin.
"Uie Travis diba? Travis Perez yan ang pangalan mo..." tanong ni Sandra Villanueva sa akin. Nagtataka ako subalit sinagot ko pa rin siya.
"Oo ako nga. Bakit?"
"Hahaha. Uie Travis may gusto ka kay Claire noh?!" nagulat ako sa sinabi niya.
"Huh? Si...sinong Cl..cla..claire? At bakit mo naman nasabi yan?" natataranta ako. Naku naman! Nahuli na ako kaagad. Paano ko kaya ito itatago? Tama ba kaya ang sagot ko?
"Ay sus! Kunwari ka pang hindi mo kilala si Claire. Siya lang naman yung babaeng tinitigan mo kahit 2 seats apart kayo at ang rason kung bakit hindi mo napakinggan si ms. kanina... Ayan tuloy napagalitan ka. HAHAHA! BISTADO KA NA TRAVIS PEREZ! hahaha."
Nasigaw ni Sandra ang 'Bistado ka na Travis Perez' kaya halos lahat ng mga kaklase namin ay napalingon sa amin. Paglingon ko kay Claire ay nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Ano ba toh! Natutunaw ako sa kanyang mga mata. Bigla akong tinapik ni Sandra...
"Hoy Travis! Diba tama ako?"
"Tumahimik ka nga Sandra. Hindi totoo ang sinasabi mo."
"Okay sabi mo eh. Bagay diba ang Clavis? Ayieeeks!!!" Nahihiya ako sa sinasabi niya. Ano ba tong napasukan ko. Kaw talaga Travis ang tanga-tanga mo! Hindi mo pa magawang maitago muna ang iyong pagtingin kay Claire.
~~~TBC~~~
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomansaHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...