Behaviors Do Change

2 0 0
                                    

*Chapter 7

-Behaviors Do Change

~~~Claire's POV~~~

Another day of hostile emotional fears. hahaha emo lang ang dating. As early as 6:25 AM nandito na ako sa school.hehehe. Hanep naman tong trip ko ohhh kung kailan broken-hearted diyan pa maaga dumating sa school. Yung totoo Claire? hehehe. Wala pa masyadong tao sa room ngayon. Kaya ang mabuti pa hinatayin ko nalang dahan-dahan magsidatingan ang mga tao dito. Di naglaon may dumating na... isa....dalawa and so on so forth. Pero nasaan na kaya si Jenny?hmmm..... Mas mabuti pang sigurong salubungin ko nalang siya...

Nakasalaubong ko si Travis pero this time para lang akong wala. Hindi ko siya pinansin ni ang pagtingin sa kanya ay di ko ginawa. Nilagpasan ko siya na para bang hindi siya nabubuhay sa mundo ko. Naiisip ko tuloy baka ako lang talaga ang nagbibigay kahulugan sa mga bagay na wala lang.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Travis' POV~~~

Iba ang araw na ito dahil kami na ni Arrianne. Hayyy!!!! Bakit ba ako nagkakagaito. It's no big deal dapat nga hindi na ako manibago. Marami na kaya akong napasukan na relasyon at hindi na ito bago. Maipagpatuloy ko nalang kayaang paglalakad ko. Nakasalubong ko si Claire pero ang weird na dumiretso lang siya. Hindi niya ako pinansin na para bang hindi niya ako nakita.Hoy Travis! Anong naman weird doon? Parati naman ganun ang pakikitungo niya sa'yo para bang hindi ka na nasanay.  Huwag mo na nalang subukang paganahin ang lahat, wala ka namang magagawa. Ang magagawa mo lang ay magpatuloy sa paglalakad.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Claire's POV~~~

Filipino class namin ngayon. Hinati kami sa iba't ibang grupo upang magawa na namin aming proyekto. Haaayyy!!!! Kagroup pa naman kami ni Travis. Wala naman akong magawa upang mabago ang mga ang mga bagay bagay. Umupo ako sa tabi ni Anna at nagsidatingan na ang iba ko pang mga kapangkat., bukod kay Travis. Saan na kaya siya? Baka naman nagcutting classes. Hindi naman siguro...

"Okay guys since kumppleto na tayo. Pag-usapan na natin ang proyekto na ito."

Ano ba ang sinasabi ni Anna? Hindi pa naman kami kumpleto, wala pa si Travis.

"Uhhhmmmm.... Anna hindi pa tayo kumpleto!"

"huh? Claire kumpleto naman tayo ahhh..."

Inisa-isa ni Anna ang pagtawag sa bawat group members habang ako ay tinitingnan ang mga taong binabanggit niya.

"Travis?"

Tinawag siya ni Anna. Hinanap ko siya at ang laking gulat ko nang makita ko na nasa tabi ko lang pala siya. Naku naman Claire!!! Nakakahiya ka talaga.

"Claire sino ang kulang? Wala naman diba?"

"Oo nga.heheheh. Wala talagang kulang.... Sensya na hehehe. "

Ramdam na ramdam ko na namumula ako. Tiningnan ko si Travis. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit nakangiti siya. Ako kaya ang dahilanng pagngiti niya? Sus Claire! kalimutan mo nga yang ngiti ngiti  diyan. Magfocus ka sa project. Abala ako sa pakikinig kay Anna. Nang may tumawag sa akin.

"Claire yung panyo mo... Nahulog."

Pagtingin ko sa nagsasalita. Naku naman bakit si Travis pa? Agad agad kong hinahanap ang panyo ko. Ehhh kasi Claire hindi ka maingat sa mga gamit mo.

"Ako na ang kukuha Claire."

At last nakita ko rin. Aabutin na sana ni Travis ang panyo ngunit inunahan ko na siya. 

"Wag na! Ako nalang ang kukuha. Salamat nalang."

Masyado na ba akong bitter sa kanya? Ay ewan pake ko ba.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~ Travis' POV~~~

Di ko magilan na ngumiti. hahaha Sino naman kaya ang inakala niyang hindi pa dumadating? At bakit ba parang gulat na gulat siya nang makita ako? hindi ko alam baka ako ang ibig niyang sabihin.hehehe. Eto talaga si Claire hindi man niya ako pinapansin ay hindi pa rin siya nabibigo sa pagpapangiti sa akin. At namumula pa siya. Ang cute niyang tingnan. Teka panyo ata yun ni Claire ang nandoon sa sahig.

"Claire yung panyo mo... Nahulog."

Hinanap pa niya ang panyo niya kaya naisipan ko nalang na kunin yun para sa kanya. Pero nung aabutin ko na sana ay dali-dali naman niya itong kinuha.

"Wag na! Ako nalang ang kukuha. Salamat nalang."

Para bang napakataray niya sa akin ngayon ahhh....... Huwag mo nalang pansinin Travis may sumpong lang ata yun. Pero kasi....Hay bahala na nga siya....

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: To be continued...

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon