All Things End

2 0 0
                                    

*Chapter 27

~~~~Travis' POV~~~~

Nagring yung alarm ko. Graduation na. Dali-dali kong inihanda yung gamit ko at ang sarili ko. Ilang oras nalang at magtatapos na akong ng highschool.

I was planning to talk to Claire today. Ask her kung saan siya mag-aaral at anong degree program ang kukunin niya. And maybe ask her again about us.

"Travis, anak halika na. Tama na yang pagpapapogi mo. Baka mabasag pa yang salamin sa kakatitig mo,"sigaw ni Mama.

"Ma naman."

"Honey huwag mo namang ipressure yang anak natin.Let him take his time. Tutal araw niya ito," sabi Papa. 

"At hayaan nalang siya malate? Ahh basta! Travis John dalian mo na at aalis na tayo."

"Opo Ma. Paparating na."

Pagdating namin sa school ay nagsimula na pala ang ceremony kaya hindi ko na nakausap si Claire. Tanaw ko siya mula sa kinauupuan ko. Ganda niya ngayon. Nang matapos ang graduation ay pupuntahan ko na sana si Claire pero bigla akong hinila ni Clark papunta sa iba naming kabarkada.

"Picture muna tayo bro."

"Sige pero saglit lang at pupuntahan ko pa si Claire."

"Sure. Dali na." 

Narinig ko ang photographer na sumigaw ng 'say cheese' pagkatapos nagflash. Agad-agad akong umalis at hinanap si Claire. Naikot ko na ang buong paaralan ngunit wala talaga akong Claire na nakita. Bumalik nalang ako sa auditorium. 

"Anak, Travis tayo na. Umuwi na tayo at naghihintay na ang mga bisita sa bahay."

For the last time ay tiningnan ko ang paligid ko. Halos wala ng tao. Nasaan na kaya si Claire? Wala akong nagawa kundi umuwi nalang. Sayang at hindi nakausap si Claire kahit ilang minuto lang. Sayang talaga. Di bale. Tatawagan o itetext ko o kaya imemessage ko nalang siya net. Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.

A/N: Thank you. Thank you for reading up to this part. Epilogue next. :3

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon