Epilogue

7 0 0
                                    


'The number you dialed is currently unavailable please try your call later.'

Bakit ganun? Pang-ilang tawag at text ko na sa kanya ngunit hindi ko pa rin macontact si Claire. Sinubukan ko siyang ichat ngunit di ko siya mahanap sa chat list. Pati sa search bar ay 'di ko siya mahanap. Sinubukan kong tingnan yung tag post ng mga kaibigan niya ngunit hindi na nakahighlight ang name niya. Deactivated yata yung account niya. Bakit naman? Hindi ko maintindihan.

Architecture ang kinuha ko. Pangarap kong idisenyo ang magiging bahay ko sa hinaharap. Si Clark nagmarine engineering. Si Kevin nagbusiness administration while si Roy ay nagHRM. Si Jenny? Ayun nagBSEE. 

Si Claire?

.

..

Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam. Hindi ko pa rin siya macontact. From that day on ay wala na talaga kaming communication sa isa't-isa. Hindi ko na siya nakita. Tumigil na rin ako sa paghahanap sa kanya. Nakakapagod na rin kasing habulin ang taong hindi mo alam kung nasaan. I'm over her.

May nililigawan pa nga ako ngayon. She's taking up B.S. Civil Engineering in a private institution. Kababata ko siya. Hay! Tama na nga muna sa mga kakausap ko sa sarili ko at baka malate pa ako.

Naglalakad ako ngayon galing sa sakayan ng jeep. Papunta na ako ng school.  Mas pinili kong maglakad nalang dahil ilang metro nalang naman eh. Dadaan lang ako sa bus stop tapos liliko pa kanan, diretso na ng ilang metro at makakarating na ako sa school. Pero sa totoo lang ay naglalakad ako ngayon para maipon yung pera na sana pamasahe ko upang may maibigay na regalo kay Brenna, yung nililigawan ko.

Malapit na sana akong makarating sa bus stopnang tila may namumukhaan ako. Nakauniform siya all white and her hair's tied in a bun. Hindi ako maaaring magkamali. Malakas ang yibok ang puso ko. Siya nga. Nagmadali ako sa paglalakad para maabutan siya. Nagmamadali siya, I know. Nakatingin siya sa relo niya. Isang hakbang na sana. Isang hakbang nalang sana ang kinailangan ko upang maabutan siya ngunit biglang may bus na dumating at sumakay na siya. Sasakay na sana ako ngunit nakita ko yung oras. Naku! Late na ako. Umandar na ang bus at naiwan ako.

I lost her again.

Wait! Si Brenna. Naku po! At yung oras, late na ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. I had flashbacks. Lahat tungkol kay Claire. Iba ang pagtibok ng puso ko. Heto na naman. Eto na yung kinakatakutan ko, she stole it again.

-The End-



A/N: Thank you. Thank you for reading. Salamat sa pagsusubaybay sa kwento ni Travis at Claire hanggang sa huli. 

Kung nabitin man kayo, don't worry. May part two pa. :D 

Alamin kung ano ang nangyari kina Claire at Travis. At kilalanin ang mga bagong tauhan sa kwento. Thanks for reading. 

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon