Her Absence, My Headache

7 0 0
                                    

*Chapter 10

-His Absence, My Headache

~~~Travis' POV~~~

Eto talaga si Jonathan ohh... Naspecial mention tuloy ni Miss. Pero bakit kaya absent ngayon si Claire? Nakakapagtaka naman hindi naman niya ugali umabsent. Wala akong gana ngayon at masama pa doon hindi ko alam kung bakit.

Baka kulang lang siguro ako ng tulog.

Pero hindi ehh...

Baka gutom lang ako...

Hindi rin... 

Ano ka ba naman Travis! Itanggi mo pa! Hindi ka lang siguro sanay na wala si Claire....

"Aray!"

May nambato na naman ng papel for sure galing ulit yun kay Clark. Pinulot ko yung papel at aba may nakasulat nga dito.

"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas hinahanap- hanap kita... Hinahanap- hanap kita!

Si Arrianne....

o

Si Claire....

Sino sa tingin mo bestman ko?

                                                                                                        Love, love, love,

                                                                                                        hahahahaha your one & only...

                                                                                                        Clark :* ;)

"

Tiningnan ko si Clark. Naku! Eto talagang bestman nato! Bestman niya ba talaga ako? Nakatingin pa siya sa kisame at sabay taghoy pa.... Di magtatagal dadami na ang bukol ko sa ulosa pambabato niya.  Pero tama si Clark...ahhhhh ba't kasi ginugulo pa niya ang isip ko!!!! Siyempre si Arrianne yung iniisip ko, girlfriend ko siya ehh... Pero si Claire -- Ahhh!! Kita mo Travis? Si Claire na naman! Siya talaga ang iniisip at hinahanap mo. Wag mo na kasi pilitin na gawing dahilan si Arrianne. Niloloko mo lan ang sarili mo.

Eto talaga si Clark ohh!! Ginugulo pa ang isip ko. Arrianne! Arrianne! Arrianne! Arrianne! Arrianne! Pero teka paano si Claire? Waaaahhhhh!!!!! Ang gulo-gulo naman! Bigla akong yumuko sa desk ng armchair ko... Medyo napalakas nga yata ehh...hehehe. Teka ba't biglang tumahimik yata ang room? May nangyari ba? May dumating ba?

"Mr. Perez? Are you alright?" tanong ni Ms. Montenegro. Aba concern? hahaha.

Iniangat ko ang aking ulo at nakita ko...

O_o

o_O

O_O

Ba't ----

Ba't nakatingin silang lahat sa akin?!

"Oh my gosh Travis! Dumudugo yung ulo mo!" sigaw ng isa kong kaklase. Alam ko babae yun dahil sa boses niya pero di ko matukoy kung sino.

Hinawakan ko ang noo ko at pagkatapos tiningnan ko aking  kamay, tama may dugo na. Naku naman! Unti-unting nandilim ang paningin ko.

"Bro? Travs!"

Clark. Boses lang niya ang huli kong narinig. 

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon