*Chapter 21
-I Saw Here There
~~~~Claire's POV~~~~
Mali ba ang ginawa kong desisyon? Mabait naman si Jonathan. Nasa kanya na ang lahat na pinapangarap ng isang babae; gentleman, mabait, matalino, joker at marami pang pwede mong masabi sa kanya. Pero paano si Travis? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Hay! Ano ka ba naman Claire?! Si Jonathan ang issue pero bukambibig mo naman ay Travis."Claire nandito ka ba?"Bigla akong napalingon sa taong tumatawag sa akin. Si Jenny lang pala."Oo Jen.""Salamat naman at nandito ka lang. Kung saan-saan kasi kita hinanap. Anong ginagawa mo dito sa ilalim ng puno?""Wala. Gusto ko lang magpahangin.""Talaga? Okay ka lang ba?""I think so. Matapos ipinagtapat ni Jonathan sa akin ang lahat— buhay pa naman ako. So I guess I'm okay.""Anong pinagtapat?! Oh my gosh! Huwag mong sabihin—"Tumango lang ako sa kanya."Eh anong ginawa mo?""Ewan ko ba. Pinaghintay ko siya. I need time to decide.""Mahal mo ba siya?""Tinatanong pa ba yan Jen. Of course mahal ko yun. Pero hindi ko lang alam kung sapat na ba yung pagmamahal na meron ako para sagutin siya.""What?! Tapos pinaghintay mo pa siya?""Ahhh. Sa tingin ko naman tama lang yun.""Naku naman Bestie! Malaking gulo yang pinasukan mo.""Gulo? At sino naman ang magkakagulo sa desisyon ko?""Di ba obvious?! Edi sina Jonathan at si Travis.""At bakit naman nasali si Travis sa usapan na 'to? Wala yung pakialam at may Arrianne yun no!""Hindi mo pa ba alam?""Ang alin?""Wala na sila. Si Travis daw ang nakipagbreak.""Bakit daw?""Ewan. Hindi ko alam.""Hay naku! Huwag nalang natin silang intindihin. Buhay nila yun, hayaan natin sila. Tara na Jen! Pumasok na tayo sa klase at baka mahuli pa tayo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~~Clark's POV~~~~
Dumating na si Jonathan sa room. Aba! Ang laki ng ngiti niya ahh. Ano naman kaya ang ginawa ng taong ito."Bro laki ng ngiti mo ah. Anong meron?""Wala. Likas na talaga akong masiyahin bro.""Weh? Iba yang ngiti mo eh.""Bakit ba masama bang maging masaya ako? Sabihin nalang natin na may hinihintay ako.""Hala! May babae ka na namang nauto no?! Sino yung kawawang babae?""Ang sama mo naman bro!""Biro lang yun. Pero seriously, who's the girl?""Malalaman niyo rin Clark sa tamang panahon.""Big Brother? Ikaw ba yan?" hirit ni Roy."At humirit ka pa," sabi ni Kevin sabay batok kay Roy."Tama na nga yan. Nakita niyo ba si Travis?" tanong ko sa kanila."Oo nga nasaan na siya? Malapit na kayang magsimula ang klase," nagsalita na naman si Roy."Nakita mo ba siya Jon?""Haven't seen him around."Nagsubalikan na kami sa aming mga upuan. Ilang minuto ay dumating si Travis. Medyo balisa siya. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Minadali ko siyang nilapitan pagkaupo niya. "Travs," bati ko sa kanya."Oh Clark. Kaw pala," sagot niya." May problema ka ba?""Ano bang problemang sinasabi mo? Wala naman ah.""Meron eh. Kilala na kita. Huwag mo nang itanggi.""Wala nga.""Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!""Loko! haha. Baliw ka talaga Clark.""Tingnan mo napatawa kita.haha""Hinayhinay sa pagcomfort bro at baka madevelop ako sa'yo. haha.""Edi mas mabuti. Maiba ako. Alam mo ba may hinihintay si Jonathan na babae. May ideya ka ba kung sino?""Teka, naghihintay pa pala siya. Ang buong akala ko sila na.""Nino?""Bro si Claire.""Si Claire?!""Uy Clark. Hinaan mo yung boses mo at baka marinig ka pa ng iba.""Pero paano nangyari yun? Kailan pa? Saan?""Basta, mahabang kwento. Kanina lang sa baba.""Iyan ba ang dahilan sa kinikilos mo ngayon?""Ewan. Di ko alam. Baka. Medyo— masakit lang dahil personalan kong natunghayan yung pagbubukas dibdib niya kay Claire. I saw her there with him at niyakap pa siya ni Jon.""Anong plano mo?""Plano? Clark pahiram ako ng shades mo.""Sige kukunin ko lang sa bag."Bago ko pa maabot ang shades ko ay nagpang-abot sila ni Jonathan. Masama ang titig ji Travis kay Jon. Galit talaga siya. Madali kpng inaabot kay sa kanya ang shades. At timing din nung pagsuot niya nito ay siya ring mismong pagharap ni Jon sa amin.Hudyat na ba ito sa gerang magaganap sa pagitan ng mga pusong iisa lang ang pinag-aagawan?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~~Travis' POV~~~~
Dismissal. Papalabas na sana ako ng room nang may humarang sa akin."Travis mag-usap tayo. Pwede?"Tumango lang ako. At sinundan siya hanggang umabot kami sa canteen."Travis John Perez. Talaga bang gusto mo si Claire? Ba't di ka gumawa ng paraan? Hahayaan mo na lang bang ligawan siya ni Jonathan?"Tiningnan ko si Jenny. Alam ba niya ang pinagsasabi niya? Nakakainis siyang magsalita na wari'y alam niya na ang lahat."Alam mo Travis akala ko torpe ka lang pero ngayon hindi na talaga kita maintindihan.""Sino ba ang nag-utos sa'yp na intindihin ako? At wala naman akong sinabi na may gusto ako sa Claire na iyon."Napalunok ako sa sinabi ko. Masama na kung masama. Nakakainis talaga ang pakikialam niya. Pagod na akong makigpagtalo kay Jenny pero mas pagod na akong makipagtalo sa nararamdaman ko. Nagpatuloy siya sa pagsasalita at pinilit kong makinig kahit wala na akong maintindihan. Okay na sana kaso may sinabi siya na talagang nagpainit ng ulo ko."Alam mo Travis. Tama nga siguro ang desisyon ni Claire. Hindi siya deserving sa mga taong katulad mo na duwag, inconsistent, walang kasiguraduhan at walang paninindigan. Hindi mo nga magawang ipaglaban yang feelings mo kay Claire. Tama nga si Claire sa hindi pagsagot sa iyo. You're not evwn worth the risk."Natigilan ako. Hindi ko na talaga nakayanang magtimpi pa."You don't even know what you're saying. You have no clue about the smallest details of how I feel. So quit acting like you know everything coz it makes you look stupid. If your basis is only from what you see then you're informations are truly twisted. You don't even have the right to say those stuff. Who are you anyway? How could you judge the feelings of other people when at the first place you're not even the one feeling it?""Pero wala kang ginawa Travis. Alam kong alam mo na nililigawan ni Jonathan si Claire. Pero ang chill mo lang ha!""Ano bang gusto mong gawin ko ha Jen?! Umiyak? Magwala? Sabihin mo.""Alam mo Travis na wala akong ideya sa takbo ng isip mo. Tanging ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo.""Yan. Diyan kayo magaling. Ang problema kasi sa inyo ang dali niyong manghusga pero kapag kayo ang tatanungin, wala kayong maisasagot. Paggumawa naman ako ng desisyon ay marami ang kumukontra. Ano ba ako sa tingin niyo, robot? Huwag niyong manipulahin ang buhay ko. May sarili akong pag-iisip. Tantanan ninyo ako.""Hindi ka naman namin minamanipula. Gusto lang namin na gumawa ka ng paraan.""Hindi ganyan kadali ang gusto mo Jenny.""Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?""Wala ka nang pakialam dun. Stop intruding my personal life Jen. It wasn't easy. I saw her there and I don't want to talk about it."Umalis ako kaagad matapos kong bitawan yung mga salita na iyon. Iniwan ko siya doon sa canteen at hindi ko na binalikan pa.
A/N: To be continued.
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomanceHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...