The Heartbreak

3 0 0
                                    

*Chapter 6

-The Heartbreak

~~~Travis' Pov~~~

Tik-tok-tik-tok. 2 minutes to go dismissal na. Travis may 2 mins. ka pa upang umatras. Hay naku! Ano na naman kasi tong pinasukan ko? Ngayon para akong baliw, hawak-hawak aking ulo. Nahagip sa paningin ko si Claire. Nakaupo siya sa harap malapit sa pinto ng room. Nakaharap siya sa pisara ngunit paranghindi ang leksyon ni Sir Dan ang kanyang iniisip, mas malayo pa doon. Hawak niya ang kanyang ballpen. Aray! Ano yung tumama sa ulo ko?! Papel? Pinulot ko yung isang eroplanong papel at binuksan ko ito. Sa pagbasa ko ito ang nakasulat:

"1 minute to go Travs...

Sure kang gagawin mo pa rin yun?

At isa pa pala wag mo masyado

titigan si Claire baka matunaw siya...

Sige ka.hahahah

                                               -Clark"

Tiningnan ko si Clark at talagaga tong kaibigang ito kinidatan pa ako. Natawa ako. Sa pagharap ko sa piasara ay biglang tumunog ang bell para sa dismissal. Tumayo na ako habang bulong ko sa sarili ko.

"Oras na Travs. Dapat mo nang panindigan ang desisyon mo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Claire's POV~~~

3 mins... 2 mins... Malapit na ang dismissal di ako makapagconcentrate. Ano ba naman tong nararamdaman ko? May kutob talaga akong may hindi magandang mangyayari. May kinalaman kaya ang siya na pinag-uusapan nila Jonathan at Travis kanina? Hahaizt sana wala. Di talaga ako mapakali. Ay ewan! Pagtingin ko sa orasan malapit sa bintana... one minute to go.... Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko?

Kriiiiiinggggggg!!!!!!

Tumunog na ang bell ng dismissal. Tumayo ako at hinanap ko nalang ang walis. Ayaw kong lumabas sa loob nalang ako magwawalis at baka may kung ano pa akong makita.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Travis' POV~~~

Eto na ako naglalakad patungo sa room nila Arrianne. Ngayon ko na matatanggap ang sagot niya. Pero tama ba talaga tong ginagawa ko? Hindi ko ba sinasaktan ang sarili ko sa kasinungalingang ito? Bahala na. Napasukan ko na 'to ehh! Wala nang atrasan. Pero bakit ganito? Bakit sa bawat hakbang ko ay parang bawat pagkadurog ng puso ko ng pipiraso? Kaya ko ko ba 'to? Ginusto ko ba talaga 'to? Nakatayo na ako sa harap ng pintuan sa silid ni Arrianne. Hinihintay ko nalang siyang lumabas.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Claire's POV~~~

"Claire sa lobby ang assignment mo ngayon. Assignment ng group niyo."

Sigaw ni Sandy sa akin. Naku naman oh!!!! 

=3=

Gusto ko sa room ehhh... huhuhu T_________T

"Ahh ganun ba.hehe Sige Sandy."

"Kunin mo yung mop at magmop ka. Tapos na kasi ang mga kagroup mo magwalis diyan."

"Ahhh okay."

Nagsimula na akong magmop sa lobby ngunit parang wala ako sa aking sarili kaya naman sinubukan ko nalang kumanta. Paraan na rin ito upang hindi ako masyadong mag-isip. 

Bigla ko nalang nabitawan ko yung mop na hawak ko. Malapit na dumagundong ang mga luha ko. Hindi ko alam bakit ako ponanghihinaan ng ganito. Napakasikip ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Tinatanong ko pa ang sarili ko kahit alam ko na ang sagot. Hay naku Claire! Kung pwede lang sanang maging manhid kahit ngayon lang.  Itanggi man ng isip ko alam ko naman talaga na nasasaktan ako.

Heto si Travis natatanaw ko siya doon sa kabilang building may kasamang babae. Teka di ba yan yung Arrianne mula sa lower year? So siya pala ang sinasabi nilang siya at totoo ang tsismis. Hindi ko na talaga 'to kayang tingnan. Pumasok na ako sa room at niyakap ko si Jenny sabay bulong ko sa kanya.

"Sila na. Jen mauna na akong umuwi."

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Jen at kinuha ko ang bag at ang mga libro ko.

"Guys alis na ako ha."

Tama yung ginawa ko para hindi nila ako mahalata. Naglakad ako papunta sa sakayan nang biglang may humawak sa aking kamay. Tuloy napasigaw ako sa kaba.

"Huwag po! Ako lang po'y isang taong di hamak ay kapos rin sa buhay. Wala po akong maibibigay na pera sa inyo. Maawa na po kayo. "

 Naramdaman ko nalang may bumatok sa ulo ko. Clark?

"Hahaha loko-loko ka talaga Claire. Tara sabay na tayo umuwi."

"ahhh. Oo naman Clark.hehehe Pagpasensyahan mo na ako...hehehe"

"hahaha Thanks Claire. okay lang yun"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Travis' POV~~~

ilang minuto lang ay lumabas na si Arrianne. And as expected ng mga barkada ko ay sinagot niya nga ako ng OO. Pero ba't hindi ako masaya? Ano kaya ang ginagawa ni Claire ngayon? Sana hindi niya 'to malaman. Ningitian ko si Arrianne para di niya mapansin na hindi ako natutuwa. Sana kasi hindi na niya ako sinagot para hindi ako nahihirapan ng ganito. Hahaizt. Claire I'm sorry....

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: To be continued.

Sa mga readers please keep in touch I'll be posting the next chapters one of this days. Thank you so much :) 

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon