The Tension

3 0 0
                                    

*Chapter 13

-The Tension

~~~Jonathan's POV~~~

"Yes! Yes! Pumayag siya! Sasama siya sa akin sa mall."

Pero teka nagsinungaling talaga ako kay Chums. Hindi ko naman talaga niyaya sina Clark kasi siya naman talaga kasi ang gusto kong makasama ngayon. Dapat gwapo ako ngayon. hmmm. Eto kaya yung suotin ko. tsk. Masyadong baduy. Teka eto kaya. Tama ito nalang dahil hindi siya masyadong pormal. Dapat rin pala magpabango ako at ayusin ang buhok ko. Naks naman siguradong hahanga si Chums sa kapogian ko nito. hmmmm.. Ayan. Pogi mo talaga Jonathan. Sunduin ko na nga si Chums.

——————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————-

~~~Travis' POV~~~

Bakit ba ang boring dito? Haaay walang magawa. Matawagan ko na nga lang si Clark. 

"Yow Bro. Libre ka ngayon?"

"Oo naman bro. Bakit?"

"May bagong net cafe kasi sa mall ngayon at narinig ko mababa lang daw yung bayad kada oras. Ano punta tayo?"

"Sige bro. Punta tayo doon."

"Isama na rin natin sila Kevin, Roy, Jun at Jon."

"Sige ba! Sige itetext ko nalang sila."

"Sige bro maghahanda muna ako. Bye."

———————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————-

~~~~Clark's POV~~~~

        Guys may new net cafe sa mall. Mababa lang daw yung singil sa oras. Punta tayo doon ngayon.

-sent!

Nagreply na rin silang lahat pwera kay jonathan. Ang tagal naman magreply ng taong 'to. Teka ano 'to?! Ba't hindi siya sasama?

***

From: Jonathan

Sorry can't make it bro. Got some important matters to do. Next time nalang.

***

To:Jonathan

K.

*** 

Important matters daw. Kailan pa cya nagkaroon ng important matters? Hayyy matawagan ko nalang si Travis.

"Travs. Tuloy tayo ngayon. Ang hindi lang makakarating ay si Jon."

"Bakit naman daw?"

"Important matters daw ehh."

"Ahh ganun ba. Sige next time nalang siya. Kita tayo sa entrance ng mall by 1pm."

"Okay Bro."

———————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————————

~~~~Claire's POV~~~

Heto na kami sa mall. Nagtataka pa rin ako kung saan ako dadalhin ng taong ito.

"Chums gutom ka na ba?"

"Hindi pa naman."

"Ayyyy. Mas mabuti pa sigurong busugin muna kita. Halika, kain tayo doon."

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon