Her Vengeance, My Rescue

1 0 0
                                    

*Chapter 19

- Her Vengeance, My Rescue

~~~~Claire's POV~~~~

Masaya ako at natapos na rin ang mahabang discussion namin.

"Okay class. Next meeting please bring these things written in the board. That's all for now. Goodbye."

Sa wakas uwian na. Papalabas na sana ako nung tinawag ako ni Jonathan.

"Chums! Saan gala natin ngayon?"

"Kaw talaga Nathan. Sa bahay lang ang punta ko ngayon."

"Ice cream tayo?"

"Ice cream? Ay 'wag na. Wala akong pera ngayon eh."

"Sige na. Libre ko naman eh."

"Weh? Talaga, ililibre mo ako?"

"Oo naman. Bakit ayaw mo?"

"Hmm. Pwede ko bang pag-isipan muna?"

"Sige may 3 seconds ka. Simulan mo na."

At totoo ngang nagbilang siya gumamit pa ng mga daliri niya.

"One... Two... Three... Oh ano Chums? Sama ka?"

"Sige na nga. Basta libre mo ha? Ay teka! Dapat yung Choco hot fudge sa McDonald's ang ibibili mo sa akin ha? Pwede rin naman kung ayaw mo nun ay sa Gelatissimo nalang."

"Wow sosyal."

"Sige na. Ikaw naman ang nag-ayaya."

"Fine pero sa McDo lang muna tayo. Hindi ko kasi napaghandaan. At samahan nalang rin natin ng fries. Gusto mo?"

"Pati ba yan libre mo?"

"Sige na nga. Libre ko na lahat Chums. Para sa'yo.haha. So sasama ka?"

"Sure. Hindi talaga ako aangal diyan. Mauna ka na munang lumabas Nathan. Iligpit ko muna 'tong mga gamit ko."

"Sige hintayin na kita sa labas. Dalian mo ha?"

"Opo sir. Dadalian na po."

Nauna nang lumabas si Jonathan.Ipapasok ko lang tong kwaderno ko at lalabas na ako. Now off to McDo. Pagkalabas ko ng pintuan nakita ko si Nathan na nakasandal sa railings ng hallway. Mas mabuti pa siguro lapitan ko nalang siya kaysa sumigaw dahil baka hindi niya ako marinig dahil nakaheadset siya. Malapit na sana ako sa kanya ngunit—"

----------------------------------------------------------------

~~~~Arrianne's POV~~~~

Ewan ko kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito sa lobby ng mga Seniors. Teka si Claire yuna ahh. May naisip lang akong paraan upang makapaghigante. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa malapit na kaming matagpo ni Claire. Pasimple kong hinarang ng paa ko ang kanyang daraanan. Ang tanga lang naman ng babaeng ito nung hindi siya tumitingin sa kanyang dinaraanan kaya tuloy nahulog sa bihag. Medyo nakokonsensya ako sa nagawa ko ngunit mas nanaig pa rin ang pagkagalak ko. Ang pagkabagsak ni Claire. Pero teka ba't wala akong narinig na bagsak? Palpak na naman ako.

-----------------------------------------------------------------

~~~~Travis' POV~~~~

Nag-uusap na naman silang dalawa at ang mas malala pa ay ang daig pa nila chocolate at kendi sa kasweetan. Hindi ako nagseselos. Masyadong mababaw ang rason na yan. Teka naunang lumabas si Jonathan. Kausapin ko kaya si Claire? Huwag na muna siguro. Hindi naglaon ay lumabas na rin siya pero iba  ang sumalubong sa akin. Agad- agad kong sinalo si Claire. Muntikan na nga siyang saluin ng sahig buti nalang tama lang ang timing ko. Hinarap ko siya sa akin. Mali yata yung ginawa ko. Natulala ako. Hawak- hawak ko siya ngayon at ang nakakainis ay di ko magawang maigalaw ang sarili ko. Bigla siyang gumalaw at natauhan ako. Inalalayan ko siya na tumayo ng mabuti.

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon