His Growing Feelings

5 0 0
                                    

*Chapter 12

-His Growing Feelings

~~~Jonathan's POV~~~

Ngiti. Ang ngiti niyang napakamarikit. Ngumiti siya sa akin. Oo ngumingiti siya sa akin. At itong mga kamay ko na nahawakan niya. Haaay... Ano na nga ba ang nangyayari sa'yo Jonathan?! Baliw ka na ba o may sakit lang?

Bura! Bura! Bura!

Huwag kang mag-isip ng ganyan Jonahan!!!!

"Haay! Ano ba naman 'to!!!"

"Hoy Jon! Sinong kausap mo diyan? At anong ginagawa mo?"

"Wala Clark. Binubura ko lang sa isip ko si C- "

"Haaah? Hindi kita maintindihan. Sino bang binubura mo sa iyong isipan?"

"Hah? Ano- teka! May sinabi ba akong ganun? Wala naman ahh. Baka nagkamali ka lang ng dinig ang sabi ko kasi. Nag-iisp ako ng gagawin. Ano kaya kung burahin ko nalang ang nakasulat sa pisara?"

"Ay, ewan ko sa'yo bro. Mas mabuti pa nga siguro na mgpatingin ka na sa isang psychiatrist. Baliw ka na yata eh.haha"

"Tsk. Tumahimik ka nga Bro."

"Haha easy lang bro. Biro lang naman yun."

"Alam ko yun no! May naalala ako... Nakalimutan ko pala na may kukunin pa ako sa kabilang section. Una muna ako Clark."

"Ganun naman kayo palagi ehh... Nang-iiwan. Tsk. Sa susunod bumawi ka hah? Libre mo nalang ako ng pagkain."

"Tsk. Takaw mo talaga. Bahala ka nga lang."

"Ayy!!! Siga na nga. Bye!"

Muntikan nang madulas ang dila ko dun ahh. Bburahin ko sa isipan ko si Claire yun ang muntikan ko nang naipagsabi. Kung nagkataon, naku! Ewan ko lang. Pero ano ba talaga tong aking nadarama? 

Gusto ko na nga ba si Claire?

Kaibigan ko nga lang ba siya?

O higit pa ang nadarama ko sa kanya?

Teka! Hindi ehh.. Mali yun! Dapat kaibigan lang talaga. Kaibigan lang! Kaibigan lang. Kaibigan lang talaga Jonathan. Itatak mo yan sa kokote mo.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Travis' POV~~~

Haaay sa wakas nakauwi rin. Nakauwi na rin kaya si Claire- ay este si Arrianne pala? Mas mabuti pa siguro wag mo muna silang ispin Travis para ka na kasing babae kung makapagsalita ehhh.

"Kuya?"

"Ohh Diane kaw pala. Anong kailangan mo?"

Si Diane yung nakababata kong kapatid.

"Kuy nabalitaan ko kasi na kayo na pala ni Ate Arrianne. Totoo ba yun Kuya?"

"Ahhh---- ehhh..."

"Kuya oo lang naman o hindi ang sagot ahhh...."

"Oo kami na nga. Pero huwag mo muna ipagsabi hah? Teka ba't mo ba natanong?"

"Wala lang. hehe. Ahh kuya- never mind nalang."

Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na siya papalayo. Hayyy eto talaga siya ohh...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~~~Claire's POV~~~

Nauwi na rin sa wakas sa amin. Hay! Matingnan nga yung phone ko. Hmm. Wala pa rin. Siguro talagang dapat ko nang tanggapin na wala na.Tsk. Pero ba't di ko matanggap-tanggap. Akala ko totoo ang lahat ng sinabi niya noon. Totoo nga ba yun o pawang kasinungalingan lang ba ang lahat ng iyon. Malamang nagbago na rin ang mga bagay na iyon ngayon. I have to MOVE-ON. It's never right to get stuck on the past. Move on. Move on. 

???

May nagtext. Unknown number. Teka matanong nanga lang kung sino 'to.

Me: Sino 'to?

Ang tagal naman magreply ng taong ito. Siguro siya 'to. Ay heto na...

Siya: hi Claire. Si clark nga pala ito. Nagpalit na kasi ako ng sim.Hehe Sorry kung nakalimut ako magpakilala.

Ayyy... Si Clark lang pala.

=3=

Me: Ahh. Ok lng yun Clark :)

Waaaah!!! Uwaahhh!!! Mali na naman ako. Waaahh!!! Magmove on kana kasi. huhuhu

>_<

Ay ewan. Ewan, ewan. Nakakainis naman ohhh.....

GRRRRRRRRRRRR..........

Eto nalang siguro ang dapat kong gawin. Simple lang ito at ang kailangan lang ay determinasyon at willingness, okay? Eto ang dapat mong gawin: Iwasan at kalimutan mo na si Travis. Diba ang simple? Haay!!! Simple nga ba talaga? 

hmmm..

huh?

o_O

Nagriring yung phone ko? Eto talaga si Clark ohh..

"Hello Clark?!"

"Eh? Chums di eto si Clark, si Jonathan ito."

"Nathan kaw pala...hehe Pasensya akala ko si Clark ehh. Anyways, ano ang atin ngayon?"

"Magpapasama sana ako sa'yo sa mall ngayon may bibilhin kasi ako."

"Ngayon as in now na? Kauuwi lang natin galing sa school ahh..."

"Sige na Chums... Please..."

"Ahhh. Teka, ba't ako? Ba't di sina Travis, Clark, Roy, Jun at kevin ang inaya mo? Ba't ako?"

"Hah? ahh-ka-ka-kasi. ahh. Niyaya ko na sila kanina ngunit may lakad daw sila. ahh oo yun nga yung sinabi nila. hehe. May lakad ka ba?"

"Wala naman."

"So sasamahan mo ako? Chums? Sasamahan mo talaga ako? Sige na chums please. Chums sige na."

"Sig-"

"Yes!!! Sasamahan ako ni Chums. Thank you Chums. Promise ako bahala sa mga gastusin pati sa pamasahe."

"Weh? Kaya mo?"

"Kakayanin ko para sa'yo."

"Hah? Ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Hah? Ahhh... Ang sabi ko. Kayang-kaya. Ako pa. Ano nga ba ang narinig mong sinabi ko kanina?"

"Kasi ang sabi mo kanina.. Ay. Nevermind nalang."

"haha. Sige papunta na ako diyan. Teka saan ka ba ngayon?"

"Nasa bahay ako ngayon."

"Sige sige papunta na ako diyan. Magbihis ka na ha? See you Chums. hehe"

Binaba niya? Wow! Di talaga siya nagmamadali. Hindi talaga. Ang saya- saya pa ng boses niya. Ano bang nangyayari kay Nathan?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: to be continued. Please keep in touch guys :)

She Stole It AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon