*Chapter 11
-The Revelation of an Unknown Feeling
~~~Claire's POV~~~
Hmmm.... Tapos na ako mamili ng pagkain. Pagbalik ko sa room wala si Jenny. Nasaan na kaya si Jenny? Baka sinundan ako sa canteen. Subukan ko na kayang pumunta doon.
......
---______---
Wala rin siya dito. Eto talagang si Jenny ohh!!! May mga oras talagang kay hirap niyang hanapin. Ngayon ko lang naisip, ba't naman mababagok si Travis sa armchair niya? Ano kaya nasa utak nun? Heto ka na naman Claire! Kanina si Jenny yung iniisip mo ehh ba't biglang napunta kay Travis yung usapan? Hayyy! Nakakainis naman ohh... Claire tigilan mo na nga ang mga ambisyon at kakaisip mo sa Travis na iyon. May Arrianne na siya, okay? Mabuti pa't ipagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Jen.
Ano ba 'to! At kanino naman kaya 'tong mga kamay na biglang tumakip sa aking mga mata?! Sino ba 'to?
>.<
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~Jonathan's POV~~~
Bumaba na lang rin ako. Wala naman rin akong magagawa kung mananatili pa ako doon, ang layo pa kaya nung time. Uie si Chums! Hmmm.. Ang mabuti pa sosorpresahin ko nalang siya. Teka malapitan nga.
Ahhhh... Alam ko na para mas masaya tatakpan ko nalang yung mga mata niya. Sige sige mas maganda nga yung ideya.
"Hulaan mo kung sino ako..."
"Sino ka ba talaga?! Bitawan mo na nga ako."
"Hulaan mo nga lang muna ehh..."
Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko inaasahang gagawin niya yun. Ang mas hindi ko inasahan yung naramdaman ko sa ginawa niya. Parang may shock ng electricity kaya nabitawan ko siya.
"Nathan huli ka!"
Sigaw niya pero hindi ko magawang umimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang may sinasabi siyang di ko magawang maintindihan. Ang ganda niyang tingnan na nakangiti. Pero bakit kaya biglang naghina ang mga kamay ko at paranng dinaluyan bigla ng kuryente? Teka?! Di kaya may powers si Claire?!
O_O
Waaahhh!!!! Superhero siguro si Chums.
Hay Jonathan. Ikaw talaga, puro nalang mga kalokohan ang nasa isip mo. Subukan mo kaya magpakatino paminsan minsan. Ay oo nga pala! Nasa harapan ko pa si Chums.
"Yow Chums. Alis muna ako ha? Bye!!!"
"Pero kadadating palang ahh.."
"Sige Chums... Bye!!!"
"Nath-"
Agad-agad akong lumakad papalayo sa kanya. Ba't ba ako lumayo? Jonathan, Jonathan, Jonathan ano nga ba ang nangyayari sa iyo? Ba't ang weird weird mo ngayon? Ano nga bang nakain ko? hmmm.... Let me check...
For breakfast: Chicken sandwich, cereals and milk.
Snacks..hmmm.. Teka wala pa pala akong snacks na nakain! Malamang gutom na ako kaya kakaiba ang kilos ko ngayon.hehe. Wag ka nang mag-alala tiyan ko, bubusugin kita ngayon.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~Travis' POV~~~
Ewan ko ba kung bakit ko pa sinundan si Claire dito sa baba. Tila ba may malakas na pwersa na tumutulak sa akin na gawin ito. Naku naman! Kapag nakita ako ni Claire dito tiyak magtataka siya. Kailangan ko maging mailap. Hindi niya ako dapat makita. Teka si Claire yun ahh... Pero sino yung tao na kasama niya? Umabante ako bigla. Teka mabibisto ako nito! Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Wow! Ngayon ko lang napansin na tinatakpan ng taong iyon ang mga mata ni Claire.
"Jonathan?"
Siya yung taong iyon. Matagal na ako naghihinala sa kanya ahhhh.. May gusto ba siya kay Claire. Nakakapagtaka na kasi yung kinikilos niya. Teka paparating na si Jonathan dito.
"Oh Travs. Nandito ka pala. Kanina ka pa?"
Hindi niya dapat malaman na kanina pa ako dito. Baka isipin pa niyang sinusundan ko si Claire. Nahhh.
"Hindi naman masyado Jon. Nagpapahangin lang naman ako dito. Saan ka ba galing?"
"Doon lang sa tabi- tabi. Ang mabuti pa bro ay samahan na kita."
"Hah?! Ahh wag na bro. Aalis na rin naman ako ehh. Sige mauna na ako."
Wew! Muntikan na niya ako mahuli nun. May gusto kaya talaga siya kay Claire? Ba't hindi ko nalang siya tinanong? Pero ang awkward rin naman kung tatanungin ko siya. Hindi naman namin ugali mga lalaki na magtanong tungkol sa buhay ng iba. Kadalasan hinihintay lang namin na magsalita o magkwento ang isa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~Claire's POV~~~
Ang gulo-gulo naman ni Nathan. Grabe ang iba niyang kumilos ngayon. Kanina lang ay nagkita kami sa 2nd floor ng building na ito tapos ngayon dito sa baba kung makarect naman parang isang dekada kaming hindi nagkita. May patakip takip pa ng mata na nalalaman pero bigla naman lilisan. Saan naman kaya siya pupunta ngayon. Tinitingnan ko lang siya habang lumalakad siya papalayo. Teka may nakatingin sa amin ahh... Si Travis ba yun? Ay baka hindi dahil sa paglingon ko ulit tanging si Nathan ang nakita ko. Nagmamalik-mata lang siguro ako. Mas mabuti pa sigurong magpatuloy na ako sa paghahanap kay Jenny.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~Jenny's POV~~~
Hmmm... Confirmed may gusto talaga si Jonathan kay Claire. At sino namang mag-aakala na mahuhuli ko si Travis na nakasubaybay kina Claire. Hahaha. Ganda talaga ng pwesto ko dito, kitang-kita ko lahat ng pangyayari. Huli ka ngayon Jonathan Cruz. Hahaha <insert evil laugh>. Teka biglang nawala si Claire. Nandoon lang siya kanina ahh... Nasan na si Claire-
"A--BOOO!!! hahaha."
"Waahh Claire! Kaw pala yan. Ginulat mo naman ako."
"Sino bang hinahanap mo diyan? Nandiyan ba si James? hmm.. Tingnan ko nga.."
"Anong James?!"
"Hala! Nandoon pala si James ohh... Nagmamasid ka sa kanya no? Huwag mong sabihin-"
"Hoy! Chamber Claire Mendez! Kung ano man ang tumatakbon diyan sa isipan mo ay huwag mo nang ituloy. Hindi ko gusto si James at nagkakamali ka. Hindi ko siya pinagmamasdan."
Etong batang 'to. Kung anu-ano ang pinagsasabi. Pagbintangan pa naman akong nagstastalk kay James! Kung alam niya lang na siya yung tinitingnan ko kanina pa.
"Ows?"
"Wala nga sabi ehhh..."
"Okaaay....Sabi mo ehh... Pero saan ka ba nanggaling at kanina pa kita hinahanap?"
"Nandito lang ako kanina pa. Ikaw yung matagal."
"Hindi ako matagal no! Kung alam mo lang... Sinuyod ko kaya ang buong campus mahanap ka lang."
"Hahaha. Ibig sabihin nun magaling ako magtago. hahaha"
"Ahhh ganun so pinagtataguan mo pala ako."
"Of course. Ang saya nga ehh.hahaha. So saan tayo ngayon? How about sa paborito nating tambayan? "
"Sige ba. Tara."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(A/N: To be continued. Hope you like it. ^^)
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
RomansHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...