*Chapter 25
- We're Getting Better
~~~~Claire's POV~~~~
Graduation is fast approaching. Lahat abala na.
Ako?
Ewan. Hindi ko alam.
Nakakapanibago simula nung umalis si Nathan. Isang buwan na magmula nun but still pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Ginawa na nila Jenny at Clark ang lahat upang pasayahin ako ngunit talagang may kulang pa eh. Nakakalungkot nga mag-isa. Siguro masyado ko lang namimiss si Nathan.
"Hay Claire! Ba't ba kasi gumawa ka pa talaga ng bookmark Nathan! Iniwan mo pa sa akin. Nakakainis ka talaga. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Hay! Ba't ba kasi hindi ko pa siya magawang itext. Ano ba naman ang magagawa ko? Mahal ang international text and call. Nathan kailan ka ba magpaparamam?!"
Baliw na ata ako. Nakikipag-usap sa sarili ko. Che! Kasi eto si Nathan na 'to. Pero in fairness ang ganda ng bookmark na gawa niya.
Mabuti pang maghanap na akong ibang magagawa. Wala kaming pasok ngayon ngunit nandito kami sa school kaya nakatunganga lang ako kasama ang bookmark na ito. Kinakausap ko pa ang sarili ko. tsk. Baliw na talaga siguro ako.
"Hey. Claire can I join you?"
Sabi ni Travis na kararating lang. Ano kaya ang nakain ng taong ito at kinausap niya na ako?
Sinula kasi nung umalis si Nathan ay hindi na niya ako pinansin. Iniiwasan niya pa nga ako. Baka tuluyan na ngang nakamove-on sa akin. haha. Hindi nga ako malulungkot kung ganun. Mas maganda ngang ganun, pakiramdam ko na malaya na ako. May tampo siguro pero maliit lang. Eh kasi lahat ay froendly sa akin but he seem so very distant. I tried to talk to him and his friends pero deadma lang siya. Nakakainis na nga.
Hindi ko siya pinansin. Umupo siya sa tabi ko.
"Di ba 'yan yung bigay ni Jon sa'yo sa airport? Bookmark. Bookmark pala yun. Ang ganda. It must be very special."
Indeed, it is. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakakainis nga siya. At hindi pa nga siya tapos sa pagsasalita.
"Miss mo na siya no? Pareha pala tayo."
Manigas ka Travis John Perez. Hindi pa rin ako magsasalita.
"Alam ko galit ka sa akin. Sorry for a month of avoidance. I'm sorry for ignoring you."
"Ah. Yun? Okay lang. OKAY na OKAY lang talaga. Sanay na naman akong hindi pinapansin ng kausap ko. No worries. Okay lang talaga hindi naman mas bumigat ang pakiramdam ko. Okay na okay lang talaga. I don't force my way into someone's life."
"Claire I'm very sorry. Hindi ko na talaga uulitin. To be honest nga, may dahilan ako kung bakit ako lumayo. Una, nalungkot rin ako sa pag-alis ni Jon. Pangalawa, sa pag-alis niya mas nakita ko kung gaano mo siya pinapahalagahan. Tapos—"
"Wait! Eh ano naman if I care for him?"
"Wait rin. Patapusin mo muna ako. That moment I seeked for my personal time and space. Pero narealize ko na mali pala. Maling nagpadala ako sa emosyon ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa. Naiinis ako dahil mas malapit ka sa kanya. Naiinis ako dahil hindi ko magawang maging siya. Naiinis ako dahil mas gusto mo siyang kasama. Naiinis ako sa tuwing napapangiti ka niya. Nakakainis na ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil kahit nadun na siya sa Paris, siya pa rin ang tumatakbo sa isip mo. At ang pinakanakakainis sa lahat ay nagseselos ako."
"Ano?! Nagseselos ka?"
"Ha? Eh kasi— teka nasabi ko yun? Naku naman! Travis ang tanga-tanga mo. Sorry Claire may gagawin pa pala ako. Alis muna ako ha? Hindi na ulit ako mangangambala sa'yo."
"Wait! So magwawalk out ka na naman? Kung ano ang pinagsasabi mo sa akin pagkatapos iiwan mo ako. Ano yun joke?"
"Claire how I wish it was all a joke. Sana biro lang ito para kung maulit man ay hindi na pareho ang epekto."
Wala akong masabi. Grabe naman ang hugot ng taong ito. Ano ba ang pinagsasabi ng taong ito? Akala ko wala na yung feelings niya. Eh bakit niya sinasabi 'to? Dapat ko bang sabihin sa kanya na mukhang nagugustuhan ko na rin siya? Para saan pa? Para maging kaibigan kami, tapos magiging kami at happy ending? Life doesn't work that way. Silence is the best way to deal with this moment.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
~~~~Travis' POV~~~~
Wala siyang sinabi. Now here we go again. Nabigla ko kaya siya? Baka galit siya sa akin. Anong bang ibig sabihin ng kanyang pananahimik?
"I'm sorry Claire for saying those things. Let's just forget about it."
"Yah. Let's forget about it. It's better that way."
Wow! Ganun lang? Kunsabagay, ako naman ang nagbigay ng ideya. So ano na?
Ang sakit din naman. Ningitian ko nalang siya. Wala na siguro talaga akong chance.
"We could forget about it and start over by being friends, right?" sabi pa niya.
Tama ba ang narinig ko? As friends? Good friends? Mas mabuti nalang sigurong ganun. Who knows at chance na ito? Maybe through this we could turn out to be something better.
"Travis?"
"Of course. Yes. We could be friends. Good friends."
And everything started from that moment on. Habang papalapit na ang closing ng school year namin ay mas naging malapit kami sa isa't-isa. Marami ngang nagtatanong kung kami na ba pero hindi eh. Ngunit hindi pa rin ako tumitigil sa pag-asa na dumating ang araw na 'yon. Unti-unting nawala yung awkwardness sa amin. Mas nakilala ko na si Claire. We're really getting better than before.
A/N: To be continued.
BINABASA MO ANG
She Stole It Again
Roman d'amourHe had outgrown his simple admiration for a girl in the same class named Claire. But as his feelings for her deepen, Travis also finds it hard to confess. With their Senior school year nearly ending and with people around prying with their unfinish...