15

1K 17 2
                                    

Chapter 15 -Valerious development?

••••

Habang naglilinis ako sa loob ay panaka naka ko ring tinitingnan si Valerious sa harap ng puntod ni Sunshine. Hindi ito nagsasalita man lang at tinitigan lamang ang picture frame habang nakapamulsa. He is not even smoking na laging ginagawa niya.

Natapos ako sa aking paglilinis at napansin rin na madilim na sa labas. Ilang oras rin nakatayo si Valerious at ngayon lang siya gumalaw. Hinintay ko lamang siya sa gilid hanggang sa makarating na siya sa aking kinatatayuan.

Napatingala ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon at natatakot rin ako sa susunod niyang gagawin.

" What do you want to eat?" parang nabingi ako sa sinabi niya at napanganga na lamang.

" A-ano?"

" Tsk. Let's go" naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ngayon ni Valerious. Ngayon ko lang siya narinig na magtanong ng ganun sa akin. Anong nangyayare? Nanaginip ba ako?

Wala kaming imik hanggang sa makauwi kami ng bahay. I unhook the seatbelt pero hindi man lang iyon nabuksan. Nagsalubong na aking kilay habang kinukuha ang seatbelt nang ibang kamay ang nagbukas niyon.

Nagulat ako ng bahagya nang masyadong nalapit ang mga mukha namin.

"Ang tagal mo." cold niyang sambit habang tinatanggal ang seatbelt at hindi ko maiwasang maamoy ang mabango niyang bibig. Noon lagi kong naamoy ang amoy ng sigarilyo sa bibig niya pero amoy mentol na ngayon.

Sinalubong kami ng mga tauhan niya nang makalabas kami ng kotse. Napansin kong pinalapit niya ang mga katulong at may sinabing hindi ko narinig bago sila dumiretso sa kusina.

Liningon rin ako ni Valerious kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Get down here after 30 minutes. " Hindi na niya ako hinintay na sumagot at dumiretso sa taas.

Kumulo ang tiyan ko nang makarating ako sa kusina. Napakabango kasi ng amoy at hindi ko maiwasang maglaway. Ano kaya niluluto nila ngayon?

Nang makapasok ako ay wala man lang katao tao sa kusina pero nakahain naman ang mga pagkain sa lamesa. Gusto kong lantakin at mag enjoy sa pagkain kaso baka kay Valerious to lahat.

Kahit gutom na ay napagpasyahan ko na lamang na magluto ng kakainin ko.

" what are you doing?" liningon ko ang pamilyar na boses sa aking likod. I saw Valerious looking at me habang kinukuha ko ang itlog sa refrigerator. Napagpasayahan ko kasing mag fried egg na lang.

" Um, ano kasi magluluto"

" Why? "

" Dahil gutom ako?"

" Tsk. Put that thing and eat here. I never told you to cook" binalik ko nalang rin ang itlog sa loob ng refrigerator at tahimik na umupo sa upuan.

Tiningnan ko lang rin kung ano ang magiging reaksiyon ni Valerious pero wala man lang siyang pakialam kaya nagsimula akong kumain hanggang sa mabusog na ako.

"Sleep in my bed tonight " nabuga ko ang aking iniinom na tubig nang marinig iyon. Huwag niyang sabihing gagalawin na niya ulit ako? Bumundol ang kaba sa aking dibdib.

"The f*ck?" Napatingin ako sa sinabi niya at nagulantang nang nabasa pala siya nang mabuga ko yung tubig. Mabilis kong hinubad ang suot kong cardigan at lumapit sa paruruonan niya.

I started to wipe the water on his face hanggang sa wala na itong basa kaso napatigil ako sa posesyon naming dalawa.

Nakaupo pala ako sa hita niya at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking baywang na parang niyakap niya ako para hindi mahulog. Hindi rin siya uniimik at tumingin lamang sa akin.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumayo sa kaniya. I feel my cheek burned in embarrassment. Gusto kong sampalin ang sarili sa ginawa ko.

" S-sorry" Umiwas ito ng tingin at tumalikod kaagad.

" Make sure that you're there before I arrive" iyun ang kaniyang huling sinabi bago ako iwan na nakatulala sa loob ng kusina.

Hindi ko napansing nakatulog pala ako sa loob ng kwarto ni Valerious. Dahil rin siguro sa kakahintay na pumasok siya. Nang maimulat ko ang aking mata ay walang Valerious na dumating na kinahinga ko ng malalim. Akala ko talaga at gagapangin niya ulit ako.

Narinig kong umaandar ang shower sa banyo. Si Valerious na siguro iyun. Ipinikit ko ulit ang aking mata at pinilit na matulog pero hanggang sa alam kong nasa paligid lamang si Valerious, hindi ako mapapanatag.

Natuod ako nang marinig ang pintuan ng banyo. Sumilip ako at nakitang lumabas roon si Valerious na nagpupunas ng kaniyang buhok. Uminit bigla ang aking pakiramdam nang mapasidaan ko ang aking tingin sa basa nitong katawan.

Mabilis akong napapikit nang huminto siya sa aking harapan.

" I know you're awake" Manghuhula na pala siya.

Hindi parin ako nagmumulat at pasimpleng kumikilos na para talagang tulog hanggang sa napatili na lamang ako nang kinuha niya ang blanket na nakatabon sa aking katawan.

I saw him smirked which make me nervous uncontrollably.  " V-Valerious"

Akala ko ay lalapitan niya ako pero dumiretso ito sa kaniyang drawer at kumuha ng damit at mabilis iyung sinuot. Pinagmamasdan ko lang siyang nagbibihis hanggang sa bumalik siya sa higaan. Kinuha niya ang blanket at binato sa akin ng walang imik. Pinatay niya rin ang ilaw at dumiretso sa higaan at tinabihan ako.

Umusog ako ng kunti pero napansin ko ring umusog rin siya kaya umusog na naman ulit. Pero muntik na akong mahulog kung hindi niya ako hinila pabalik at niyakap ako ng napakahigpit. I gulped staring at his face. Nakayakap siya sa akin habang nakapikit at hindi ko maiwasang tingnan ang itsura niya.

"Are you going to stare at me until morning?" iminulat nya kaniyang mata at tiningnan ako. Napalunok ako sa tingin niya, nababaguhan rin ako dahil lumambot ang tingin niya sa akin na parang nag iba siya bigla.

Iniwas ko ang aking tingin nang dumapo ang kaniyang mata sa aking bibig. "H-hindi ako kumportable, Valerious"

Pagkatapos ko yung sabihin, agad niya akong binuhat hanggang sa nakapatong na ako sa ibabaw niya. Hindi ko maiwasang mamula nang makita ang posisyon namin.

He even put my head sa dibdib niya at mabilis akong yinakap. Hindi ba siya nabibigatan sa akin?

Gusto niya lang bang ganito ako hanggang umaga? Hindi ba siya mangangalalay?

" V- valer- "

" Shut up and sleep or do you want me to fu*-"

" Oo na, tutulog na po" putol ko dahil baka saan pa to tutungo.

Hinayaan ko ang aking katawan na maging comfortable sa ibabaw niya kahit alam kong awkward pero gusto niya to kaya wala na akong magagawa.

Hanggang sa napansin ko na ang kaniyang malalim na paghinga at doon rin ako nakaramdam ng antok at hinayaan ang aking pandinig na marinig ang mabilis na tibok ng puso ni Valerious.

TO BE CONTINUED. . . . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon