28

793 13 1
                                    

Chapter 28 -TRAITOR?

" G-galzon? I-ikaw ba ang nag-utos sa kapatid kong gahasain si Sunshine?" nakakagimbal gimbal na tanong ni hikari sa masalimuot na lalaking iyon.

Hindi ito agad nakaimik at ininom lamang ang alak na kanina niya pa hawak. " I thought you're stupid. Alam mo na pala. Sinabi ba ng pinaka mamahal mong kapatid? Akala ko ba ay kinasusuklaman ka ng mga magulang mo?" Bakit nila alam ang relasyon niya noon sa pamilya niya? Anong nangyayari?

" H-hindi ang kapatid ko ang nagsabi sa akin. Paano mo nalaman iyan?"

" Let's say, Kilalang kilala ko ang mga magulang mo. Gusto mo bang malaman iyun?" Hindi siya makasagot at tila may bumara na kung ano sa lalamunan niya para hindi magsalita. Gusto niyang malaman pero natatakot rin siya.

" Pero malalaman mo lang iyun kapag makipagtulungan ka sa akin. Tachibana. So ano, take it or leave it?"

" Mysterious eh?" Na alerto sila sa boses ng kung sino kaya napatayo sila at mabilis na kinuha ang mga baril. Tila nagulat rin si Hilari dahil kilalang kilala niya ang boses na iyun. Parang may sumaya sa kaniyang dibdib.

" Sino 'yan?" Halos lahat sila ay hindi nakakilos at inilibot lamang ang mata sa paligid. Hindi nila mawari kung saan iyun nanggagaling. Inihanda na rin nila ang kanilang mga baril para ipaputok sa kung sinong magtangkang lumapit.

Kumilos ng bahagya ang pinto at nang magbukas iyun ay kitang kita nila ang lalaking naka suit pa na tila galing pa lang sa opisina at may mga kasama rin itong mga lalaki at pati na rin ang isang abogadong humawak sa kaso ni Hikari.

" Y-you!" nasindak sila nang sumigaw si Dion at tinuro ang lalaki. Tinitigan lang ito ni Valerious at nang mapatingin ito sa dalaga ay lumambot ito ng kusa. Tila nabuhayan siya ng loob nang makita ang babaeng nakatayo at walang nangyaring masama rito.

Hindi makapagsalita si Hikari. Kanina pa siya nagugulat sa nangyari at hindi niya inaasahang magpapakita ang lalaki sa harap niya. Akala niya ay hindi na niya ito makikita pang muli.

Napa atras ang mga tauhan ni Dion nang magsimulang humakbang si Valerious papalapit sa kanila at tinutok ng maigi ang kanilang mga baril sa direksiyon nito. Hindi man lang ito natinag at nilapitan parin ang dalagang kanina pa natuod sa nagyayari.

" Are you alright ?" napakurap si Hikari sa unang sinabi nito. Hindi niya inaasahang nilapitan lang siya ng lalaki para tanungin siya kahit na ilang minuto ngayon ay baka makatanggap ng mga bala ang lalaki dahil sa kapangahasan nitong lumapit sa kaniya.

" Oh, sinusundo mo na pala yung parausan mo." Insultong turan ni Dion kaya mabilis na napatingin si Valerious sa lalaking noon pa may inggit sa kaniya at rason kung bakit namatay ang kaniyang nag iisang kapatid.

Nainsulto rin si Hikari pero hindi man lang siya umimik.

" Till now, you're still jealous of me. What a pity bastard." Mapanuyang sambit ni Valerious. Parang sasabog na sa galit si Dion nang marinig iyun at tinulak na lamang si Cheska nang akma siya nitong hahawakan.

" You piece of sh*t! Hindi tayo magiging ganito kung binigay mo lang ang gusto ko!"  Asik nito.

" Why would I? You're not even my relatives. You're just a pest in my family who trying to steal that are not even yours"

" I'm still part of it! Inampon ako ng ama mo at may karapatan parin ako sa kayamanan na natatamasa mo ngayon! Ako ang naghirap na ipatayo ang kompaniya noon pero ikaw lang ang makikinabang?! F**k you, Salvatore!"

"Kaya ba plinano mong pinagahasa ang kapatid ko na naging mabuti sa'yo dahil sa kasakiman mo?!" hilaw na napatawa si Dion sa narinig.

" So you heard us? Hindi ka man lang nagdududa at pinaratang mo pa sa walang kamuwang muwang na pamilya. Too harsh? No, kulang pa 'yan.."

Napakuyom ng kamao si Valerious kaya wala sa sariling  hinawakan  ni Hikari ang kamay nito. Alam niya kasing manipis lang ang pasensiya ng binata. Napatigil si Valerious at napatingin sa kamay ng dalaga. Nahiya si Hikari sa ginawa niya kaya akma na sana niyang kukunin nang hinigpitan ito ng lalaki para magkahawak parin sila ng kamay. Marahan din nitong dinaos dos ang kamay nito at pinisil pisil.

" Yes, and I know what I did was wrong at pagsisihin ko yun hanggang sa mamatay ako."

Sumeryoso ang mukha ni Dion. Nagulat rin siya dahil hindi niya inaasahang naging malambot ang lalaking kay tigas pa sa metal ang damdamin. Napadako ang kaniyang tingin sa mga kamay nilang magkahawak kaya hindi niya maiwasang humalakhak. Hindi niya akalaing magiging malambot si Valerious sa babaeng siya mismo ang dahilan kung bakit nagdudusa ito ngayon.

" I can't believe this shit! You became like that because of the woman? You just killed her family for pete's sake at ngayon magiging malambot ka sa kaniya?!
HA HA HA HA! This is so funny! At ikaw naman Tachibana, kahit pinapahirapan ka na ng lalaking yan.. May oras ka paring maglandi?! Anong utak yan?! Kahibangan!"

Napapikit si Hikari sa narinig. Alam naman niya iyun at araw araw niya iyong tinatatak sa kaniyang kukute pero kahit siya ang humawak ng puso at isipan niya, hindi niya naman na kokontrol ang damdamin niya.

" It's none of your business. Dion. To think na ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nagiging miserable ang lahat, kulang pa ang kamatayan na matatanggap mo!" Kanina pa pinipigilan na putukan si Dion ng baril pero tinuring niya parin itong kapatid kahit na puro inggit ang nasa utak nito. Pero hindi parin mawala wala ang totoo na ito talaga ang gumabay sa kaniyang kapatid na mamatay.

Kahit siya ay inaasam na magbabago ito kaya noong sinabi ni Dion na ang pamilyang Tachibana ang pumatay sa kaniyang kapatid, naniwala agad siya dahil akala niya ay nagbago na ito pero hindi parin. Hinayaan niya lang itong paglaruan siya.

" Oy, oy. I did not even do anything! Hindi ako ang gumahasa sa kapatid mo. Of course, Nandoon ako pero hindi ako ang gumawa kaya wala kang katibayan na ako ang sumira sa buhay mo Valerious. "

Hindi na napigilan ni Valerious ang sarili at mabilis kinuha ang baril at tinutok sa lalaki. Punong puno na siya, hindi niya ina akalang uuwi rin pala sa patayan silang dalawa.

" You bastard. I will f**king kill you!" Sigaw niya at akmang pupukan na sana nito ang lalaki nang napatigil siya dahil may sakit siyang nararamdaman sa bandang tagiliran kung saan nakapwesto si Hikari.

Lumingon siya sa direksiyon ng dalaga na ngayon ay hawak hawak ang isang patalim na hindi niya alam kung saan ito pinulot. Maliit lamang ang patalim na iyun pero  ang sakit sa kaniyang damdamin ang sagad na sagad. Alam niyang gagawin rin ng babaeng pagtaksilan siya pero hindi niya inaasahang tatraydurin siya nito mismo ngayon kung saan ay binigay niya na ang tiwala sa babae.

Nangingig na nabitawan ni Hikari ang patalim at na alerto naman ang mga kasama ni Valerious sa nangyari habang si Dion ay nagulat rin pero napangisi kinalaunan.

" Good job, Hikari. Ngayon, ano ang pakiramdam na mapagtaklisan?!"






TO BE CONTINUED. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon