36

961 13 2
                                    

Chapter 36 - HE IS BACK FOR HER

____________

Time- skipped.
( Three years had passed )

Isang tunog ng telepeno ang nagpabalik sa huwisyo ni Hikari Tachibana sa loob ng kaniyang opisina. Kasabay din niyon ay ang pagbukas ng pintuan at lumabas roon si Cheska, bitbit ang isang taong gulang na bata.

Napansin ni Cheska na kanina pa tumutunog ang telepono ngunit hindi man lang ito ginalaw ng babae at hinayaan lamang itong tumunog.

"Wala ka bang balak sagutin iyan?" tanong ni Cheska habang nilalaro ang bata sa kaniyang hita.

"Si Inspector Sebastian na naman yan no?" Halata sa boses nito na tinutukso siya ng kaibigan.

"No, one of my rejected investor"

"May nireject ka uli? Bakit ba parang nawala na yung Hikari na mas malambot pa sa mamon ang puso? Nagiging matigas kana ah? Epekto ba to dahil hindi nagpakita si V-" Dahil sa inis ni Hikari ay mabilis niyang sinagot ang Telepono.

"What? I told you that I won't accept any trash project you offer!" Inis na singhal nito sa kabilang linya. Kanina pa hindi maganda ang mood niya.

Pagkatapos niyang marinig na matagal na palang nakalaya si Valerious sa kulungan at isang taon na rin ang lumilipas ay parang mas nasaktan siya. Akala niya ay magpapakita ito pagkatapos nitong makalaya pero hindi na ito nagpaparamdaman.

Tiniis niya ang dalawang taong iyun ng hindi nakikita ang binata dahil iyon ang pangako niya rito pero pinagsisihan niya na iyun dahil lumipas na lamang ang tatlong taon ay hindi niya parin ito mahanap. Kahit si Samm ay hindi alam kung saan ito nagtungo at ang bahay noon ni Valerious ay narinig niyang may nag mamay-ari ng iba.

Para siyang binagsakan ng langit nang maalaman lahat ng iyun. Hindi niya maiwasang isipin na baka ay nagmahal na ito ng iba at nagpakasal na ito sa ibang babae. Kinaya niyang mag- isa ng wala ang lalaki sa tabi niya dahil inihanda niya lamang ang kaniyang sarili upang mahalin muli ang lalaki kahit hindi naman talaga nawala ang pagmamahal niya rito.

Walang sumagot sa kabilang linya na mas kinainis niya lalo.

"If you won't answer, I will end it. You're just wasting my time"  ibababa na dapat nito ang telepono nang may tumawa sa kabilang linya. Tila isang musika iyun sa kaniyang pandinig at habang nakikinig siya rito ay parang may bumalik sa kaniyang ala-ala.

"My kind cat is now being feisty. Huh?" biglang bumilis ang kaniyang puso nang marinig ang boses na matagal na niyang gustong marinig. How she missed that low voice from the man he longing for.

Gusto niyang makita ito ora-mismo ngunit pinigilan niya lamang ang kaniyang sarili.

"Aren't you aware? The cat you knew is already a tiger. For that fucking years that her owner left her, what do you think will happen?"

"Oh, you even curse now. That's quite amusing and I like it." Hindi alam ni Hikari kung kailan pa siya nagiging ganito pero binago niya ang kaniyang sarili dahil kapag magiging mabuti na lamang siya hanggang sa mamatay siya, may mawawala na naman. Kailangan niyang tatagan ang kaniyang sarili upang hindi siya kawawaan ng lahat lalo na sa mga tao sa loob ng kaniyang kompaniya.

Nilubos ng mga tao ang kaniyang pagiging mabuti kaya ilang beses na siyang ninakawan ng mga sariling empleyado at dahil sa tulong ni Inspector Sebastian at Cheska ay natuto siyang protektahan ang kaniyang sarili at dahil roon ay pinigilan niya ang kaniyang ugaling huwag maging mabait oras-oras. Hindi niya lang akalain na binago siya ng mga tao sa paligid niya at dahil sa mga karanasan niya sa buhay.

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon