7

1.2K 25 2
                                    

Chapter 7 - Kakampi?

                          * * *

"Anong ginagawa mo diyan?" nagulat ako at nagitla nang marinig ang boses ng lalaki. Naglakad palayo sa akin si Cheska at bumalik kung saan siya nakaupo kanina. Nagkukunwari rin akong nagpupunas ng pader at buti na lang ay may dala akong pamunas.

"A-ah, kasi tapos na ako sa loob kaya nilinis ko rin dito hehe." pilit kong ngiti habang nagpupunas. Tiningnan mo na ako ng lalaki ng may pagdududa bago tumalikod sa akin at umupo sa bakanteng upuan. Nahagip ko rin na nilagay nito ang mga susi sa ibabaw ng lamesa na kinalunok ko ng laway. Iyun na siguro yung susi sa selda ni Cheska.

Nang makatapos na akong maglinis, ay tulog rin naman yung lalaki kaya nagkukunwari akong may kinukuha sa cabinet na katabi lamang ng lamesa at ingat na kinuha ang susi roon.

"Kung ako sa'yo, hindi ko gagawin 'yan" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makarinig ako ng boses sa bukana ng pinto. Buti na lamang ay hindi ko agad ito nakuha kasi baka mahulog ko pa ito at magising ang lalaki.

Takot ko itong tiningnan nang nakatingin rin ito sa akin. Rinig na rinig ko rin ang kabog ng tibok ng puso ko na parang lalabas na ito anytime.

Hindi na ako umimik at pinigilan ang sariling marinig. Bumuntung hininga ito at papalapit sa kinaruruunan ko. Napapikit ako ng lubusan dahil akala ko ay sasaktan niya ako kaso ay hinila niya lamang ako ng marahan at pinalayo roon.

"Ginagalit mo lang si  Valerious ng husto, huwag mo ng pakialaman ang ang ginagawa niya. Mas pagtuonan mo ng pansin kung paano ka makakalabas rito ng hindi sinunsundan ni Valerious." nabigla ako sa sinabi nito na parang alam na alam niya ang pinagdadaanan ko. Hindi ako makakilos at tumayo lang roon.

" Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. Kainin mo yun." Hindi ko alam kung bakit hindi ako sinasaktan ng lalaking ito at kaduda duda rin ang mga sinasabi nito. Masyado siyang mabait sa akin lalo na at alam kong tauhan rin siya ni Valerious.

Nakarinig na naman kami ng iilang yapak kaya napatingin kami sa bukana ng pintuan. Ilang mga lalaki ang dumadating at para itong may hinahanap. Nang dumako ang ang mata nito sa lalaking natutulog ay binatukan niya ito kaya nahulog ito sa upuan.

"Put*! Sino yun?!" galit nitong sigaw.

"Hoy! Kanina ka pa hinahanap ni Boss. Dalian mo at umakyat ka na." nang marinig iyun ng lalaki ay mabilis nitong kinuha ang damit dahil nakahubad kasi itong natutulog kanina pero ang napansin ko ay hindi nito nadala ang susi.

Lumingon ako sa lalaking katabi ko na parang wala namang napapansin kaya inalis ko ang tingin sa susi at humakbang paatras.

"Ikaw rin Delos reyes. May ipapagawa si boss sa'yo kaya kailangan ka rin doon." Hindi na ito tumingin sa akin at dire diretsong lumabas ng basement na kina buntung hininga ko lang. Ayoko rin siyang kausap kaya mas mabuti ng ganito.

"Ako na bahala dito habang wala kayo." malumanay na sagot ng isang lalaking kalbo at dumiretso sa couch at binuksan ang television. Nag uusap silang parang wala ako sa paligid kaya mabuti na rin iyun.

Hindi man lang lumingon ang lalaki kung saan ako at timing pang nakatalikod ito sa akin. Sinilip ko ito dahil parang napakatahimik na masyado ng lalaki at nakita ko nalang itong humihilik.

Walang pasabi sabing kinuha ko ang susi sa mesa at dahan dahan lumapit sa selda. Nanginginig kong sinusubukan isa isa ang mga susi hanggang sa nabuksan na iyun ng tuluyan.

Nakatulog si Cheska ay ginising ko ito at pinatayo agad.

"C-cheska, umalis kana rito." saad ko rito.  "Ihahatid kita hanggang sa labas ng basement kaya please huwag kang magpapadakip ulit."  Mahina kong saad na kinatango nila lang.

Sabay kaming lumabas ng basement habang inaalayan ko siya dahil narin sa mga sugat sa katawan niya kaya hindi ito makalakad ng maayos.

Nang makarating kami sa labas ay gabi na pala kaya walang sabi sabing pinati una ko si Cheska na lumayo agad.

" Alis ka na Cheska." maluha luha niya akong tiningnan.

" Paano ka? Tumakas tayo Hikari. Pwede ka naman doon sa amin." nagpapasalamat ako sa offer niya pero kapag kaming dalawa ang tatakas ay may posibilidad na maabutan kami ni Valerious.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya ng marahan.

"Okay lang ako Cheska. Bumalik ka sa inyo at hinihintay ka na ng pamilya mo. Dali na!" kahit maluluha ay tumakbo ito palayo sa akin at nabunutan naman ako ng tinik nang makita kong malayo layo na rin ang pagtakbo nito hanggang sa lumusot ito sa makipot na daan.

Babalik na sana ako sa basement nang nagtatakbong papalapit sa akin ang lalaking kalbo. Marahil ay alam na nito na nawawala si Cheska. Galit itong nakatingin sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking papulsuhan.

" Nasaan si Cheska?! Bwesit kang babae ka! Pakielamero ka!" sasampalin niya sana ako nang dumating si Valerious na halatang badmood at nakatingin sa amin.

" B-boss!" nangunot ang noo sa nasaksihan.

" What the hell are you doing. Anton?! Bakit nasa labas ang babaeng 'yan?!"  galit nitong sigaw na kinayuko ko lang.

" B- boss, pinatakas niya si Cheska!" sumbong nito na kinagalit ng sobra ni Valerious at inis na tinapakan ang sigarilyo. Nanlalaki ang mga mata ko nang kinuha nito ang baril sa gilid niya at pinaputukan ang lalaking kalbo sa paa nito na kinadaing lamang ng lalaki.  Napatili rin ako sa ginawa niya.

"You f**ker! Hindi iyun makakatakas kung hindi ka pabaya! You're useless piece of sh*t!" paputukan niya sana iyun nang sumabat ang lalaking kumausap sa akin.

"It's my fault sir Salvatore, I will make sure na madadakip ko si Cheska at ibalik rito." saad nito. Napalingon naman si Valerious sa direksyon ng lalaki at tiningnan ito ng maigi.

"No need for her to put back here. Kill her, Delos reyes and make sure that her body will not seen anymore. You got that?" yumuko ito at umalis na ng tuluyan habang ako ay nanginginig na naman sa takot dahil alam kong sasaktan na ulit ako ni Valerious.

Nanggagalaiti itong nakatitig sa akin at mabilis akong hinablot sa braso habang kinaladlad sa loob ng bahay.

"You stupid woman! A filthy slut! Gusto mo talagang padaliin ang buhay mo!"

Kinaladkad niya ako ng malakas na tinulak sa sahig ng kwarto niya. Natakot ako nang makitang may kinuha siyang latigo sa ibabaw ng lamesa na ngayon ko lang napansin.

"A- anong gagawin mo?" nauutal kong tanong habang umaatras. Ngumisi to sa reaksiyon ko at lumapit pa ito ng husto.

"I really don't want to use it but you test my patience, Ms.Tachibana." Iyun ang huli niyang sinabi at nakita ko na lamang ang aking sariling nakadapa at iniinda ang sakit sa aking likod. Para akong hayop na pinapatay ng dahan dahan. At hindi pa nga ito kontento at binaboy pa ako habang iniinda ang sakit ng aking mga sugat.
Tanging hikbi na lamang ang aking nagagawa habang kinakawaan ang aking sarili.

To be continued. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon