30

839 15 2
                                    

Chapter 30 -ROOT OF REVENGE



HINDI niya inaakalang mangyayari ito sa kaniya. Akala niya ay hindi siya tatraydurin ni Cheska pero masyado siyang nagtiwala.

" Sa tingin mo bang magiging tapat ako sayo?! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Pagkatapos kong malaman na binenta mo ang mga kapatid kong babae at kalaunan ay pinatay sila ng mga putang ina mong mga kasosyo! Ginawa mo silang baboy! Putang ina ka! Ikaw rin pala ang nagpagahasa kay Sunshine! Hindi mo alam kung paano ko kinasusuklaman ang kuya ni Hinari at malapit ko pa itong mapatay nang dahil sa sinabi mo!" Hindi na nagulat si Hikari sa narinig dahil alam na alam niya iyun dahil sinabi lahat ni Cheska ang nalaman niya kay Dion.

" W- what? Akala ko ba ay kay Valerious ka galit?! " Hilong hilo man ay pinilit nitong tumayo.

" Oo galit ako kay Valerious dahil sa ginawa niya sa akin pero mas masahol naman ginawa mo sa mga kapatid ko! Okay lang na ako yung masaktan huwag lang yung mga kapatid ko! Galit ako kay Valerious pero mas kinasusuklaman kita!"

Napatingin si Dion kay Cheska pagtapos ng kay Hikari at sa huli ay kay Valerious na ngayon ay nakatitig lamang sa kaniya bago siya mapaklang tumawa. Sa huli, hindi niya pa rin pala matatagumpayan ang plano niya dahil malaki ang expectations niyang magiging tagumpay ulit kagaya noon. Akala niya ay mahahawakan niya ulit iyon pero nagkamali siya.

" This is so bullshit! I never expected this! You got me there.. Pero hindi parin mawawala ang plano kong makuha ang gusto ko! " kinuha niya ang baril sa pantalon niya at akmang itututok ito kay Cheska ay mabilis iyung sinipa ni Valerious kaya nahulog iyun sa sahig.

Nilibot niya ang kaniyang tingin sa pag aakalang may mga tauhan pa siya ngunit, ngayon lang niya napansing nakahundusay na ito sa sahig na kinataka niya dahil wala man lang itong mga sugat.

" Gulat ka? Huwag kang mag alala, hindi pa patay mga tauhan mo.. May ginawa lang ako para mapatulog sila ng mahimbing " Casual na sagot nito.

" Hindi mo kasi kinain yung binake kong cake kanina eh kaya ikaw lang yung gising. Kaya tuloy ikaw lang yung masasaktan ngayon at mas brutal pa!" dagdag pa nito.

Ang unang plano nila ay papatulugin na dapat sila Dion at tahimik lamang itong hulihin. Inaprubahan ito ng mga pulis dahil ayaw ni Hikaring dumanak na naman ng dugo ang bahay niya at kung maari ay hulihin lamang si Dion at ang mga kasama nito. Ngunit, hindi nakakain si Dion sa ginawa ni Cheska dahil hindi naman pala ito mahilig sa matatamis at yun ang kinapalpak ng plano ni Cheska.

" K-kailan pa? Kailan mo pa ako trinaydor?!"  tanong nito kay Cheska na ngayon ay kanina pang nagtitimpi na hambalusin si Dion ng bitbit niya.

" Remember when you assigned me na maging espeya sa bahay ni Valerious? Pagtapos kong malaman na namatay ang mga kapatid ko, sinabi ko iyon kay Valerious. He helped me para makuha yung katawan ng mga kapatid ko.. Wala kang sinabi pero agad ko yung nalaman sa sources ni Valerious kaya nagtagal ako sa mansiyon niya. "

" Then what about the day, he tortured you? Ano yung pagtakas mo? Kunwari lang ba yun lahat?!"

" Alam mo na ang sagot sa katanungan mo. Dion.. Kailangan ko pang kumbinsehin si Valerious na saktan ako para kapani paniwala yung acting ko. Hindi ko lang inaasahan na tutulungan ako ni Hikari. They let me escape dahil noong gabing iyun, alam ni Valerious na tatakas ako pero hinayaan niya ako at pinasunod si Matt para kapanipaniwala. Dahil alam kong may pinautos kang sundan ako, Dion. May traydor sa mga tauhan ni Valerious at pinababantayan mo ako kaya wala akong choice. "

Naiintindihan niya na.. Akala niya ay swerte lamang si Cheska dahil buhay pa itong nakatakas pero kilala niya si Valerious. Lahat ng kilos ng mga tao sa paligid nito ay mabilis lamang nitong malalaman kahit isang langgam pa yan. Wala itong pusong pumaslang sa mga taong tinuring nitong kalaban at maaga pa ay nasa kaniyang isip ng matutuklasan parin si Cheska pero nagulat na lamang siya nang nagtagal si Cheska ng dalawang taon ng hindi natutuklasan. Dahil sa ugali palang ni Valerious, baka isang linggo lang ay mahahanap na nito ang traydor.

Ang mali lang ay hindi alam ni Valerious kung sino talaga ang pumatay kay Sunshine dahil kahit siya ay hindi niya alam. Pinagahasa niya lang ang kapatid ni Hikari pero wala siyang planong ipapatay ito. Gusto niya lang ipagkalat sa lahat na nasa dugo na ang pagiging rebelde ng pamilyang Tachibana.

" Dion" Napa dako ang kaniyang tingin kay Hikari na ngayon ay nakatingin rin sa kaniya.

" Anong koneksiyon mo sa pamilya ko?"

Expected na niyang tatanungin siya ni Hikari pero mas mabuti ng malaman nito ang totoo ng sagayun ay malaman nitong karapat dapat lamang na mamatay ang kaniyang mga magulang.

" Pinatay ng mga magulang mo ang  ama ko, Hikari.Kaya marapat lamang na pagbayaran nila iyun"

Nagtataka at nagulat si Hikari sa narinig.
" Hindi kita maintindihan"

Napatawa na lamang ng mapakla si Dion. " Of course, boba mo kasi kaya hindi mo naiintidihan. My father was the one who kidnapped your parents and their friends. Hikari. Ginawa niya yun dahil nag higanti lang siya. Your parents was a bully since they were in high school, lagi nilang binubully ang mama ko hanggang sa tumuntung na lamang sila ng kolehiyo ay ganun parin. Nakunan si mom sa unang anak nila ni papa noong kolehiyo dahil sa mga magulang mo pero hindi nila gustong gumanti dahil hindi naman yun sinasadya kaso nga lang ay umulit pa iyon sa Reunion nila at nakuhanan ulit si Mom sa bunso namin. Na depress ang mama ko at nagpakamatay dahil roon. Naghiganti lang si papa pero pinatay ng mga magulang mo." Mahaba nitong litanya na kinaawang na lamang ng bibig ni Hikari.

" Tapos 'yung mga d-death threats.. Saan galing yun?"

" Syempre sino pa ba? Gusto ko sanang patayin kayo isa isa lalo na mga kapatid mo dahil nagagalit lamang akong tinatanaw ang pamilya niyong nagtatawanan kaya naisip kong mas mabuting kunin ka ng maaga para makita yung mga mukha nilang naghihirap pero ang galing! Nakumbensi niyo ako sa mga acting niyo! Kaya para masira ulit ang pamilya niyo, kinaibigan ko ang kapatid mo dahil kapag nalaman ni Valerious iyun, hindi na kayo makikitang buhay habang ako ay naglilinis ng sarili kong kamay"

" You're really great at manipulating people. Dion. You also got me but dito ka nalang. I will not let you do another problem." Mahinang sambit ni Valerious.

" What? Paano ka nasisigurado diyan? Do you think I can let you do that?"

Kikilos na sana si Dion ngunit nakarinig na sila ng sirena ng mga pulis at wala pang ilang segundo ay napapalibotan na buong bahay. " Oh? The police I called already arrived!" saad nito at akmang lalakad na sa sa bukana ng pintuan nang mabilis siyang pinusasan ng isang lalaking kasama nila Valerious.

" What?! What's this! Get this out of my hand!" galit nitong sigaw.

Mabilis na nakapasok ang mga pulis sa loob kaya nabuhayan ng loob si Dion.

" Hey.. The murderer is inside. Capture him baka makatakas pa!" utos pa nito sa mga pulis pero binalewala lang siya nito at pumasok sa kwarto para kunin at pusasan ang mga tauhan niyang nakatulog.

" What?! Ano to?! " Hindi siya makapaniwalang tiningnan ang mga tao sa loob. Mahinahon lamang sila Valerious roon habang nakatingin sa kaniya.

" You trap me!" Galit nitong sigaw kay Valerious.

" I didn't trap you, Dion. You trapped yourself. Nagpahuli ka" sambit nito sa kaniya.

" You shit! What the h*ll is going on?!"

" Unfortunately, sinumbong ka ng isang tauhan mo. Galzon" Saad ng lalaking nagpusas sa kaniya. Tinanggal nito ang wig niya at tumambad ang pamilyar na lalaki. Ito ay ang police inspector na meet niya noon. Hindi niya akalaing ito rin pala ang huhuli sa kaniya.

" You caught up with your own plan. Galzon" ito ang huling sinabi ng police inspector bago siya nito kaladkarin sa labas.

Lumapit ang isang police sa harapan ni Valerious bitbit ang isang posas. Tinaas ni Valerious ang kaniyang kamay at hinayaan ang sariling pusasan ito ng police.

" V-valerious " Mahinang sambit ni Hikari sa pangalan ng lalaki pero hindi iyon narinig ng lalaki at nagsimula ng humakbang palayo sa kaniya.

Napakagat siya ng labi habang tinatanaw ang likod ng lalaki na papalayo sa kaniya. Parang binibiyak ang kaniyang puso nang hindi lang man siya nito tinapunan ng tingin. Pumayag siya sa plano nito pero hindi niya akalaing masasaktan rin pala siya sa huli.

TO BE CONTINUED. . . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon