21

934 14 2
                                    

Chapter 21 -Lifeless

TILA nabingi ako sa narinig. Hindi ako makagalaw sa pagkakahiga sa damuhan at prinoproseso ang narinig. Umubo na ng dugo si Matt pero binalewala niya lang ito at tiningnan kami .

" Anong sinabi mo?" Pati si Valerious ay hindi nakagalaw sa narinig. Ngumisi lamang si Matt at pinatitigan si Valerious kahit may tama na ito ng baril.

" Galzon.. Si Galzon ang nag umpisa ng lahat. He forcely ask Hikari's brother to rape her infront of them. Valerious.. " Umubo ito ng dugo unit pero parang wala siyang planong huminto sa pagsasalita.

Nakita kong natuod si Valerious sa narinig pero hindi ito nagsalita.

" After he raped her, I killed Sunshine, Valerious.. I killed her because that is what the last request she asked from me. A- ayaw niyang makaranas na naman uli ang best friend niya da- ahil alam kong gagawin mo to. P- pero nagpadala ka sa sinabi ni Galzon, y- you just let him played your mind. I- I wanted to talked to you pero napuno ka ng paghihiganti.. " 

" Don't fuck with me.. Delos reyes. I invistigated the incident! " Napatawa si Matt sa narinig per kalaunan ay umubo na ulit to.

" A- ako ang ina assign mong mag imbestiga ng incident, Valerious.. Alam mong kaya kong ibahin ang kwento"

" Y- you mother fucker! Y- you—" Napahinto sa pag galaw si Valerious nang makatayo akong nakakuyom. Pinipigilan kong huwag magalit pero trinaydor ako ng aking nararamdaman.

" Y-you killed Sunshine? At dahil doon nagka de letche letche ang buhay ko. Hindi mo ba iyun narealize, Matt? Bakit madali lang sa inyung kumitil ng buhay?"

" H- hikari, I only –"

Galit ko siyang tiningnan. " I was happy that I met you Matt pero ginago niyo lang ako! Hindi niyo man lang iniisip ang mga taong naging involved sa nangyari! Hindi niyo iniisip ang nararamdaman ng taong gusto lang maging masaya! Bakit kayo ganiyan?! I trusted you Matt, I trust you! Pero bakit!? Bakit?!"  Hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sakit at pagkadismayang naramdaman ko.

Gumalaw si Valerious at akma akong dadaluhan pero umatras ako.

" I hate you, Valerious.. Hinding hindi kita mapapatawad hanggang sa nabubuhay ako! Pinatay mo ang pamilya ko ng walang kalaban laban. Hindi mo man lang ako pinapakinggan.. I loated you, sana ikaw nalang ang namatay at hindi si Sunshine!!!" Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata nito.

" H-hikari–"

Napaupo na ito dahil sa panghihina at inindang sakit mula sa tama ng baril, at sa kabila ng galit ko sa sitwasyon, hindi ko kayang pabayaan siyang ganun na lang. Linapitan ko si Matt, nakayuko si Valerious at walang nagawa kundi huminga nang malalim. Ang mga mata ni Matt  ay puno ng pagsisisi habang pinipilit nyang magsalita.

"I'm sorry H-hikari. I'm sorry... Sana mapatawad mo ako," ang pumatak na mga salita mula sa kanya ay nagdulot ng lungkot sa aking puso. Hindi ko maiwasang humikbi habang pinahihinto ang paglabas ng dugo mula sa sugatang bahagi ng katawan niya.

"H-huwag kang mamatay Matt, Hindi kita mapapatawad pa kung iiwan mo ako," ang mga salitang iyon ay sabayang nauupos ng aking mga luha. Kahit siya ang pumatay kay Sunshine, hindi maitatanggi ang malaking naitulong niya sa akin. Tinulungan niya ako nang walang pag-aatubiling tumaya sa akin.

"P-please lang, h-huwag ka munang mamamatay. Pati ba naman ikaw, iiwan rin ako? Hindi pa kita m-mapapatawad k-kaya hintayin mo yun... H-hintayin mo akong mapatawad kita, huwag mo lang akong iwan Matt," mahina kong sambit, na puno ng hikbi habang akap-akap si Matt na tila ba sa bawat pag-ikot ng oras, mas lalong humihina ang pagtibok ng kanyang puso.

"K-kahit hindi mo na ako mapapatawad, Hikari... Kahit na magalit ka buong buhay mo, b-basta lang, nakikita kitang buhay ay masaya na ako… p-please live... Hikari," mga huling salita na nahugot niya mula sa kanyang pag-aaksaya ng hininga.

"Pa-ano?" ang aking boses ay nabasag sa kanyang harap, habang nagsusumiklab ang damdamin ng pag-aalinlangan at pag-asa.

Ngumiti si Matt, kahit sa kabila ng kanyang pag-aaksaya ng lakas. "K-kahit si Sunshine ay umaasang maging masaya ka, Hikari, at s-sana, tuparin mo iyon."

"M-matt, ang hirap... Kung lahat ng kayo ay iiwan ako... P-paano ako? Hindi na ako masaya Matt... P-please, lumaban ka..." ang aking mga salita ay nauupos ng aking mga luha. Tumingin si Matt sa akin, hawak ang aking pisngi, at tinanggap ko ito nang may nanginginig na mga kamay.

" M-mahal kita Hikari.. At mamahalin kita hanggang sa huli kong hininga. " Ito ang kaniyang huling sinabi at ang aking tanging nagawa ang humikbi at nauwi sa malakas na iyak nang nahulog na sa aking pisngi ang kaniyang kamay.

" M- MATTT!" Hinigpitan ko ang aking yakap sa walang buhay niyang katawan at iniisip kung bakit lahat ng mga mahal ko sa buhay ay lagi akong iniiwan.

Bakir ba lagi akong pinapahirapan? Sawa na ako sa ganito. Pinatay nalang sana ako. Ang sakit na, masyadong ng masakit.

" Masaya ka na ba? Pinatay mo na si Matt. Ano bang ginagawa mo diyan?" Malamig kong sambit. Marahan kong inihaga si Matt sa damuhan. Tumayo ako at liningon ang taong punot dulo ng lahat.

" Ano, Valerious.. Kulang pa ba? Kulang pa ba ang paghihirap mo sa akin?" Marahas kong pinahid ang luha sa aking pisngi at nanggagalaiting natingin sa kaniya.

At sa unang pagkakataon, nakita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha nito na matabang ko lang tinawanan.

" Anong reaksyon yan? Akala ko ba papahirapan mo pa ako? Anong itsura yan? Huli kana Valerious dahil simula sa araw na to, Mamamatay man ako at maging abo, dadalhin ko ang galit at pagkamuhi sayo. Tandaan mo yan! Hinding hindi kita mapatawad kahit mamatay kapa!"

He swallowed hard at nilapitan ako pero naputol iyon nang dumating ang kaniyang mga tauhan. " B-boss!"

Nagkatitigan parin kami at walang kumilos maski isa sa amin. Wala narin akong ganang manlaban pa.

" Lets go home Hikari. " Mapait ko siyang nginitian.

" Saan pa ba? Sa empyerno parin naman balik ko.. Ano pa bang magagawa ko?"

" H- hikari" Tinalikuran ko siya.

" Huwag mo na akong pilitin dahil ako na mismo ang uuwi pabalik. Huwag kang mag alala, hindi na ako tatakas pero ito ang tatandaan mo, Valerious… magsisisi kang binuhay mo pa ako."






— —  — — —

" Ano ba!? Diba sabi kong wala akong gana? Bakit ang tigas ng ulo mo?!" Tinabig ko ang pagkaing dinala niya sa kwarto kaya nahulog iyon sa sahig. Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto at puro naman pagpapansin ang ginagawa ni Valerious na kinagalit ko ng husto.

Tiningnan niya lang ito pero wala man lang itong sinabi. " Nag aaksaya ka lang ng panahon sa akin.. Umalis ka na" Huminga ito ng malalim at akma na sanang lalapit nang kinuha ko ang matinis na bagay sa ibabaw ng cabinet nang dinalhan ako noong isang araw ng pagkain at kinuha ko ng patago.

Nagulat si Valerious nang tinutok ko iyon sa pulso ko at nilaslas ng walang pag alinlangan. Mabilis niya itong nakuha pero huli na dahil nagdudugo na aking pulso.

" Shit Hikari! What have you done?!" Natataranta niyang sambit at kumuha ng tela para pahintuin ang dugo. Lumayo ako ng husto kaya nahulog ang tela sa sahig.

Hindi lang naman ito ang unang ginawa kong pagpapakamatay, dahil sunod sunod itong nangyari. Nagpatiwakal ako sa loob mismo ng kwarto pero nakita ako ng katulong kaya hindi iyon natuloy. Kinuha lahat ni Valerious ang mga bagay na magiging trigger kaya naghanap ako ng paraan para matuloy iyon.

" Stop this Hikari." Malumanay nitong saad habang nilalapitan ako. Nasa kaniya narin ang kutsilyo kaya naghanap na naman ulit ako ng mga bagay. Nasagi sa aking likod ang vase kaya mabilis ko itong kinuha at binasag sa sahig. Kinuha ko ang basag at mas pinalalim ang sugat sa aking pulso.

" Hikari!" Sigaw nito nang natumba na ako at tumutulo na ang dugo sa sahig at basag na vase.

" Manang!!" Iyon ang huli kong narinig bago nawala ang aking ulirat.

To be Continued. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon