29

784 15 1
                                    

Chapter 29 -MAPAGTAKSILAN

HUMAHALAKHAK sa buong kwarto si Dion na para itong nanalo ng lotto. Hindi niya mapigiling sumaya dahil sa nakikita niya. Ito yung gusto niya, ang mas mahirapan ang noo'y kinasusuklaman niyang lalaki. At kapag wala na ang lalaki ay pwede na niyang makuha ang kayamanan nito.

Ang unang plano naman talaga niya ay ikulong ang lalaki sa tulong ni Hikari kaso nga lang ay nagbago ito nang kinausap siya ni Cheska kamakailan na makikipagtulungan si Hikari ng patago dahil nalaman nilang nagmamasid lang pala si Valerious at binabantayan ang dalaga.

Kailangan nilang makumbinse si Valerious na hindi talaga alam nila Hikari at cheska na susundan sila nito at magkukunwaring walang alam si Hikari sa nangyayari. Kailangan nila iyong gawin para lumabas na ng tuluyan si Valerious sa tinataguan nito. At nakumpirma na nga na walang kahit kunting awa si Hikari para sa lalaki at yun ang napatunayan niya ngayon.



Flashback.

Tahimik na na ninigarilyo si Dion sa loob ng kaniyang silid. Kanina niya pa hinihintay ang tawag ni Cheska. Nalaman kasi niyang natagpuan na niya ang nag iisang Tachibana at ngayon ay kinukumbensi na niya ito.

Bumukas ang pintuan at napa angat ang kaniyang tingin sa dalawang tao sa harap. Napangiti ang dalaga sa direksiyon niya at mabilis siya nitong niyakap.

" Dion.. Dinala ko siya rito. Payag na siyang tumestigo. Gusto mo siyang makita hindi ba?"

Ito ang araw pagkatapos na pumayag ni Hikari noong nag uusap sila ni Cheska sa silid.

" Simple lang naman ang gagawin niyo Hikari. Kailangan niyong magkunwari na wala kayong malalaman sa susunod na mangyayari ngayong linggo. Pumunta ka sa bahay ninyo at doon ang unang hakbang ng plano natin at mas mabuting may madala kang police para matuklasan nito ang susunod na gagawin ni Valerious. Manipis lamang ang pasensiya nun at kapag narinig niyang iniinsulto kita sa harapan niya, hindi yun magdadalawang isip na paputukan ako. Iyun na ang simula ng gagawin mo. " mahaba nitong litanya. Hindi kumibo si Hikari at tinitigan lamang ang lalaki habang napakuyom ang kaniyang mga kamao.

" Anong gusto mong gawin ko?" Napangisi si Dion dahil parang willing talaga ang babaeng gawin ang lahat para mapabagsak ang lalaki.

" Stab him Hikari at sa gayon masasaktan siya mentally dahil sa ginawa mo. Alam kong nahulog na ang lalaking iyun sayo at kapag harap harapan mo siyang traydurin, mawawasak siya sa loob at hahayaang mamatay nalang sa huli. I will let him signed the document at kapag nangyari yun, papatayin ko siya ora mismo"

Ang mga papeles na kaniyang sinasabi ay isang katibayan na lahat ng pagmamay ari ng Salvatore ay mapapasa kaniya kapag namatay na ito at yun ang gusto niyang mangyari.

End of flashback.

Hindi niya inaasahang napakadali lang pala nitong mangyari. Baliw na nga ang lalaki at nahulog pa sa babaeng magiging dahilan ng kaniyang kamatayan.

" D-dion. You bastard" mahinang usal ni Valerious habang iniinda ang sakit sa kaniyang tagiliran.

Walang ginawa si Hikari kung hindi mapaupo at mapatitig sa kaniyang ginawa. Nasaktan rin siya nang makitang may bumalatay na lungkot sa mga mata nito. Nasaktan siya pero pinatatag niya ang kaniyang sarili at tumayo.

Nagulat si Valerious nang lumapit si Hikari sa direksiyon ni Dion at walang emosyon siya nitong tiningnan. " H- Hikari?"

" Kulang pa yan sa ginawa mo.. You ruined me already" mas nalungkot si Valerious sa narinig. Inaakala na niyang mangyari ito pero bakit masakit pa rin? Gusto niya nalang mamatay sa araw na iyun kaysa makita ang babaeng mahal niyang trinatraydor siya.

Kumilos ang mga kasama ni Valerious pero hindi man lang sila makausad sa loob dahil napapaligiran ng mga tauhan ni Dion ang paligid at kunting hakbang lang ay mamamatay sila. Wala silang magawa kung hindi tignan na lamang ang sitwasyon.

Pumalakpak ang typical na bida sa scenerio at lumapit ito sa nakaluhod na si Valerious dala ang isang documents na noon niya pa plano.

" Hmmm. So anong gagawin natin ngayon? Napaka wasted mo na. Sa isang babaeng kalang pala matatalo.. " Bumulong ito kay Valerious. "Paano kung... gawin ko rin ang ginawa mo kay Hikari? Masaya siguro yun" Nag igting ang panga ni Valerious sa narinig. Alam niyang malaki ang kamalian niya pero hindi niya hahayaang magdusa na naman ito.

" W- what d you want from me?" Hindi maiwasang mapangiti ng malaki si Dion sa narinig. Tila pumapalakpak ang kaniyang dalawang tenga sa saya. Ito na.. Ito ang gusto niya.

Binigay nito ang documents sa lalaki.
" Sign this paper at pagkatapos nito ay walang mangyayaring masama sa pinaka mamahal mong babae. Magiging payapa ang buhay niya.."

" Is that true? Hindi mo siya gagalawin?" Tumango tango ang lalaki.

" Oo naman. Deal is the deal. Walang mangyayari at makaka asa ka sa sinabi ko. Just sign this paper and everything will be fine" Panigurado nitong sambit.

Lumagpas ang kaniyang tingin sa likod ng lalaki at nakita niyang napangiti si Hilari sa kaniya. Ngiting magsisimula na ang totoong plano.

Huminga ng malalim si Valerious at kinuha ang ballpen sa kamay ni Dion. Kailangan lang lumuhod ni Dion dahil hindi masyadong maabot ng lalaki ang inaabot niyang ballpen at ng documents at nang akma na sana siyang ibaba ang katawan nang may sumipa sa kaniyang likod upang mapatumba siya at sinalubong ang kanina pang nakahandang kamao ni Valerious.

Hindi siya nakahanda kaya nasuntok siya sa panga at mabilis itong nagdudugo. Gulat na gulat siya sa nangyari at lalo na nang tumayo si Valerious na parang walang iniindang sakit.

Gulat na gulat ang lalaki at tinuro ang direksiyon nito.
" P-paano mo-" Hindi na niya nakompleto ang kaniyang sasabihin nang mabilis siyang sinapok ni Cheska ng kahoy sa ulo kaya napatumba siya ng tuluyan.

" H-hayop ka! " Kahit nagdudugo ang kaniyang mukha ay sinilip niya ang galit na mukha ni Cheska habang pinipigilan ni Hikari itong sugurin ulit.

" B-b*tch.. " Mahinang sambit niya habang iniinda ang sakit sa batok.

" Ikaw naman tatanungin ko, ano ang pakiramdam na mapagtaksilan?" Pa ulit nitong tanong sa lalaki.

TO BE CONTINUED. . . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon