22

937 17 1
                                    

Chapter 22 -Her unbelievable request.

NAKATULALA lamang ako sa ceiling ng kwarto. Kanina pa akong nagising pero wala akong ganang tumayo o kumain man lang. Halo halo na ang aking iniisip at hindi ko na alam ang gagawin susunod.

Pagod na akong mag isip at hayaan nalang ang katawang nakahiga buong linggo. Hindi ko na maalala kung kailan yung pagtatangkang paglalaslas ko pero sa tingin ko ay ilang linggo na ang nakakalipas dahil papahilom na rin ang nga sugat sa pulso ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwartong napuno ng iba't ibang bulaklak. Magaan narin ang ambiance ng loob dahil pinalitan ng bagong kurtina ang kwarto kaya hindi na katulad noon na madilim at plain lang. At sa ilang araw na yun, gabi gabi akong dinadalaw ni Valerious at icheck ako ng walang kahit anong salitang bumuka sa kaniyang bibig.

I even saw his dark eyebags pero hindi ko yun inaalala dahil kung masakit sa kaniya ang pagkamatay ng kapatid niya, mas masakit sa akin ang nangyari dahil lahat ng mga taong mahalaga sa akin ay kinuha niya. Habang iniisip ko ang dahilan at nangyari ay sumasakit ang dibdib ko na parang may malaking batong nakadagan dito.

Kahit noon pa ay hindi ko kayang maging comfortable sa presensiya niya, na susuffocate ako at kapag nakikita ko ang mukha niya- nasasaktan lang ako.

Narinig kong bumukas ang pintuan pero wala akong ganang liningon iyun dahil alam ko namang siya na naman yun. Kanina pa siya pabalik balik sa kwarto at tinitingnan ang paligid. Nababaguhan rin ako dahil  nakasuot siya ng simpleng damit at nag aangat ng kung ano ano kanina.

Ino obserbahan ko lang siyang dumiretso sa pader dala ang mga makukulay na paint. Pwede niya namang utusan mga tauhan niyang magpaint pero bakit siya mismo ang gumawa? Tutok na tutok ito roon at ilang minuto bago simulan ang pagkuha ng brush at isinawsaw sa paint.

Binalewala ko ito at binaling ang aking tingin ulit sa ceiling.

" Sir" isang katok ang nagpagalaw sa akin pero hindi ko iyun tiningnan. Bumukas ang pintuan at kasabay din ang pagka amoy ko sa pagkain kaya nakaramdam ako ng gutom. Ilang araw pala akong umiiwas ng pagkain inihanda ni Valerious at kinakain ko lang ay yung luto ni Manang na sopas.

" Put that on her bedside, manang.."

" Sir, okay lang po bang ako nalang magpapakain kay Hikari? Baka po k-kasi-"  Narinig kong napabuntung hininga si Valerious kaya naputol ang pagsasalita ni Manang.

" Fine, tatapusin ko lang to bago mo siya pakainin" pumasok na si manang at plinastar ang mga pagkain sa bedside ko kaya amoy na amoy ko yun. Pinikit ko rin ang mata ko para hindi nito mahalatang gising pala ako.

Ilang minuto rin ang nagtagal nang maramdaman kong bumukas ang pintuan. " Hikari, Wala na si sir"

Binuksan ko ang mata ko at tiningnan si Manang na nakangiti. Tinulungan niya akong makaupo ng maayos at iniayos ang aking pwesto.

"'Di ba paborito mo yung sinigang? Kaya nagluto ako para may gana ka" Tiningnan ko lang itong ipinuwesto ang pagkain sa harap ko nang hindi umiimik.

" Osiya, kain ka na" Ginalaw ko ang aking kamay at kinuha ang kutsara. Wala pang masyadong lakas ang aking katawan dahil rin siguro ay wala akong ginawa kundi nakahilata buong linggo.

Nang matikman ko iyun ay hindi ko maiwasang mapangiti. " S-sarap" Saad ko ng mahina.

THIRD POINT OF VIEW.

pagkatapos makalabas ni Valerious sa kwarto ay huminto muna siya sa labas ng pintuan at inawang ng marahan iyun. Gusto niyang makita kung kakainin ba ni Hikari ang niluto niyang pagkain. Nagpaturo pa siya kay Manang para mailuto niya ang dalaga. Ilang beses na siyang sumusubok ng iba't ibang putahe at may panahon pang nauumagahan siya dahil sinisigurado niyang perpekto ang mailuluto niya kahit na ilang beses na iyung nasayang dahil kahit pagtikim man lang ay hindi magawa ng dalaga.

Masikip ang dibdib niya pero alam niya sa sariling hindi iyun sapat para patawarin siya ng dalaga sa ginawa niya. Pinagsisihan niya ang lahat pero huli na para doon dahil kahit anong effort ang gagawin niya, hindi iyon mapapansin ng dalaga.

" S-sarap" Tila nagtatalon sa saya ang kaniyang damdamin nang marinig iyun sa dalaga at nasilayan pa nito ang pagngiti. Gustong gusto niyang siya mismo ang nginitian ng dalaga pero alam naman niyang nagiging ganoon ito dahil iba ang kasama nito.

Maggagabi na at sa ganitong oras ay bumibisita siya sa dalaga para icheck ito bago siya matulog. Nang makarating siya sa loob ng kwarto ng dalaga ay narinig niya itong umuungol at umiiyak na parang may iniindang sakit kaya dinaluhan niya ito at tinapik ang pisngi ng marahan para gisingin. Nanaginip pala ang babae.

" Hikari, wake up" Bumukas ang luhaang mata ng dalaga at nang mapadako ang tingin nito sa kaniya ay tinulak siya nito at sinigawan.

" Hayop ka.. Kasalanan mo to! Sana ikaw nalang mamatay!" Sigaw ito ng sigaw pero pinili parin ni Valerious na daluhan ang dalaga.

Humihikbi ito habang pinagsusuntok siya pero iniinda niya ulit dahil kulang na kulang pa iyon sa nararamdaman ni Hikari.

" B-bakit ka pa nabuhay?! Sana hindi ka nalang binuhay! Sana namatay ka nalang noong nasagaan ka!" Natuod siya sa sinabi nito. Marahil nasabi ni Sunshine na nasagaan siya noon ng sasakyan at ikalawang buhay na niya ito.

" Napakamalas ni Sunshine sayo dahil mamatay tao ka! Wala kang puso! S-sana mamatay kana! Ayaw na kitang makita!" Sinusuntok parin siya nito pero tinatanggap niya iyon dahil deserve niya namang pagsalitaan ng ganun.

" B-bakit ayaw mo pa akong lubayan?! Bakit ayaw mo akong hayaang mamatay Valerious!! Bakit?! N-nahihirapan na ako sa buhay ko, Valerious! Pakawalan mo na ako!!" Dahil sa panghihina ay napaupo na lamang si Hikari sa sahig habang umaagos parin ang kaniyang mga luha. Kahit anong gawin niya kay Valerious ay hindi parin mawawala ang sakit na nararamdaman niya. Para siyang pinarusahan ng ilang beses ng hindi siya tinitigilan.

" V- valerious, please tama na.. H-hindi ko na kaya.. Ang sakit sakit na"

" H-hikari" Nabasag ang boses ni Valerious at dahan dahan lumuhod para pantayan si Hikari.

" Huwag mo akong lapitan!!" Sabay tulak kay Valerious kaya napalayo ito ng upo.

" Nakakadiri ka! Huwag na huwag mo akong lapitan!"

" H-hikarii.. P-patawad" Natahimik si Hikari sa sinambit nito pero kalaunan ay tumawa siya habang umaagos parin ang luha sa mata.

" A-ano to? Patawad? Saan ka humihingi ng paumanhin? Humihingi ka ng paumanhin dahil hindi mo kayang patayin ako ng ganoon kabilis dahil gusto mo pa akong pahirapan?! Ha, ganoon ba?!"

Hindi ito sumagot at nakayuko lang pero napansin ni Hikari ang pagyugyog ng kaniyang mga balikat.

"A-alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng paumanhin dahil sa lahat ng ginawa ko, Hikari pero sana hayaan mo akong pagbayaran iyun.. D-dahil hindi ko kayang mawala ka.. Hindi ki kayang tuparin ang hinihiling mong patayin kita dahil yun ang bagay na ayokong gawin sayo.. "

Hindi nakapagsalita si Hikari sa narinig dahil sa ilang buwan niyang pagtira rito ay hindi niya aakalaing hihingi ng paumanhin ang lalaking akala niya ay walang damdamin dahil sa ugali nito pero bakit ganoon? Bakit nasasaktan parin siya? Hindi iyun sapat para humilom ang nasira niyang puso dahil lang sa paghingi ng tawad nito…

Mapait niya itong nginitian at tuluyang pinunasan ang luha sa pisngi. Nakayuko parin ang lalaki sa harap niya at kahit hindi niya yun makita ay alam niyang umiiyak ito.

" H- huli kana Valerious.. Kahit habang buhay kang humingi ng tawad, hinding hindi ko parin iyun ibibigay sayo.. "

" A-ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Tell me please.. "

Huminto siya pero isa lang naman ang nasa isip niya.

" Isa lang naman hinihingi ko Valerious, mapapatawad lang kita kapag hahayaan mo akong mamatay. Yun lang ang hiling ko sayo.. Patayin mo nalang ako at baka may pagkakataon pang mapatawad kita"

To be continued. . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon