27

753 13 1
                                    

Chapter 27 -Kakampi o Kalaban?

NAPAHINTO siya nang makarinig ng putok ng baril sa labas kaya mabilis siyang napatakbo roon. Napatutop na lamang siya ng bibig nang makitang duguan at wala ng buhay ang police na kasama niya. Lumukob na naman ulit ang takot sa kaniyang dibdib.

" Hikari, nandito ka pala" Napalingon siya sa pamilyar na boses ng babae. Nagtatanong ang kaniyang mata kung bakit alam ni Cheska ang bahay niya.

" B-bakit ka nandito? Anong nangyayare?" Hindi siya makapaniwalang napatingin sa baril na hawak nito. Bakit may baril itong hawak? Naguguluhan na siya.

Tinaas nito ang baril. " Hindi ako ang pumatay sa police na yan kung yan ang gusto mong marinig. Napulot ko lang to sa daan. Nahulog yata ng may ari" Casual nitong sagot na hindi man lang nababahiran ng kahit anong takot. Kaibahan sa takot na mukha nito noong pinatakas niya pa ito.

" Hikari, tara na.." Napukaw ang kaniyang pag iisip nang marinig niya ito.

" P- pero yung police- "

" Huwag kang mag alala, tumawag na ako ng ambulansiya pero hindi pwedeng makita nila tayo dahil baka tayo yung pagbintangan. Hindi naman ako ang pumatay niyan" Mabilis nitong inihagis ang baril malapit sa bangkay at nilapitan si Hikari pero iba ang nararamdaman ng dalaga kay Cheska. May mali sa kinikilos nito.

" H- hindi ako sasama sayo" Pilit na pinatigas ni Hikari ang kaniyang boses at umatras.

Nangunot ang noo ni Cheska at sa huli ay inikutan siya nito ng mata. " You know what? Tinutulungan lang kita pero ikaw yung bobo"

" Ano bang pinagsasabi mo Cheska, hindi kita maiintindihan"

Napacross arm ang babae at inismiran lamang si Hikari. " of course, you're not. You're stupid to think that. Gumawa ako ng ebidensiya para mapabilis ang kaso na ipapapataw mo kay Valerious. Kung nakikita mo ang baril na iyan, iyan lang naman ang isa sa mga baril niya at nandiyan parin ang finger print ng lalaki. Kapag nalaman nilang si Valerious ang pumatay sa police na yan at kaparehas ng baril na nakuha nila sa presinto, kahit hindi ka na magbigay ng statement, magiging main suspect si Valerious. O di ba, andali lang pero hindi mo man lang magawa"

" P-paano mo nalamang may ebidensiya na kami? Wala akong sinabi sayo. Cheska" Napatigil ito sa sinabi ng Hikari. Hindi niya maisip na mabubuking siya dahil sa bibig niya. ' Lagot na naman ako sa lalaking yun!' Nasa isip niya.

" I have no choice then. Malalaman mo na" Bigla nitong wika at hinila si Hilari sa loob ng bahay. Nagpupumiglas si Hikari pero mas hinigpitan ng babae ang pagkakahawak sa kaniya nito.

" Saan tayo pupunta? Anong gagawin mo?!" asik na tanong niya pero hindi ito sumagot.



Nakapasok sila sa isang kwarto at naalala niya namang kwarto ito ng kaniyang ama. Akala niya ay katahimikan ang sasalubong sa kaniya pero nagulat at natakot siya nang hindi mga kilalang lalaki ang nasa loob roon. Mga lalaking ngayon niya lang nakita.

" Sino kayo?!" Hindi niya maisip na ginawa na palang teritoryo ng kung sino ang bahay nila. Hindi niya iyun mapapayagan.

" Anong ginagawa niyo sa bahay ko?" Imbis sagutin siya ng mga ito ay ngisi lamang ang lumitaw sa kanilang mga mukha. Binitawan na siya ni Cheska at ngayon at lumapit ito sa lalaking napalalagitnaan. Umangat ang tingin nito sa babae at pinasadaan siya nito ng tingin.

" So you are Hikari Tachibana.. The wife of Salvatore. Or should I say, the sex slave of him?"

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kahit alam niyang totoo naman ang paratang nito sa kaniya. Ayaw niyang mag isip ng kung ano ano pero alam niyang sex slave naman talaga ang role niya sa pamamahay ni Valerious. Ginawa lamang siyang parausan pero noon yun.

" Ano to Cheska? Sino sila? Bakit mo sila kasama? " Sunod sunod na tanong niya rito pero binigyan lang siya ng poker face ni Cheska habang naka angkla sa lalaki.

Dapat sa sitwasyong ito ay matatakot siya pero parang sanay na  siyang makakita ng ganito dahil na rin kay Valerious. Kumpara sa lalaking leader nila, mas nakakatakot ang presensiya ni Valerious.

" We are here to help you. Help you bring Valerious to his cell"    nagtawanan ang lahat sa sinabi nito. Siya lang at si Cheska ang hindi.

"Ano? Hindi ko kayo maiintindihan
Sino ka? Bakit mo kilala si Valerious?" k

kanina pa siya nagugulat at nagugulahan sa nangyayari. Hindi na niya alam kung totoo pa ba ang ginagawa ni Cheska na pagtulong sa kaniya.

" I am Dion Galzon at noon ko pa gustong mapabagsak ang lalaking iyun at ikaw ang susi para magawa iyun. Alam kong matagal mo ng inaasam na mapatay ang lalaking iyun. Hindi ba? Pinatay niya ang pamilya mo at ginawa ka pang parausan. Alam kong galit na galit ka sa kaniya. Tama ba ako, Hikari Tachibana?" Madiin nitong sambit. Napalunok siya dahil parang sinasabi nitong wala na siyang choice kung hindi kumampe sa kanila. Ngunit may naalala lamang siya sa apelyedo ng lalaki.

" G-galzon? I-ikaw ba ang nag-utos sa kapatid kong gahasain si Sunshine?" nakakagimbal gimbal na tanong ni hikari sa masalimuot na lalaking iyon.











TO BE CONTINUED. . . .

Beneath His Cruelty (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon